Story #13

1 0 0
                                    

It's friday morning at kakapasok ko palang ng room namin. Nakangiti ako habang hawak ang cellphone ko at nakatitig sa wallpaper ko. It's me and the man I love. He's hugging me in the picture and we're both happy there. A genuine smile is plastered in our lips.

Binulsa ko na ang cellphone ko at napatingin sa harapan. Nagulat ako nang makita ang lalaking mahal ko. May kahalikan siyang iba at mukhang hindi nila ako napansin. Napapikit nalang ako at dahan dahang tumalikod. Nang makalabas ako ng room ay agad na nag-unahan ang mainit na likido palabas sa mga mata ko.

"Hindi ka ba magagalit? Bakit hindi mo sila sugurin? Bakit hindi ko ipaglaban ang lalaking mahal mo?" Nagulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko.

Ngumiti siya ng tipid at tinanguan ako. It's Kyle, my bestfriend.

Ngumiti nalang ako ng mapait at umiling habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.

"Bakit? Magpapakamartyr ka na naman ba? Ven naman sinasaktan at ginagago ka na gumising ka nga!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bakas ang awa sa kanyang mukha.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napatingin sa malayo.

"Bakit ko sila susugurin? Hindi ko hawak ang puso niya Kyle. Tinali ko lang siya sa salitang oo pero hindi ko hawak ang bawat desisyon niya. Bakit ko pa siya ipaglalaban kung wala na akong maipaglalaban pa?"

Napabuntong hininga siya at pinunasan ang luha sa mga mata ko pero hindi parin tumitigil ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

"Ven una palang na niligawan ka niya pagmamay ari mo na siya."

Inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at ngumiti.

"He's not mine anymore Kyle. Siguro nagkulang ako at napunan yun ng iba kaya di na ako ngayon ang mahal niya. Siguro nasasakal ko na siya at may nagbigay sa kanya ng hangin para makahinga. Siguro napagod na siya at may tumulong sa kanya para magpahinga. Siguro nahihirapan na siya at may ibang tumulong sa kanya. Siguro nagkamali ako at may taong nagtama ng mga mali ko."

"Ven bakit? Ipaglaban mo naman ang sayo. Hindi yung puro ka sakripisyo at laging ikaw nalang ang nasasaktan."

Niyakap ko nalang siya at ngumiti para maipakitang ayos lang ako kahit masakit na.

"Hindi ko na kayang lumaban Kyle, kasi wala na akong ipaglalaban pa. Paano ko pa ipaglalaban ang taong ayaw nang ipaglaban? Sa larong to, ako ang talo. Kasi yung pusta ko itinaya na niya sa ibang tao."

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon