Chapter 27

4 1 0
                                    


                White's POV

Naglalakad ako papalabas ng emperyo Kasama si Blood nang biglang sumabay sa Amin sa paglalakad si Second kaya't tinapunan ko sya ng nagtatakang tingin. Anyare sa kanya? Bigla syang napahinto sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Hinarap nya ako kasabay ang pag ngiti nya ng inosente.

"Magbibilang ka na nang araw mo Third! Dahil malapit ka nang ipatapon sa empeyerno."

I smirk on her statement. Hindi pa rin nawawala ang kanyang inosenteng ngiti.

"Second, hindi na ako kailangan na ipadala sa empeyerno dahil matagal na akong demonyo! Ngayon,kung yan lang ang sasabihin mo maaari ka nang bumalik sa amo mo sapagkat inaabala mo na ako. Meron pa akong pupuntahan na importante kaya patawad ay hindi na kita mapaglalaanan pa nang ilang minuto"

Yun lamang ang aking sinabi at iniwan ko sya. Pagtutulungan ba nila ako? Kaya ganun sya ka sigurado na mapapatay talaga nila ako?

Pagdating namin ni Blood sa gate ng empire ay sumalubong samin ang apat na magkahanay na mga karawahe. Nilapitan ako ni Black.

"Third, Doon kayo sasakay sa ika-apat na karawahe. Makakasama mo si Blood at life." Yan lang ang kanyang sinabi at pumasok na sya sa unang karawahe Kasama si Greed at Saber.

Pumasok naman sa pangalawang karawahe si First Kasama ang kanyang mga tagapangalaga.

Si Second naman sa ika-tatlong karawahe at Kasama nya rin ang mga nangangalaga sa kanya.

Pumasok narin ako sa karawahe na sasakyan namin at sumunod naman sa akin si Blood. Magkaharap kaming nakaupo sa loob ng karawahe nang biglang pumasok ang isang babaeng naka lab coat, may mahabang brown na buhok at mga mata. Napakaganda nya ngunit napaka pamilyar ng aura nya sakin.

"Hello there Third mistress! I am life and from now on I will be your personal healer"
Eksaktong pag-upo ni life sa aking tabi ay nagsimula nang umusad ang aming karawahe. Bakit parang napakapamilyar ata nya sakin? Saan ko ba sya nakita? Napansin ata nya ang pagtitig ko kaya't nilingon nya ako.

"Staring is rude, third Mistress" nakataas pa ang isang kilay na sabi nya.

"Life, wag mo syang tarayan" narinig kong sabi ni Blood Ngunit hindi naman sya pinansin ni life at inarapan lang ako ng mataray na babae.

Sinabihan nga nya ako na wag syang titigan ngunit hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya't patuloy parin ako sa pagtitig sa kanya. Habang tumatagal ang paninitig ko sa kanya ay unti unting nahahalungkat ang aking memorya at sa huli ay meron naman akong nakuhang sagot. Naalala ko bigla ang selda kung saan ako ikinulong noong unang pagdating ko sa emperyo.

Yeah! She was that girl who asked for a friendship from me but i declined. What was her name again? Wait! It's...."Sandria Ma---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tinakpan na ni life ang aking bibig. She leaned closer to me at sa naiinis na boses ay kanyang sinambit ang mga katagang...

"Huwag mong basta basta na lamang sabihin ang totoong pangalan ko la lalo na't may ibang tao sa paligid." Tumango naman ako.

She distanced herself and removed her hands on my mouth. Nakatingin na sa aming dalawa si Blood at ngumiti naman ako nang alanganin ngunit hindi naman sya nagtanong.

I leaned closer to life and whispered on her ear." Nice to meet you again..SANDRIA MAXINE, MY PERSONAL HEALER"
After a long journey, at last we had reached our destination. The capital city of outcast, the city of Eden.

Nakikita ko na ang matataas na pader at tarangkahan Mula sa bintana ng aming karawahe, ganun din ang matayog na mga tore ng palasyo. Ang lugar na ito ay ang bayan ng mga maharlika!

DEADLY PRINCE SERIES 1: That Black PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon