White's Pov
Tumigil kami sa pagtakbo malapit sa labasan ng tunnel. Nakita kong nakatayo si Mama ( ang aking tiyahin na walang anak, gusto nyang "Mama" ang itawag sa kanya ng mga pamangkin nya dahil pangalawang anak nya raw kami)
"Anong ginagawa ni Mama dito?" Bulong ko sa aking sarili habang tinititigan si Mama na nakatayo hindi malayo sa kinatatayuan namin.
"My dear white Rain, I think you should go back to your cell. After all, MOTHER'S KNOWS BEST! if only you're good enough to do it" nakangiti na sabi ni mama sakin at parang hinihikayat ako na sumunod sa kanya.
"Una po sa lahat! Hindi po kita ina! Wala akong kinikilalang ina! Pangalawa, Wala akong kinikilalang pamilya dahil walang Sino man sa pamilya nyo ang nagturing sakin nun! Panghuli, patawad po, dahil nakapagdesisyon na po akong umalis sa Holy land" sigaw ko Kay mama. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na meron ako ngayon at nasabi ko yun pero hindi ako nagsisi na sinabi ko yun. Determinado at desperada na ako ngayon na makawala sa empyernong pamilya nila.
Mula sa nakangiting labi ni mama, unti unting napalitan yun ng nakakakilabot na ngisi.
Mama stared at me with bloodlust that gave chills down my spine.
"Then, you leave me with no choice but to kill you!"Hindi na ako nagulat nang sabihin nya yun dahil sa simula palang kaya na nilang gawin yun sakin.
Unti unting nawala si mama na parang bula sa kanyang kinatatayuan. Nagulat nalang ako ng lumitaw sya sa mismong harapan namin.
Napakabilis ng kanyang pagkilos at hindi ito nasabayan ng aking mga mata. Nakita kong tumilapon papasok sa tunnel ang babaeng kasama ko.
"Ayoko ng distorbo kaya dinispatya ko na" malamig na sabi ni mama.
Lumapit sya sakin at bigla akong sinakal ng napakahigpit. Hinawakan ko ang kamay nyang nasa leeg ko at pilit na inaalis yun. Ngunit parang nawawala ang lahat ng lakas ko at paunti unting namamanhid ang aking buong katawan, habang humihigpit ang pagkakasakal nya sakin.
"Hindi ako papayag na pumunta ka sa outcast! At kung magpupumilit ka, kailangan kitang patayin!"
Unti unting nanlabo ang aking paningin. Ngunit bago pa ako malagutan ng hininga, marahas na tumilapon sa labas ng tunnel si mama. Nabitawan nya ako at napaupo ako sa sementong sahig habang humahabol ng hangin.
Lumakad ang kasama kong babae papalapit Kay mama. Ngumisi sya ng nakakatakot at para bang aliw na aliw sya habang pilit na bumabangon si mama.
Ngayon ko nasabi sa sarili ko na ang maganda at inosente nyang mukha ay taliwas sa nakikita ko ngayon.
"Wag mo akong mamaliitin blue Wave! Now! ARE.YOU.READY.TO.DIE"
![](https://img.wattpad.com/cover/195402385-288-k406729.jpg)
BINABASA MO ANG
DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black Prince
FantasyThe Elipsu world was full of magic and this world is divided into two lands. The outcast and holy land. A prince who had suffered from a cursed fell in love with a lady who had escaped from her ruthless family. ~"If loving you would be my greatest...