Story #25

2 0 0
                                    

Hinawakan ko siya sa kamay at nakangiting naglakad kasabay siya.

"Acadia?" Tawag niya sa pangalan ko.

"Hhhmm?"

"Matagal na tayong magkaibigan diba? I mean, mag bestfriend pala." Nagulat nalang ako nang bigla niyang bawiin ang kamay niya.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Sa tagal nating magkaibigan. Ewan ko kung bakit, pero yung nararamdaman ko para sayo. Hindi na basta kaibigan lang." Nahihiyang napakamot siya sa batok at napalingon sa ibang direksiyon.

Napayuko naman ako dahil pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Acadia, mahal kita. Hindi bilang kaibigan lang. Mahal kita na sobra pa sa iniisip mo. Yung malaking puwang sa puso ko. Alam ko na ikaw lang ang makakapuno nito." Dinala niya ang mga kamay ko sa dibdib niya.

Agad naman akong nataranta at binawi ang mga kamay ko.

"S-sorry Xander. Hindi pwede."

"Pero bakit? Wala ka bang nararamdaman sakin kahit kunti man lang?" Nagsusumamong tanong niya.

Napalunok nalang ako.

"Mahal kita Xander, matagal na. Mas matagal pa sa iniisip mo. Pero hindi pwede dahil bawal. Dahil kapag nakipagrelasyon ako. Papatigilin ako ng magulang ko sa pag-aaral." Yan, yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko kaya.

Umiling nalang ako at iniwan siya.

Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin.

Mas mabuti pang lumayo ako sa kanya kesa mas lalong saktan ang damdamin niya.

*************
*After 2 years*
*************

Napangiti nalang ako ng tipid habang pinagmamasdan siya.

Agad kong naiiwas ang tingin ko nang lumingon siya sa direksiyon ko.

Ang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gu-mwapo at naging lapitin na din siya ng mga babae.

Napalunok ako ng matigas at naglakas ng loob na lapitan siya. Nakikipagtawanan siya sa mga barkada niya kaya mas lalo akong nahiyang lapitan siya.

It's been 2 years pero hanggang ngayon siya parin ang mahal ko. Paulit-ulit akong umiwas sa kanya at hindi siya pinansin sa loob ng dalawang taon. Kaya nag-aalangan ako kung kakausapin ko ba siya o ipapagpatuloy nalang ang hindi pagpansin sa kanya. We are now a total stranger who knows each other.

"Xander." Nahihiyang tawag ko sa pangalan niya.

Tumaas ang kilay niya at nakita ko ang pagbabago ng mood niya. Napalis ang ngiti sa labi niya at biglang sumama ang tingin sakin.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyong tanong niya.

"P-pwede ba t-tayong mag-usap?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at iniwasan ang mga mata niya.

Tahimik lang na nanunuod ang mga barkada niya sa amin na hindi man lang nagsasalita.

"Kanina pa tayo nag-uusap."

Narinig ko ang pagsipol ng isa sa kanila dahil sa naging sagot niya.

"Ano, ayos ba?" Nakangising naki-apir siya sa mga kaibigan niya na nagdulot sakin ng kahihiyan.

"I-I mean. Y-yung t-tayong dalawa l-lang?"

"Tsk." Napairap siya sa ere at padabog na naglakad papalayo kaya agad ko siyang sinundan.

Nagtaka ako nang makitang sa cr ng mga babae siya pumunta.

Napalunok ako ng matigas at nagtanong.

"B-bakit dito?"

"Diba sabi mo private? Ito oh, private." Tinaas pa niya ang mga kamay niya na parang nilalahad ang buong cr. Ni-lock niya ang pinto at sumandal sa pader.

"Ano na?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. At sinilip ang lahat ng cubicle para masigurong kaming dalawa lang ang nasa loob.

Nang matapos ako ay agad ko siyang tinignan sa mata.

"S-sorry." Nag-umpisang manubig ang mga mata ko kaya napatingala ako.

"Psh, para san?"

"S-sorry para sa dalawang taong pag-iwas ko sayo. Mahal talaga kita Xander. Ayoko lang na tumigil ako sa pag-aaral dahil sa kondisyong binigay ng mga magulang ko. Patawarin mo ako please. Mahal parin kita hanggang ngayon." Naitikom ko ang mga labi ko at hinayaang rumagasa ang mga luha ko.

Natigilan ako nang marinig ang pagtawa niya.

"Yun lang ang sasabihin mo?"

Hindi ako nakapagsalita. Nang akmang lalabas na siya ng cr ay hinawakan ko siya sa kamay.

"Xander please. S-sabihin mong ako p-parin ang m-mahal mo."

Napangiwi ako nang marahas niyang bawiin ang kamay niya.

"Minahal kita nung una Acadia. Pero iniwasan at tinaboy mo ako. Ngayon bigla ka nalang lalapit at sasabihing mahal mo ako. Sa tingin mo ganun kadaling tanggapin lahat ng yun?" Kunot noong lumingon siya sa akin at kita ang galit sa mga mata niya.

"Xander, alam kong mali ang ginawa ko. Pero hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sayo."

"Kung hindi nagbago ang nararamdaman mo."

Tumalikod siya sa akin at hinawakan ang doorknob.

Bago siya lumabas ay muli siyang nagsalita na siyang tuluyang dumurog sa puso ko.

"Pwes, ang nararamdaman ko sayo nagbago na. Hindi na kita mahal kaya tigilan mo na ako. May mahal na akong iba. At hindi ikaw yun."

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon