Story #14

0 0 0
                                    

"Detective" Tawag sakin ng assistant ko.

Kunot noong binusisi ko ang mga gamit ng biktima na nakalagay sa isang zip lock.

"Ano yun?"

Pinagmasdan ko ang buong gusali na naging crime scene. Ang nakabulagtang bangkay ng biktima ay inalis na at ang tanging drawing na gawa sa chalk nalang ang natitira.

"Ang hinala po ng mga pulis ay pagnanakaw ang dahilan ngunit nanlaban ang biktima kaya ito pinatay."

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinagmasdan ang mga hinihinalang suspek. Nang akmang lalapitan ko sila ay biglang may natapakan ang paa ko. Inangat ko ang dulo ng paa ko at nakita ang basang tulo pintura na nakadikit na sa sapatos ko.

Muli kong pinagmasdan ang mga suspek at napangiti.

Huli ka!
Pumunta ako sa gitna at kinausap ang mga pulis.

"Alam ko na kung sino ang suspek." Nakangising saad ko.

"Hindi ka pwedeng mangbintang ng walang sapat na basehan!"

Kunot noong tutol ng isang pulis.
"Sino bang nagsabing wala akong basehan?" Pumalakpak ako na umagaw sa atensiyon ng lahat.

Sinenyasan ko ang tatlong suspek na lumapit.

"Ano na? Hindi niyo pa ba kami palalabasin dito? Kanina pa kami dito. Hindi nga kami ang suspek! Wala kaming kinalaman diyan!" Reklamo ng empleyado ng biktima.

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa kanya.

"Bakit mo siya pinatay?" Tanong ko sa kanya na nakatingin sa mata niya. Nagulat ang lahat at napatitig sa aming dalawa

"A-ano bang sinasabi mo? Wag mo akong pagbintangan, hindi ako ang pumatay sa kanya! Kaibigan ko siya, hindi ko magagawa ang sinasabi mo." Nanginginig na umatras siya.

"Anong ginawa ng biktima para gawin mo iyon sa kanya?"

"Hibang ka na ba? Hindi niya magagawa yun. Ang sabi ng pulis ay holdap ang dahilan!"

Ngumisi lang ako at kinuha ang pitaka sa bulsa ko na nilagay ko sa zip lock.

"Ang pitakang ito, ay nakita ko sa isang basurahan. Wala kahit isa man ang nawala. Ibig sabihin hindi pagnanakaw ang dahilan."

"Wala kang ebidensya!" Giit ni Agatha Silva. Ang kaibigan ng biktima.

"Ang braso mo." Turo ko sa braso niya na may bahid ng pintura. Natutok sa braso niya ang atensiyon ng lahat.

"Bagong pintura ang paligid at ayon sa mga pulis ay nagpunta dito ang biktima dahil may naiwan siya. Kung pagnanakaw ang lahat dapat wala na ngayong laman ang pitaka niya." Inabot ko ang pitaka sa assisstant ko.

"Bakas din ang pintura sa likod ng damit ng biktima. Ibig sabihin na habang nakikipagbuno ka sa kanya ay naitulak mo siya sa pader. Nang lapitan mo siya ay agad niyang nahila ang kamay mo at tumama ito sa pader dahilan kung bakit hindi mo maigalaw ang kamay mo ngayon at malagyan ng pintura ang braso mo." Lumapit ako sa pader at tinuro ang pader na natanggalan ng pintura.

Agad naman siyang nanginig at napahagulgol.

"Traydor siya, karapat rapat lang siyang mamatay! Ang lahat ng kayamanan niya ay sa akin. Kung hindi niya lang kinuha ang lahat sa akin ay hindi ko ito magagawa." Hindi ko na pinakinggan ang paliwanag niya at tumalikod na sa lahat.
Tinanggal ko ang gloves sa kamay ko at lumabas ng crime scene habang nakangisi.

Case closed.

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon