17

203 5 0
                                    

~Soleigh

Heto kami ngayon naglalakad papuntang Gym since iisa lang naman ang gym ng Shs and college.

Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko habang papalapit kami sa gym kasi naman eh paano nga kapag klase nila kuya yung magkaklase ng PE ngayon? Edi paktay na.

Nag chat ako sakanya eh di naman nareply kaya mas kinakabahan pa ako, huhu!

Bago pa man kami makapasok sa gym napatigil muna si Jimin kaya tumigil din ako at tiningnan siya

"Wag kang kabahan, relax lang okay? Kaya mo yan nandito naman ako eh" sabi niya

"Di ko lang mapigilan, pero salamat chim" sabi ko sabay hinga ng malalim at ngumiti sa kanya, ngumiti naman siya pabalik at nagpatuloy na kami sa pag pasok sa gym.

Nakayuko lang ako habang naglalakad kami papasok hanggang sa huminto kami sa gitna. Nilapitan muna ni Jimin yung PE teacher ng College at naiwan muna akong mag isa dito sa gilid.

Inilibot ko naman yung tingin ko at nung tumama yung tingin ko sa mga estudyanteng nakaupo sa bleachers ay nakita ko si Kuya na nakatingin din pala sa akin I mean titig pala. Kingina

Umiwas naman ako ng tingin at tiningnan nalang si Jimin na tinatawag ako kaya lumapit ako sa kanila.

"Sir, meet my cousin Soleigh Park and Leigh meet Sir Kim PE teacher ko nung college ako" pagpapakilala ni Jimin sa amin

Ngumiti ako at sinabing "It's nice to meet you Sir Kim" sabay hand shake sa kanya at sinagot naman niya ako ng "It's a pleasure to meet you Miss Soleigh"

"Salamat nga pala sa pagtanggap ng imbitasyon ko Miss Soleigh, and pasensya na sa abala Sir Park" nakangiting saad ni Sir Kim

"Nako ayos lang po yun Sir Kim, basta po kayo" sagot naman ni Jimin at ngumiti lang ako

Di naman nagtagal inaya na kami ni Sir Kim na sa harap ng klase niya kaya eto ako at sobrang kinakabahan na. Jusko

"Okay listen class, with me here is Sir Park Jimin the SHS PE teacher together with his cousin a SHS-ABM student Miss Soleigh Park, gaya ng sinabi ko sainyo kanina, I invited them to join us in our class for today, So meaning Miss Soleigh here will be demonstrating Archery while I am explaining here in front and Sir Park will be assisting us. So you better listen and focus because after this we will be having a practical quiz" mahabang litanya ni Sir Kim

Madami naman akong narinig na reklamo sa mga students.

May nagtaas pa ng kamay.

"Yes Mr. Cruz?" Tanong ni Sir Kim

"Sigurado po ba kayong magaling yang kinuha niyong student sa SHS sir? Baka naman po wala kaming matutunan niyan at di po pala marunong" tanong niya na ikinatawa naman ng iba at kina inis ko

"Yeah right sir, baka naman po walang alam sa Archery yang babaeng yan, right guys?" Maarteng sabi ng isang babae kaya napataas nalang yung kilay ko.

Sumang ayon naman yung iba.

Yung kabang nararamdaman ko kanina nawala at napalitan ng inis! Grrrr! Tapos itong si kuya nakangiti lang, kainisssss! Pagtanggol mo naman ako sa mga ka klase mo?!

Kalma Leigh, Kalma. Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin yung mata ko.

"Sir Kim, Pa sampolin niyo muna yan para naman sigurado kaming magaling talaga" isa pang student

"Oo nga po, baka arte lang alam niyan eh" dagdag pa nung maarteng babae

"Oh ano insan? Hahayaan mo nalang ba silang ganyanin ka?" Biglang bulong sa akin ni Jimin

Okay that's it! namumuro na sila sa akin!

————————————————
A/N: May continuation ito guys, hehehe.

KUYA | Han SeungwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon