White's POV
Outcast land at Holy land. Dalawang lupain na humahati sa mundong ito. Holy land ang lupain kung nasaan ako nakatira. Mapayapa,masagana,maganda ang tanawin. May government council na nagpapatupad ng batas na nagpapanatili ng katahimikan. Ang bahagi ng mundong ito ay nasisinagan ng araw.
Outcast land. Ito raw ang lupain ng mga patapon. Sila ang mga nagtaksil sa holy land noong unang panahon. Dito nakatira ang mga masasamang klase ng tao. Napupuno ng itim na ulap ang himpapawid nito kaya naman ang lupaing ito ay hindi nasisikatan ng araw.
Ang dalawang lupain na ito ay mayroong border na humahati sa bawat lupain. Ang mga outcast ay hindi pwedeng pumunta sa holy at ang mga holy ay hindi rin pwedeng pumunta sa outcast.
Hindi mo iisiping lumusot sa border kung Mahal mo pa ang buhay mo. Dahil bago ka makalagpas sa border mararanasan mo ang matinding pasakit ng mga elemento(fire,water,wind,earth). Minsan, meron nang sumubok na lumagpas sa border pero namatay sya na tinutupok ng apoy ang buo nyang katawan. Kaya naman Wala nang nag lakas loob ang sumubok ulit.
Nalaman ko ang lahat ng yan dahil sa mga nabasa ko sa libro.Meron din akong narinig na balita galing sa mga chismosa kong katulong. Merong eight rules raw ang outcast land na ginawa ng walong barumbadong prinsipe nila. Oo, meron ring mga prinsipe at prinsesa pero hindi ako kasama sa mga maharlika. Kami ang sunod sa mga maharlika dahil kami ang pinakamayamang angkan dito sa holy land.
Balik tayo sa mga prinsipe ng outcast. Ang unang prinsipe ay si Sloth. Ayon sa mga narinig ko sa kanya,lagi raw syang makikita sa border na natutulog. Sikat sya sa lahat ng naninirahan sa holy land dahil gwapo at makisig raw syang prinsipe at sya raw ang susunod na magiging hari ng outcast land.Ang pangalawang prinsipe,si Greed. Ayon sa mga sabi-sabi tungkol sa kanya,sya raw ang pinakamagaling na magnanakaw ng outcast land. Pero yun lang ang nalaman ko tungkol sa kanya..
Pangatlo. Si Lust,masyadong sikat ang isang to, lalong lalo na sa mga babae. Rinig ko pa,sa dami ng pinaiyak nya lagi syang nasasampal ng bigla nalang sa daan.
Pang-apat. Si Pride. Sya raw ang best friend ni Sloth. Taga gising ni sloth sa umaga,taga linis ng bahay nya at taga remind ng mga gagawin nya sa bawat araw. Ewan ko kung paano natiis ng pride nya ang ganun.
Pang lima. Si envy, Inggetero raw sya sa lahat ng bagay. Kahit anong makita nyang maganda para sa kanya, kaiingitan nya talaga. Hay naku!may problema ata sa utak to!tsk.tsk.tsk.
Pang anim. Si gluttony, ang alam ko, mabait raw sya pero madamot pagdating sa pagkain! Sya raw ang pinakamabait sa kanilang walo. Tsk. Walang mabait na madamot!
Pang pito. Si wrath. Nakakatakot raw syang tumingin. Masakit rin daw syang magsalita. Ah..harsh pala ang isang to!
Pang walo at ang pinaka malupit sa lahat. Si Black. Ang tawag sa kanya "BLACK PRINCE". Konti lang ang alam ko tungkol sa kanya. Wala pang nakakakita sa mukha nya ang nabubuhay. Sya raw ang pinaka nakakatakot sa walo. Walang nakakaalam kung nasaan na sya ngayon dahil nagtago raw sya sa kasalanan na kanyang ginawa. Itinakwil sya ng kanyang angkan dahil nilabag nya ang "SACRED LAW" ng outcast land."Outcast Sacred Law" binasa ko ulit ang title ng libro.
Kung ano man ang sacred law na ito, katumbas nito ang holy law namin. Itinago ko ang libro sa drawer ko. Lumapit ako sa bintana. Tuloy parin ang kasiyahan nila. Rinig na rinig ko pa mula dito ang ingay ng musika sa grand hall kung nasaan ang pagdiriwang.
Tumingin ako sa nakasarang pinto ng kwarto ko. Hindi naman siguro nila mapapansin kapag mawala ako sa kwarto. Nasa labas lang naman ang dalawang guardiya eh. Hindi naman sila pumapasok dito sa loob.
"Minsan, siguro, kailangan ko ring lumanghap ng sariwang hangin. Ngayon ko lang naman gagawin ito kaya siguro okay lang" pagkukumbinsi ko pa sa aking sarili.
Bumalik ang paningin ko sa tanawin sa labas ng bintana. Minsan lang to. Kaya ko to! Gusto kong maranasan ang one in a lifetime freedom ko at ngayon ang tamang panahon. Habang busy sila sa kaarawan ng kapatid ko, magsasaya naman ako sa labas.Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at dahan dahan na lumabas. Kumakapit ang dalawa kong kamay sa frame ng bintana. Nakalabas ang katawan ko sa bintana at nakatalikod ako sa kwarto ko. Nasa ikalawang palapag ako kaya mababa lang ang tatalunin ko.
Dahan dahan akong bumitaw. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinihintay ko ang sakit ng katawan na mararanasan ko pero laking gulat ko ng may maramdamang mga bisig na sumalo sa akin.
"Ang isang babaeng kagaya mo ay hindi nararapat na hindi saluhin kapag nahuhulog"
Narinig ko ang tinig ng isang lalaki. Minulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang lalaking sumagip sakin sa pagkakahulog. Kulay dilaw ang kanyang mga mata at kulay dilaw rin ang kanyang buhok. Matangos ang kanyang ilong. Mapula ang kanyang labi. Para syang isang prinsipe.
"Sino ka?"
BINABASA MO ANG
DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black Prince
FantasíaThe Elipsu world was full of magic and this world is divided into two lands. The outcast and holy land. A prince who had suffered from a cursed fell in love with a lady who had escaped from her ruthless family. ~"If loving you would be my greatest...