Story #17

0 0 0
                                    


"Good morning class." We all stopped on what we are doing at tumayo.

"Good morning ma'am" bati namin pabalik. She just nodded, senyales na pwede na kaming umupo.

Nagsimula siyang magsulat sa blackboard at lahat kami napanganga sa nabasa namin.

"Premarital Sex" Basa namin sa sinulat niya. Napakunot ang noo namin at napatingin sa kanya. Paano nadamay ang premarital sex sa subject naming intro to philo?

Ngumiti lang siya sa aming lahat at nilapag ang chalk na hawak niya.

"So class, what do you know about premarital sex?"

"Yes Ms. Daiki?" Tawag niya sakin nang makitang nagtaas ako ng kamay.

"Premarital sex is having sex in an early age without marriage."

"Yup, she's right. So kayo boys, gusto niyo bang virgin ang babaeng mapapakasalan niyo?"

"Oo naman ma'am."

"Definitely."

"Malamang ma'am."

"Eh pano kapag nalaman niyong di na pala virgin ang asawa niyo? Na disgrasyada ang asawa niyo."

"Hiwalay agad ma'am."

"Aba di pwede yun."

"Iiwan syempre."

"Di na pala pure eh."

Our teacher smiled and look at us.

"So kapag kayong mga lalaki di na virgin kapag kinasal okay lang?"

Natahimik kaming lahat at walang nakapagsalita.

"Ayaw niyo sa babaeng disgrasyada pero gusto niyo makadisgrasya tama?"

Wala paring sumagot.

"Diba ganun kayo boys? Gusto niyo ng iba't ibang putahe?"

Natawa naman kaming mga babae at nag-agree kay ma'am.

"Kapag babae di na virgin malandi na? Kapag ang babae mabilis magmahal marupok na? Kapag ang babae binibigay lahat ng meron siya sa lalaking mahal niya pokpok na? Bakit ang dali niyong husgahan ang mga babae?"

Muli kaming natahimik at ang tanging pagtunog lang ng electric fan sa gilid ang maririnig.

"Pero kapag ang lalaki ang dami nang natikman okay lang. Kapag ang lalaki kung sino sinong nilalandi ayos lang? Unfair right? Bakit ang bilis mai-down ng babae pero kapag lalaki ang usapan wala lang?"

"So girls, I want you to allure your beauty and virginity. Wag kayong magpapaapekto sa iba. If life is unfair for you, then make it fair. Mahalin mo ang sarili mo at wag ibigay ang lahat. Dahil sa dulo kapag talo ka, talo ka. Kaya gawin niyo ang lahat para manalo, para maipagtanggol ang sarili niyo at makuha ang gusto niyo. Madali lang makahanap ng lalaking mamahalin kayo. Pero mahirap makahanap ng lalaking kaya kayong irespeto at mahalin hanggang dulo."

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon