01

359 9 4
                                    

~Soleigh

"Kingina! di ko kaya yan!" Pagrereklamo ko sa mga kaibigan ko.

"Eh kung ginawa mo nalang kaya? Arte arte eh" sagot sa akin ni Blythe

"Baka naman pwedeng mag back out diba? Kinginang yan!" Reklamo ko pa din

"DI PWEDE! DARE NGA EH KAYA WALA KANG CHOICE KUNDI GAWIN YUNG PINAPAGAWA NAMIN!" malakas na pagkakasabi ni Rhyle

"Kinginang Dare yan! Oo na eto na gagawin ko na! Bwisit kayo!" Pagsuko ko sabay tayo at alis dun

Nandito kasi kami sa may bench malapit sa college building at dahil walang magawa mga kaibigan ko nag dare sila sa akin at ako naman tong si tanga pumayag sa dare nila kaya heto ako ngayon naghihintay na may dumaan para magawa yung dare.

Di naman nagtagal at may paparating.

"Nakanang! Kung minamalas ka nga naman oo!" Bulong ko sa sarili habang papalapit yung mga dadaan. Kasi naman eh! Ba't ang dami nila?

"Bahala na" bulong ko ulit at nag kunwaring nag c-cellphone para magawa na yung plano.

Pagkalagpas nila sa akin tinawag ko yung pinaka huling naglalakad sa kanila.

"Kuya!" Tawag ko at lumingon naman silang lahat

Tinuro naman ng pinaka huling lalaki yung sarili niya na parang nagtatanong kung siya ba tinutukoy ko kaya tumango lang ako at lumapit sa kanila.

Nakatitig lang yung iba sa akin habang papalapit ako sa kasamahan nila. Kaya mas dumoble yung kaba ko. sh*t! Papatayin ko talaga mga kaibigan ko after neto.

"Kuya, nahulog" umpisa ko

"Huh?! Ang alin?" Nagtatakang tanong niya

Huminga muna ako ng malalim at sinabing "Kuya nahulog.... Ang puso ko sayo" banat ko at bago pa man siya makasagot kumaripas na ako ng takbo pa alis don. Narinig ko pa yung hiyawan ng mga tropa niya at yung tawag sa akin ng mga kaibigan ko habang papalayo ako pero di ko na pinansin yun at mas binilisan pang tumakbo, jusko! Nakakahiya yung ginawa ko! Mapapatay ko talaga sina Blythe kapag binalikan ako ni kuyang pogi.

Sa ngayon tatakas na muna ako, bahala na sila Blythe, uuwi na ako! Baka maabutan ako nila kuyang pogi mahirap na.

~~~~~~~
A/N: ito nga pala yung 1st series ng X1, sana support niyo. Hihi

Lovelots,
G 💙

KUYA | Han SeungwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon