Story #12

1 0 0
                                    

"Move on." Malungkot na saad niya. No, kung tutuusin utos na ang sinabi niya.

"Are you crazy? Paano ako makakamove-on sayo. Pagkatapos mong sabihin at iparamdam sa akin kung gaano mo ako kamahal?" Naikunot ko ang noo ko dahil sa inis.

"Just move on, alam mong masasaktan ka lang sa huli kung ipapagpatuloy mo to."

"Ha! Sira pala ulo mo eh, inuutusan mo akong magmove on pero paulit-ulit mong pinaparamdam sakin na mahal mo ako. Paano kita makakalimutan kung lagi mo akong kinakamusta, kung palagi mong pinaparamdam sa akin na ako parin ang mahal mo." Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko pero hindi ko man lang ito pinunasan. Inis na nahawi ko ang buhok ko dahil sa sobrang irita.

"Tessa please stop. Tama na okay? Ayaw kitang masaktan."

"Yan, ganyan ka Tristan. Inu-utusan mo akong magmove-on sayo pero sa bawat minutong lumilipas paulit-ulit mo akong pinapasaya kapag nalulungkot ako." Napasigaw na ako dahil sa sobrang galit at naihilamos ang mga kamay sa mukha ko.

"Let me go tessa, please." Pagmamakaawa niya.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Halos pumiyok ako dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko.

Hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin.

"Ewan ko sayo, ang hirap mong kausap."

Nagulat nalang ako sinabi niya at napaluhod na sa kakaiyak.

"Patawad Mahal, kung nabubuhay pa ako hindi kita hahayaang maging ganito."

-- DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE.🤗🍀--

One Shot Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon