Story #11

1 0 0
                                    

"Wala kang maaabot sa buhay."

Nakangising saad ng teacher ko habang nakatingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkalikot sa cellphone ko.

"Sa tingin mo, anong silbi ng pagsusulat mo sa mundong ito?"
Tumawa siya ng sarkastika na nakapagpairap sa akin sa ere.

"Unang tingin ko palang sayo, sigurado na akong hindi aangat ang buhay mo." Mapang-asar siyang tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Guro lang kita, hindi ka diyos para husgahan ang aking kinabukasan."

Nag-iba ang ekspresyon niya at napuno ng galit ang mata niya.

"Bastos!"

Inirapan ko lang siya at lumabas ng opisina. Binalibag ko ang pinto at tinignan muna siya bago tuluyang umalis.

Ngumiti ako sa mga kamerang nasa harapan ko. Hinaharangan ng mga bodyguards ko ang mga media.

Ngumisi ako nang makita ang isang taong nasa harapan ko. May hawak siyang banner na nakasulat ang pangalan ko.

Nilait mo ako, ngayon isa ka na sa mga tagahanga ko.

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon