Story #5

4 0 0
                                    

Nakakamangha ang makikinang at malakas na musika sa buong paligid. Nagkalat ang mga mayayaman at mga business man para sa isang okasyon.

Napangiti ako ng mapait at pinagmasdan silang dalawa. Tonight is his engagement party. Alam kong wala akong pag-asa na makasama siya dahil ikakasal na siya. At alam kong imposible na maging akin siya.

Masaya siyang nakikipagtawanan sa mga kamag-anak niya habang kaakbay ang isang babaeng nakalingkis sa kanya. Napabuga nalang ako ng hangin at sinadya kong dumaan sa harapan nila.

Bago ko siya malagpasan ay tinignan ko siya ng makahulugan. Nagtanguan kaming dalawa at nauna na akong umalis. Pumasok ako sa isang kuwarto at umupo sa kama.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay pumasok na siya sa kuwarto at agad na ni-lock ang pinto.

Malawak ang ngiting lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang hubarin ang amerikanang suot niya.

Agad ko siyang sinunggaban ng halik habang ang mga kamay niya ay patuloy na naglalakbay sa buong katawan ko.

Unti-unti niya akong pinahiga sa kama habang sinusuportahan ang likod ko.

Lumipat ang halik niya papunta sa leeg ko kaya agad ko siyang pinigilan.

"Please, stop this engagement. Magpakalayo layo tayo. Akala ko ba ay ako ang mahal mo at ang pakakasalan mo?" Malungkot na tanong ko at dahan dahan siyang tinulak.

"Alam mong hindi pwede." Nakayukong sagot niya at napalingon sa ibang direksiyon. Tumayo siya at umatras ng ilang hakbang palayo sa akin.

"Paanong naging hindi pwede ang magmahal?" Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at yumuko.

"Madami ang manghuhusga sa ating dalawa, alam mong ikakasal na ako sa iba."

"Pero akala ko ba ako ang mahal mo at ang tanging pakakasalan mo?"

Unti-unting naglandas ang mainit na likido mula sa mga mata ko kaya naitikom ko nalang ang mga labi ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kapag pwede na, makikipag-divorse ako at pakakasalan na kita. Pwede na ba yun?" Tanong niya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang hintuturo niya.

"Pero hanggang kailan ako maghihintay?" Hindi parin tumigil ang pagtulo ng mga luha ko kaya hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at bumulong.

"Kapag pwede na ang same sex marraige sa Pilipinas."

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon