14

204 5 1
                                    

~Soleigh

Papunta ako ngayon sa office ng pinsan kong si Jimin, PE teacher kasi siya dito sa school.

Di naman nagtagal nakarating din ako, wala nang katok katok diretso na agad ako papasok.

"Kailangan mo unano?" Bungad ko agad sa kanya

"Ang sama mo kahit kailan" sagot niya at inirapan ako aba tusukin ko mata neto eh

"Ano nga kasi kailangan mo at pinapunta mo pa ako dito?" tanong ko ulit

Huminga muna siya ng malalim saka sumagot

"Yung PE teacher ko kasi nung College humingi ng favor sa akin na kung pwede ba daw ako magpadala ng isang student doon na magaling sa archery, eh pagkabasa ko palang ng Archery eh ikaw agad naalala ko kaya ayun tinext kita" paliwanag niya pero naguguluhan pa din ako

"Oh tapos?" Tanong ko

"Punta ka dun at ikaw ang ipapa demo niya. Nasa Archery na kasi lesson nila ngayon and kailangan ng mga student matuto kaya kailangan ng demo para mas ma explain ng PE teacher nila" paliwanag niya

"Eh bakit di nalang siya kumuha sa isa sa mga students niya?" sagot ko

"Eh mas madali nga kung hindi niya student para maintindihan ng lahat" sagor niya din

"Bakit ba kasi ako pa eh may pasok ako baka naman nakakalimutan mo? Reklamo ko

"Ikaw lang naman alam kong professional pagdating sa Archery eh, diba ilang beses ka nang nag champion diyan?" Sagot niya

"Eh nakakahiya kaya! Baka pumalya pa ako mahirap na mapahiya sa harap nila" reklamo ko ulit

"Ikaw pa ba? Eh kilala ka ngang "The eagle eye" diba dahil sa talas ng eye sight mo puro nga target natatamaan mo eh" sagot niya ulit

"Eh noon yun, matagal na din akong hindi nakaka laro kaya baka pumalya" sabi ko

"Di yan, tiwala lang. kaya sige na pumayag ka na at ako na bahala sa mga ibang subject teacher mo, ipapaalam kita" sabi niya

"Oo na sige na, saan ba yan?" Pagpayag ko para matapos na

"Sa college nga, ano ba naman yan leigh kanina ko pa sinasabi sayo yan nakikinig ka ba?" Sagot niya

"ANO?! COLLEGE?! AYOKO!" Pasigaw kong reklamo, aba! Sa college pala eh, wag nalang!

"Pumayag ka na nga diba? Wala nang atrasan yan tsaka magaling ka naman kaya wala kang dapat ipag alala and ihahatid at sasamahan naman kita dun kaya chill ka lang"

Napahinga naman ako ng maluwag dun

"Sasamahan mo naman pala ako eh dapat kanina mo pa sinabi para di na humaba ang usapan"

"Eh sa ang dami mong tanong eh! Tara na nga!" Sagot niya at tumayo na sa office chair niya

Umirap lang ako at sumunod na sakanya palabas ng office.

Ngayon palang kinakabahan na ako, wag naman sana sila kuya yung estudyante na sinasabi ni Jimin huhu.

KUYA | Han SeungwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon