Story #7

1 0 0
                                    

"Ang saya mo ah?" Tanong niya sakin kaya mas lalo akong natawa.

"Ano ka ba, kailan mo ba ako nakitang malungkot? Ito naman parang shunga, parang bagong bago sayo na makita akong ngumiti ah."

"Kailan nga ba?" Tanong niya kaya napahagalpak ako ng tawa.

"Kita mo na? Sabi sayo eh, ulyanin ka na." Pabiro ko siyang hinampas sa braso at kinurot sa pisngi.

"Kailan nga ba kita nakitang totoong naging masaya?" Natigilan ako at unti-unting napalis ang ngiti sa labi ko.

"A-ano bang sinasabi mo? Hibang ka na ata." Muli akong natawa ng peke.

Napatingin ako sa malayo at naitikom ang mga labi ko. Napatitig ako sa mga mata niya nang muli siyang magsalita.

"Kung talagang masaya ka, bakit hindi umaabot sa mata? Kung talagang masaya ka, sana hindi ka inaabala ng depresyon gabi gabi. Kung talagang masaya ka, sana buhay ka pa ngayon at hindi naglaslas dahil sa dami ng problema mong dala dala."

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon