~Soleigh
Thursday and napag-isipan kong pumasok ngayon dahil na din sa absent ako kahapon at ayoko din naman bumaba ang grade ko ng dahil sa absent absent na yan at isa pa nakakabagot kaya sa bahay!
At dahil wala akong ID naisipan kong dumaan nalang sa back gate ng school kaya heto ako ngayon hinihintay na pagbukasan ako nina blythe ng gate dahil nasa loob ang bukasan 🙄
After 10mins of waiting bumukas ang
"What took you so long? kanina pa ko naghihintay dito ah" Reklamo ko
"Aba! Pasalamat ka nga dumating pa kami eh" sagot naman niya
"Salamat po, okay na?" Sabi ko sabay irap
Naglakad naman na kami papuntang room after nila akong pinapasok.
Pagpasok namin sa room tamang tama nag ring na din yung bell hudyat na start na ng klase. At di din nagtagal pumasok na first subject teacher namin na masungit.
Nag check muna siya ng attendance at pagdating sa akin "Soleigh Park" tawag niya "Present" sagot ko naman at tumingin siya sa akin "You were absent yesterday, I need your excuse letter now" sabi niya kaya ako naman tong si confident na binuksan yung bag ko para kunin yung excuse letter ko. Kaso bigla nalang akong napatigil nang di ko mahanap yunh excuse letter ko! Huhuhu! Nilabas ko na lahat ng gamit ko pero wala pa din! Natataranta na ko baka pagalitan ako neto! Tapos bigla ko nalang naalala na nagpalit pala ako ng bag at naiwan sa isang bag ko yung excuse letter ko. Bobo mo Soleigh.
Nakatingin lang si Miss Lee sa akin kaya ang ginawa ko tumayo nalang ako sa upuan ko at nag explain "Uh, Miss Lee sorry po pero naiwan ko po sa isang bag yung excuse letter ko eh, pasensya na po" pagpapaliwanag ko sabay yuko. "Teenagers nowadays are so irresponsible, paggawa lang ng excuse letter di pa magawa pero kung maka absent wagas!" Pagalit niyang sabi, eh gumawa naman talaga ako pinapirma ko pa kay mama, naiwan ko lang talaga! Imbes na sumagot sakanya mas niyuko ko nalang yung ulo ko mahirap na masabihan pang nagdadahilan lang ako.
"Alright, kumuha ka nalang ng Admission slip sa prefect of discipline" Utos niya kaya agad naman akong lumabas sa room.
Mabilis naman akong nakarating sa Prefect of Discipline. Isa ding masungit tong nagbabantay dito eh , huhu! . Kumatok na ko at binuksan yung pinto.
"Uhm, Excuse me Miss Lim kukuha lang po sana ako ng admission slip" pagpapaalam ko
"ID" biglang sabi niya kaya kinabahan ako kasi wala nga pala yung ID ko dito nakay Kuya! Huhuhu!
"Ah, pasensya na po nasa bag ko po eh kukunin ko nalang po muna, hehe" palusot ko
Bigla namang kumunot yung noo niya "Nasa rules ng school na kailangang nakasuot palagi ang ID diba? Yung bag ba ang estudyante dito?" Mataray niyang sabi sa akin
Bago pa man ako makasagot may inabot na siya sa aking papel "sign this disciplinary form" sabi niya
"Eh miss, di po ba pwedeng warning muna? Eh ngayon ko lang naman po di nasuot yung ID ko" dipensa ko! Ayokong magka record no!
"Sign this or dadagdagan ko kasalanan mo?" Sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi e sign yun.
Lumabas din ako agad after ko mag sign, di naman ako binigyan ng admission slip eh kasi wala akong ID.
Kinginang buhay to, napalabas na nga sa room, napansign pa ng disciplinary form. Bwisit! Badtripppp!!
Naglakad nalang ako papuntang cafeteria at umorder ng pagkain!
Habang kumakain naman ako biglang may umupo sa harapan ko, di ko nalang pinansin kasi badtrip pa rin ako! At isa pa wala akong pake sa kanya!
"Ang snob mo naman pala sa personal Miss Soleigh " sabi nung lalaki sa harap ko. Teka! Lalaki? Inangat ko yung ulo ko para tingnan yung lalaki sa harap ko at bigla akong nabulunan sa kinakain ko dahil si Kuyang Pogi lang naman yung nasa harap ko ngayon! Omg!!
*ubo* *ubo* *ubo* agad namang binuksan ni kuya yung bottled water ko sabay abot sa akin na agad ko namang ininom. Nung okay na ako bigla akong tumingin sa kanya at napatulala.
"Pasensya na, nagulat ata kita" sabi niya pero tulala pa rin ako sa kanya
"Alam mo, picturan mo nalang kaya ako para mas matagal mo pa akong matitigan" dagdag pa niya sabay smile kaya napakurap nalang ako at napatingin sa ibang direksyon.
After the long silence nagsalita ulit siya.
"Di ko naman alam na sobrang tahimik mo pala" sabi niya kaya yumuko nalang ako
"Pero cute" pahabol niya, pota kuya wag kang ganyan marupok ako!
"Bakit ka nga pala nandito sa cafeteria? Wala ka bang pasok?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa katinuan ko!
"Hala! Yung ID ko pala kuya akin na! Alam mo bang napalabas ako ng room dahil naiwan ko yung excuse letter ko tapos napasign pa ako ng disciplinary form dahil wala akong ID? Sobrang kamalasan na nangyayari sa akin umagang umaga palang, naiinis ako!" Tuloy tuloy kong sabi sa kanya at huminga ng malalim.
"Haha! Ang cute mo talaga" sabi niya
"Ang malas malas ko na nga sasabihan mo pa akong cute? Aba matinde! " sagot ko sabay irap
"Sorry na baby girl, sige ganito nalang sabay nalang tayo mag lunch bukas , akong bahala sayo kahit saan mo gusto para naman makabawi ako sayo, dapat pala kanina ko pa hinatid ID mo" sabi niya sabay hawak pa ng kamay ko! Punyeta! Baby girl daw? Tapos sabay mag lunch? Hoy! Kinikilig ako! Kingina! Pigilan niyo hormones ko!!
"D-di naman n-na kailangan eh, a-atleast binalik m-mo pa din" sagot ko, eh ba't nauutal ka Soleigh?
"Nope! I insist para naman makabawi ako sayo. Tsaka libre ko naman eh" sabi niya sabay pisil pa sa kamay ko, hoy! Chansing ka na masyado kuya ha! Wag kang ganyan!
"Sige na nga, masamang tanggihan ang grasya eh" sagot ko na ikinatawa niya naman.
"Sige see you tomorrow , ID mo pala" pagpapaalam niya at bigay ng ID ko sabay wink at umalis na.
I was left dumbfounded.
BINABASA MO ANG
KUYA | Han Seungwoo
Teen Fiction"Kuya, nahulog!...... Ang puso ko sayo" - Soleigh Park [ X1 series #1 ] [ Han Seungwoo ] Credits to: @seungwooed for the cover 💕