Chapter 28

9 1 0
                                    

               Whites POV

Kasalukuyan ako ngayong nasa hardin ng palasyo kasama si life at blood. Naupo ako sa ilalim ng malaking puno ng mansanas. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang ang mga huni ng ibon at ihip ng hangin na lamang ang tangi Kong maririnig subalit may mga tao atang hindi ka hahayaang malagay sa tahimik.

"Place" I heard a manly voice probably in front of me.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ang lalaking tamad na tamad na nakatingin sakin.

"Mr. Who you are, ang my lady ko ang na una rito Kaya humanap ka ng sarili mong pwesto!" Singhal ni life sa lalaki.

Hindi man Lang sya natinag sa sigaw ni life sa kanya. He just looked at her in a bored way. Matamlay and kulay abo niyang mga mata, Mahahaba Ang mga pilikmata, matangos ang ilong nya, mapula ang mga labi nya at kulay silver ang buhok niya.

"own" Parang tamad na tamad talaga siyang magsalita.

"Oh, sayo pala to?"tumayo na ako. Aangal pa sana si life ngunit pinigilan siya ni Blood. Tumango Lang ang lalaki sa sinabi ko.

Iiwan ko na Sana siya nang marinig ko siyang nagsalita Kaya huminto ako at nilingon siya.

"Name" Sabi niya. Bakit one word Lang ang sinasabi nito? Itinuro ko ang sarili ko.

Nagtatanong Kong pangalan ko ang tinatanong niya. Tumango Lang siya. Ang weird naman niya.

"Third. Ikaw?"

"Crown prince" Yun na ata ang pinakamahabang salita na narinig ko sa kanya. Akalain mo yun, two words na! Pero Teka? Crown prince? Nanlaki Ang mga mata ko sa realization.

"Your are sloth!"

Sumandal si Sloth sa puno kung saan ako naka pwesto kanina. Hindi niya ako pinansin at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Mukhang ayaw niyang kinakausap ng matagal. Iniwan na lamang namin siya ni Blood at life doon sa hardin.

Naglalakad na ako pabalik sa kwartong pansamatala kong tutuluyan dito sa palasyo nang makasalubong ko si Black. Wala sana akong gana na pansinin siya pero bigla siyang tumigil sa mismong harapan ko at siya ang unang pumansin sakin.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap" nakakunot noong tanong niya.

"Sa Hardin Lang. Bakit mo naman ako hinahanap?"

Nakataas ang isang kilay na tanong ko pabalik.

"Hindi ka sumipot nang tanghalian sa hapag kainan kaya naisip ko na baka hindi kapa kumakain."aniya.

Hmmmmp! Nag-alala ba siya? Tinitigan ko siyang mabuti pero hindi ko naman makita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

" Sino naman ang nagsabi sayo na hindi pa ako nananghalian?" I don't want to admit that I haven't eaten anything yet after our breakfast. Ngunit kahit itanggi ko man, ang problema naman ay ang tiyan kong ayaw mag-cooperate.

Umingay ang tiyan kong tanda nang gutom sa harap niya mismo. Hiyang hiya talaga ako nang mga oras na to! Traydor na tiyan oh! He smirk at me.

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya habang namumula sa hiya.

"Ah Hindi pala gutom?" Nang-aasar pa na sabi niya.

"Eh-..a-ano.." nautal na ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Yan kasi nagpalusot pa" pagpaparinig ni life. Siniko naman siya ni Blood.

Hinawakan ni black ang kamay ko at hinila ako patungo sa kusina. Nakatingin lamang ako sa kanyang likuran habang binabagtas namin ang mahabang hallway.

"Sa susunod wag kang magsinungaling sa harap ko kung mabibisto ka Rin Lang" Sabi niya nang hindi man Lang ako nililingon.

I pout." Oo na" lumingon na siya pagkatapos kong sabihin yun.

"Wag kang mag pout..di naman bagay sayo" tumanggap siya sakin ng matalim na tingin pagkatapos niyang sabihin yun.

Napa bulong nalang ako sa sarili."Fish tea ka!"

Simula nang araw na Yun, Hindi ko na ulit nakita si Black. Kahit nga Sina first at second hinahanap Rin siya.

"Blood, Alam mo ba Kung asan siya" umiling Lang si blood na kasama ko ngayon. Kasalukuyan Kasi kaming nasa aking silid. Hindi namin kasama si life dahil abala ito sa botanical garden Ng palasyo. Pumupunta rin siya sa bahay gamutan na naintindihan ko naman Kung bakit.

Bumuntong hininga na lamang ako at nagpasiyang pumunta sa hardin ng palasyo Kung saan ko nakilala si Sloth. Nadatnan ko siyang nakahiga sa lilim ng puno. Ang dalawa niyang braso ay nasa kanyang ulo na ginagawang unan. Naramdaman ata niya ang presensya namin ni blood dahilan ng pagdilat niya ng mga mata.

He stared at me lazily. Lumapit ako sa tabi niya."pwedeng umupo?" Tumango Lang siya. Ang tipid niya talaga sa salita. Di man Lang ba napapanis ang laway nito?

Umupo naman ako sa tabi niya. I don't know how to converse with him. I don't know how to start.

"Uhmmm...how are you?"

"Fine"

Oh my!Ang awkward naman nito. Napatingin ako Kay Blood na Nagmamasis samin sa di kalayuan.

"Ikaw Lang ba---"I was about to ask something when he cut me off.

"I wanna ask you...For you, what is a king?" Umawang ang labi ko sa tanong niya at gusto Kong mapa facepalm sa nasagot ko sa kanya.

"Fish tea! Ang haba ng sinabi mo!"

Napatakip agad ako sa aking bibig when I realized what I said. I saw amusement flashed on his eyes.

"Ahmm..a king you say?"

Tumango Lang siya sa tanong ko.

" I think, a king is a water."

Napakunot-noo naman siya sa sinabi ko.

"Why?"

"Because water nourishes the land and a king should nourished it's kingdom but most of all a king will never be a king without it's people. Like duh! Paano ka mamumuno Kung Wala ka namang pamumunuan, and what is a kingdom for without a king? Para saan pa ang pagtayo ng kaharian na Wala namang Hari?"

He looked at me dumbfounded. Hehe, Hindi ata nya na gets ang sinabi ko.

"Nakuha mo ba ang point ko?" Sabi ko.

Napabuntong hininga naman siya at umiling. Ang haba nang sinabi ko, Hindi naman pala nya nakuha.

"Hayyst! Isa ata siyang Isda eh!" Mukhang napalakas ang pagbulong ko at narinig pa niya.

"Isda?"

"Ahhh..Wala..bakit mo ba Kasi natanong ang tungkol sa pagiging Hari?"pagbalik ko sa usapan namin.

"Nothing" Yun Lang ang sinabi niya at Hindi na umimik pa ulit. Wala kaming imikan hanggang sa tawagin ako ni Blood dahil oras na raw ng hapunan ko. Mag-isa na Kasi akong kumakain dahil naiilang akong makasama sa iisang lamesa ang Hari at ang mga anak niya samantalang Todo naman Kung sumipsip ang dalawang isda na sina first at second sa Hari na ama Ni Black. Nagpapakitang tao Lang naman yung dalawang yun eh. Nagpaalam na ako kay sloth at isang tango ang sinagot niya sakin. Mukhang bumalik na ang pagiging tipid niya sa salita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon