White's pov
Pilit akong tumayo mula sa pagkakaupo kahit nanghihina pa at sinundan ko silang dalawa sa labas ng tunnel.
"Thousand swords! Fall from heaven!" Nag cast ng magic ang babaeng kasama ko. Nakita kong sabay sabay na lumitaw sa himpapawid ang mga libo libong espada na nakalutang.
"Wow! Ang galing!" Namamangha ko pang sabi. Paano nya nagawa ang bagay na yan?
Itinaas nya ang nakabuka nyang palad at nang itiniklop nya ito, sabay na bumulusok pailalim ang mga espada at papunta ang lahat ng yun sa direksyon ni mama. Hindi na nakaligtas pa si mama. Nakatayo syang puno ng saksak ng espada ang buo nyang katawan. Napuno ng malapot nyang dugo ang berdeng damuhan. Napaupo ako sa panlalambot.
"I had witness such brutality"
She is literally ripped into pieces! Merong part sakin na nalulungkot sa sinapit nya. Kadugo ko parin naman sya kahit paano. Nalungkot ako ng kaunti sa sinapit nyang kamatayan. Patawad tiya.
Lumakad papalapit sakin ang babaeng kasama ko at inilahad nya ang kanyang kanang kamay sakin.
"Masanay kana, dahil mas marami pang brutal na pangyayari ang makikita mo kapag sa outcast ka na nanirahan. You know, cruelty is natural to an outcast citizen"
"Yeah, right"
Tinanggap ko ang nakalahad nyang kamay at sabay kaming tumakbo papasok sa gubat ng esteria."Ilang oras po ba ang aabutin bago makarating sa lagusan?" Tanong ko habang tumatakbo kami dito sa bungad ng gubat ng esteria.
"Hindi oras kundi araw, sa tingin ko..tatlong araw ata"
"Huh! Malayo po?"
"Oo, malayo pa ang lagusan dahil nasa malapit sa hangganan ng esteria,maaaring buksan ang lagusan"
Tatlong araw. Ano kaya ang sasapitin namin sa tatlong araw? Maari kaming mahabol ng pamilya AquaHeart.
"Sya nga po pala, paano nyo po nagawa ang thousand swords? Ngayon ko lang po kasi narinig ang technique na yun"
Malaking katanungan kasi sa isip ko ang bagay na yan. Sa dami ng librong nabasa ko, ni minsan hindi ko pa nabasa ang tungkol sa thousand swords. Impossibleng hindi ko malaman ang technique na iyon, dahil curious ako sa mga magic techniques.
"Ang totoo, ginawa ko mismo ang technique na yun. Ngunit ituturo ko yun sa mga magiging future daughter in law's ko"
EH? ANO RAW? EXCITED LANG PO?
"Pero dahil, nagustuhan kita, sige.. ituturo ko Sayo" ngumiti sya ng malapad sakin.
" Huh? Hindi po ako gifted at hindi rin po natin alam ang element nyo" umiwas agad ako ng tingin. Nalaman na nyang hindi ako gifted baka hindi na nya ako magustuhan.
" Alam mo kung ano ang advantage nating mga magic skill user? Hindi tayo gumagamit ng isang element lang dahil kaya nating gamitin lahat"
Huh? Natin? Kung ganon.....
"KATULAD KITA!!!"
BINABASA MO ANG
DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black Prince
FantasyThe Elipsu world was full of magic and this world is divided into two lands. The outcast and holy land. A prince who had suffered from a cursed fell in love with a lady who had escaped from her ruthless family. ~"If loving you would be my greatest...