35

182 4 3
                                    

~Soleigh

Guess what? I just found myself walking towards the Architecture building. I decided to go kasi maaga pa naman. Idk pero gusto ko talagang pumunta eh.

Nakarating naman ako sa 3rd level ng building at nakita ko si Ara sa dulo ng hagdan habang nakatingin sa akin.

"What do you want?" Bungad ko agad sa kanya

Tinulak niya ako kaya naman napa atras ako muntik pa akong mahulog.

"Diba sabi ko naman sayo na layuan mo na si Seungwoo?!" Naiinis niyang sabi

"I already did! Ginawa ko na kaya ano pa ba ang problema mo?!" Naiinis ko na ding sagot

"Anong problema ko?! Ikaw! Ikaw ang problema ko dahil epal ka sa aming dalawa!" Pinanlalakihan niya ako ng mata

"Alam mo bang galit na galit sa akin si Seungwoo at hindi ako pinapansin?! Palagi nalang siyang tulala at malungkot nang dahil sayo! sinigawan niya pa ako nung pinipilit kong makipag usap sa kanya! Nang dahil sayo lumayo sa akin si Seungwoo!" Galit na galit niyang sumbat

"Kung ano man ang problema niyong dalawa labas na ako dun. Wala akong pakialam kung ano man ginagawa sayo ni Seungwoo. Lumayo na ako kaya please lang layuan niyo na din ako" mahinahon kong pakiusap

"Alam mo simula nung dumating ka sa buhay ni Seungwoo naging balewala nalang ako sa kanya eh, nasayo na lahat ng atensyon niya! Kaya bakit kita lulubayan? Sisirain ko ang buhay mo!" Galit pa din siya

"Ano pa ba kailangan mo? Lumayo na nga ako diba? Nasayo na siya! Hinayaan ko na kayo! Ano pa bang kailangan mo?!"

"Hindi ba obvious?! Gusto kong mawala ka sa landas namin! Gumawa ka ng paraan para siya na mismo ang lumayo sayo!" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya

"Ginawa ko na ang gusto mo sapat na yun para lubayan mo ako. Bahala ka na kung ayaw mong tanggapin yun" pagtatapos ko sa usapan at akmang aalis na nang bigla nalang siyang sumigaw

Nilingon ko naman siya at nakita kong sinabunutan niya ang sarili niya at nagulat nalang ako nang sinadya niyang ihulog ang sarili niya sa hagdanan.

Gulat na gulat akong napatitig sa kanya dahil sa ginawa niya. Di ko namalayan na madami na palang nakapaligid sa amin.

Nakita ko nalang na nandito na pala si Kuya at tinutulungang tumayo si Ara.

"Anong nangyari dito? Soleigh?" Halatang nagulat din siyang makita ako dito

"S-Seungwoo, s-sinugod niya ako dito, sinabunutan at tinulak niya ako sa hagdan dahil gusto niyang lumayo ako sayo" pagsisinungaling niya habang umiiyak pa

Tumingin naman sa akin si kuya, nakatingin lang din ako ng walang ekspresyon sa mukha.

Naririnig kong nagbubulungan ang mga estudyanteng nakatingin ngayon sa amin na kesyo desperada daw ako, na ang sama ng ugali ko, na wala daw akong patawad at kung ano ano pa.

May dumating na teacher at as usual nagpaawa nanaman itong bruhang to kaya galit na tumingin sa akin ang teacher ng college.

"What did you do miss? Shs student ka diba? Anong ginagawa mo dito? Di mo ba alam na pwede kang masuspend sa ginawa mo?" Galit na sabi sa akin ng teacher nakita ko namang napangisi si Ara sa narinig niya

Huminga ako ng malalim. Hindi ako pinalaki ng nanay kong mahina, marunong akong lumaban lalo na kung alam kong wala akong kasalanan at lalong lalo na kapag alam kong nasa tama ako.

"Mawalang galang na ho Sir, bakit naman po kayo agad nagagalit sa akin kung di niyo naman po alam kung ano yung totoong nangyari? Para sabihin ko po sainyo hindi po ako ang tumulak sa kanya" pagtatanggol ko sa sarili ko

"At paano mo naman mapapatunayan yun miss?" Hamon sa akin ng guro

Kalma lang ako at tinuro yung cctv sa likod ko na naka sentro kung saan man nangyari ang lahat.

Nakita ko yung gulat sa mga mata ni Ara.

Ngumisi ako.

"Feel free to check the cctv footage sir" nakangiti kong sabi

"Hindi pwede! Ikaw ang tumulak sa akin! Tayo lang naman ang magkasama dito!" Pagpupumilit pa din ni Ara

"Panoorin niyo nalang yung cctv sir para malaman niyo yung totoong nangyari at hindi yung nagbibintang kayo agad" sabi ko sa guro at bumaling kay Ara

Bumaba ako sa hagdan at tumigil sa harap niya.

"Wag mo nang ipilit na ako may kasalanan diyan sa katangahang ginawa mo dahil kung ako talaga ang gumawa niyan hindi lang yan ang aabutin mo sa akin dahil sisiguraduhin kong sa hospital ang bagsak mo" nakangisi kong sambit at umalis na sa lugar na yun.

Lumabas na ako sa building ng college at tinahak ang daan pabalik sa building namin.

Di pa man ako nakakalayo ng biglang may humila sa braso ko.

"Soleigh, mag usap naman tayo please" pakiusap ni Kuya

Where's the "baby girl" Han Seungwoo?

Huminga ako ng malalim at hinarap siya

"Okay, meet me at X1 Cafe later after dismissal" pag payag ko at umalis na ng tuluyan

———————————————
A/N: Happy 1k reads!!! Omg! Thank you so much guysssss!!! <3

KUYA | Han SeungwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon