~Soleigh
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon eh. Hindi nga ako makapag focus sa klase! Huhu! Habang papalapit ng papalapit ang lunch mas lalong nadadagdagan ang kaba ko! Kingina yan.
"Hoy Soleigh! Kanina ka pa di mapakali diyan sa upuan mo ah, may problema ba?" Tanong ni blythe sa akin, siya kasi katabi ko
"Wala lang to, wag mo na ko pansinin" sagot ko kaya nagkibit balikat nalang siya at nakinig sa discussion
Di rin nagtagal nag bell na at hudyat na lunch time na! Kinginaaaaa! Huhuhu
Nagpaalam na sa amin si prof at yung mga kaklase ko nagsisilabasan na.
"Tara na guys" pagaaya sa amin ni Rhyle
"Uh, mauna na kayo guys, susunod ako may dadaanan lang ako saglit" sagot ko, di kasi nila alam na di ako sasabay mag lunch sa kanila, ma issue pa naman yang mga yan.
"Samahan ka na namin" sabi ni blythe
"Wag na, mabilis lang naman eh" sagot ko
"Okay sabi mo eh" sagot din niya
Habang nag aayos kami ng gamit may biglang kumatok sa pintuan ng room kaya napalingon kami dun.
Pagkakita ko sa taong nandun biglang bumilis yung heartbeat ko, kingina! Ito na talagaaaa! Huhuhu
Kinikilig naman yung ibang kaklase ko dahil sa gwapong nakatayo sa may pintuan namin.
"Uh, nandito ba si Soleigh?" Tanong niya, di niya pa ako kita nasa likod kasi upuan ko eh.
Bigla nalang ako tinuro ng classmate kong tinanungan niya kaya heto ako halos di makagalaw sa upuan ko nung tumingin na siya sa akin! Ghad! Those eyes! 😍
"Hanap ka na ni Mr. Right bespren" bulong sa akin ni blythe na tiningnan ko naman ng masama
Nag smile agad siya sa akin nung nakita niyang nakatingin din ako sa kanya.
"Pwede bang pumasok?" Tanong niya sa mga kaklase ko
"S-sure po" nauutal na sagot naman ng isang kaklase ko. Aba! Inutal? Di kita masisi girl ganyan ba naman ka gwapo magtanong sayo.
Pumasok naman siya at lumapit sa akin. Bwisit din tong mga katabi ko at panay ang tulak sa akin kaya napatayo tuloy ako hanggang sa makalapit na ng tuluyan si kuya sa akin.
"Hi" bati niya sa akin sabay smile
"Uh, hello" sagot ko naman na di makatingin sa kanya
Nagulat nalang ako ng may iabot siya sa akin
"Para sayo nga pala" sabi niya sabay kamot sa batok na parang nahihiya.
Inabot ko naman yung isang piraso ng rose sakanya.
"Nag abala ka pa, pero salamat dito ah" nahihiya kong sabi
"No problem, basta para sayo" sagot niya kaya naman naghiyawan sa kilig yung mga kaklase ko, lalo na mga kaibigan ko. pucha! Ang OA nila sobra.
"Ano tara na ba?" Tanong niya
"Sige tara" sagot ko kaya bigla niyang inabot yung kamay ko at hinila ako
Pero bago pa man kami makalabas sa room may sinabi muna siya sa mga kaibigan ko.
"Hiramin ko na muna kaibigan niyo ah, wag kayong mag-alala ako bahala sa kanya" sabi niya
"Sige lang po, sayo na yan kahit wag mo nang ibalik ayos lang" sagot naman nila
"Makasabi naman kayo parang isa akong bagay na pwede niyong hiram hiramin ah" reklamo ko
"Oo bagay ka talaga" putol ni Kuya sa sasabihin niya
"Bagay na bagay sa akin" pagpapatuloy niya kaya mas lalong naghiyawan yung mga kaklase kong naiwan sa loob ng room.
Ako naman tong si kinilig din napayuko nalang.
Kingina mo kuya! Sabing marupok ako eh!
BINABASA MO ANG
KUYA | Han Seungwoo
Teen Fiction"Kuya, nahulog!...... Ang puso ko sayo" - Soleigh Park [ X1 series #1 ] [ Han Seungwoo ] Credits to: @seungwooed for the cover 💕