~Soleigh
History class at eto bored na bored ako. Nakakaantok talaga itong class na to like bakit pa ba kailangang pag-aralan ang past eh past na nga, Eh di naman na nila maibabalik kung ano man ang meron sa past.
Nag c-cellphone lang ako dito nang may marinig kaming kumatok sa pinto ng room habang nag k-klase teacher namin sa history.
Napatigil naman si Maam at tumingin sa pinto kaya lahat kami napatingin din doon. Pero ganon nalang ang gulat ko nang makita si kuya sa pinto ng classroom namin! Ano ba ginagawa neto dito?
"Yes? May kailangan ka ba hijo?" Tanong ng guro namin
Ngumiti naman siya at nag bow.
"Ah pwede po ba kay Miss Soleigh Park? May ibibigay lang po sana ako" paalam niya
Napatingin naman sa akin lahat kaya sobrang awkward. Ano ba kasi ginagawa niyan dito at bakit ako hinahanap?
"Miss Park, lumabas ka na muna" sabi ng guro namin kaya ako naman tumayo na at naglakad palabas kung nasaan si kuya.
Nakayuko lang ako pagdating sa labas, nahihiya kasi ako sa kanya.
"Uh, ito nga pala para sayo baby girl" simula niya kaya napatingin naman ako sa inaabot niya sa akin
"Luh! Starbucks to ah! Para san to kuya?" Gulat kong sabi
"Nabasa ko kasi tweet mo eh tapos tamang tama break ko din naman kaya binilhan na kita" sagot niya ng nakangiti
"Di mo naman kailangang gawin to eh tsaka pwede naman akong bumili mamaya, nakakahiya naman sayo kuya" nahihiya kong sabi
"Okay lang yun, basta para sayo tsaka wala naman din akong ginagawa eh" sagot niya
"Kahit na kuya no pero salamat dito ah kahit di mo naman talaga kailangang gawin to pero salamat pa din talaga" sabi ko ng nakangiti
"Walang problema basta para sayo, tsaka sa susunod kapag may gusto kang bilhin o kainin chat or text mo nalang ako para mabilhan kita" sagot niya
"Bakit mo ba to ginagawa kuya? Eh may girlfriend ka po diba? Baka po mag selos yun sa akin, ayoko po makasira ng relasyon" sabi ko sabay yuko
"Sa pagkakaalam ko wala pa naman akong girlfriend eh kasi di mo pa naman ako sinasagot diba?" Sagot niya kaya bigla akong napatingin sa kanya
"Eh kuya sino si Lee Ara? Sabi niya sa akin girlfriend mo daw siya" sabi ko sakanya ng naka pout pa
"Hindi ko girlfriend si Ara, classmate ko lang yun and tbh pinagkakalat talaga niyang kami pero hindi naman totoo, wala akong gusto dun kaya paano naman magiging kami? At isa pa ikaw naman yung gusto ko hindi siya" seryosong sagot niya, nagulat naman ako dun sa huling sinabi niya
"G-gusto mo ako? H-ha?" Naguguluhan kong tanong
"Sabay tayong mag lunch mamaya may sasabihin ako sayo, sa ngayon pumasok ka na muna at baka pagalitan ka pa ng teacher niyo" sabi niya sabay gulo ng buhok ko
"Pero kuya" reklamo ko
"Sige na, mamaya na" sabi niya ng nakangiti kaya napangiti nalang din ako
"Sige na pumasok ka na" utos niya kaya tumango naman ako at akmang aalis na nang hawakan niya ang kamay ko
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko pero sa halip na sagutin ako ay bigla nalang niya akong hinalikan sa noo, nagulat ako dun sa ginawa niya kaya di agad ako naka react.
Di ko napansin na natulala na pala ako kung di ko pa narinig hiyawan ng mga ka klase ko na kanina pa pala naka tingin sa amin.
Nagpaalam naman na si kuya na aalis na after nun kaya naiwan ako sa labas ng room na parang tangang nakangiti.
BINABASA MO ANG
KUYA | Han Seungwoo
Teen Fiction"Kuya, nahulog!...... Ang puso ko sayo" - Soleigh Park [ X1 series #1 ] [ Han Seungwoo ] Credits to: @seungwooed for the cover 💕