Story #6

1 0 0
                                    

Hinila ko ang maletang naglalaman ng mga bagahe ko at naghintay sa dadaang bus.

Nang may dumating ay agad akong sumakay at naupo sa tabi ng bintana.

Nilabas ko ang litrato niya mula sa pitaka ko at tinitigan ang nakangiting mukha niya.

"Sa wakas makikita na ulit kita." Nakangiting bulong ko sa litrato ni Clarrise, ang fiance ko at hinalikan ito.

Tuwing bakasyon ay umaalis ako ng maynila at nagbabakasyon sa probinsya namin. Doon ko siya nakilala, anak siya ng kapitbahay ng lola ko kung saan ako naglalagi kapag nagbabakasyon ako. Hindi ko alam na may mabubuong pagmamahalan sa aming dalawa kahit na sa bakasyon lang kami nagkikita.

Sinandal ko muna ang ulo ko sa bintana at pumikit habang hawak hawak parin ang litrato niya.

Malamig ang aircon sa bus at umuulan din sa labas kaya kitang ang pag-agos ng patak ng ulan mula sa bintana.

Napangiti ako at inalala ang mga nakaraang bakasyon ko sa probinsya.

*******

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya habang hawak ang mga kamay ko na nakakapit sa mga balikat niya.

"Basta maglakad ka lang, aalalayan kita."

"Masakit na sa mata, ang higpit naman ng pagkakapiring mo." Nakangusong reklamo niya kaya natawa nalang ako ng mahina.

"Ito na, malapit na."

Nang makarating kami sa puno ay agad kong inalis ang piring niya kaya tumambad sa kanya ang mga kamag-anak naming dalawa. Agad akong lumuhod sa harapan niya habang hawak ang isang singsing.

"A-ano to?" Gulat na tanong niya at iginala ang paningin sa buong paligid.

"Wil you marry me?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa singsing dahil sa kaba.

"O-oo naman." Naluluhang sagot niya at sinunggaban ako ng yakap kahit nakaluhod parin ako kaya natumba kami sa lupa. Natawa nalang kaming dalawa at tumayo.

Dahil sa tuwa ay nahalikan ko siya sa labi. Kasabay ng paglapat ng mga labi namin ay ang pagbukas ng mga christmas light na nakapalibot sa buong puno at ang pag-ihip ng hangin dahilan upang maglaglagan ang ilang dahon ng narra.

Nagpalakpakan ang mga kamag-anak namin kaya inakbayan ko siya at tumingin sa kanilang lahat.

"Sa susunod na bakasyon na ang kasal." Excited na anunsyo ko sa kanila kaya agad silang nagpalakpakan ulit.

"Agad agad?" Nakangising tanong niya.

"Syempre excited na akong makasama ka eh." Kumindat ako at mas nilapit siya sa akin.

*******

Napangiti ako at hinigpitan ang hawak sa larawan niya.

"Excited na akong pakasalan ka." Nakangiting bulong ko ulit.

Nang makarating ako sa probinsiya namin ay kinuha ko na agad ang maleta ko at nag-arkila ng trycicle papuntang baryo namin.

"Buti naman nakadating ka?" Niyakap ako ni mama at hinaplos ako sa likod.

"Oo naman ma, siyempre next week na ang kasal namin eh. Asan nga po pala siya?" Nakangiting tanong ko.

"Nasa bahay nila." Sagot niya at tumalikod na.

Nagkibit balikat nalang ako at iniwan muna ang mga bagahe ko sa loob ng bahay at agad siyang pinuntahan sa bahay nila.

"Asan po si Clarrise tita?" Nakangiting tanong ko sa mama niya.

Nagtaka ako dahil sa mga taong nasa bahay nila. Kunti lang sila ngunit maraming upuan at lamesa.

"Ahh nasa loob." Malungkot na saad niya at inalalayan ako papasok.

Nabigla ako dahil sa nakita ko. Nakangiti siya at nakatingin sa akin.

"B-bakit po siya andiyan?" Gulat na tanong ko at mabilis na naglaglagan ang mga luha ko.

"Pasensiya na anak, hinintay ka niya pero hindi na niya kinaya." Malungkot na paliwanag niya.

Agad akong kumaripas ng takbo at niyakap ang kabaong niya at tuluyan nang napahagulgol.

"Namatay siyang lumalaban, lumaban siya dahil ang akala niya ay maaabutan mo siya. Namatay siya noong nakaraang araw, ng ikaw parin ang iniisip niya." Napaluha nalang din si Tita ngunit agad niya itong pinunasan.

Naisubsob ko nalang ang mukha ko sa salamin ng kabaong niya.

"Sa wakas muli ulit kitang nakita, pero bakit nasa kabaong ka na?"

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon