~Soleigh
Naglalakad na ako papuntang rooftop ng building namin, ewan ko ba pero sobrang kinakabahan ako ngayon eh. Iba tong kabang nararamdaman ko ngayon sa kabang nararamdaman ko tuwing alam kong makikita ko si kuya.
Ewan pero bakit feeling ko may masamang mangyayari? Jusko wala naman sana.
Binalewala ko nalang yun at nagpatuloy sa paglalakad
Nakarating naman agad ako dun kaya bubuksan ko na dapat yung pinto ng rooftop nang bigla akong may narinig na nag-uusap pero hindi ko marinig kung anong pinaguusapan nila basta sigurado akong babae at lalaki yung nag-uusap at sigurado din akong boses ni kuya yung sa lalaki.
Dahan dahan ko namang binuksan yung pintuan at bigla nalang akong nagulat sa nakita ko.
Alam niyo ba kung anong nakita ko?
Nakahalik lang naman si Ara kay Kuya
Aray ko be! Ang sakit sa eyes! T_T ang bigat sa Heart! Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko at matagal na pala akong nakatitig sa kanila.
Bigla nalang akong umalis at sinara ng sobrang lakas ang pintuan.
Tumakbo ako ng umiiyak.
Bakit kailangan ko pa makita yun? Bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito?
Akala ko ba wala siyang gusto sa Ara na yun? Eh bakit hinayaan niyang halikan siya ng babaeng yun?
Bakit sa akin pa mangyari to? Bakit ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya?
Tama nga ako dapat una palang di na ako nag assume, dapat una palang pinigilan ko na ang sarili kong magka gusto sa kanya.
Ang tanga tanga mo Soleigh.
Nakita ko nalang ang sarili kong tinatahak ang daan pauwi sa bahay. Di ko namalayang naka labas na pala ako ng school.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa bahay.
Buti nalang wala pa si mama dahil ayokong makita niya ako sa ganitong sitwasyon.
Pinili kong magkulong sa kwarto at iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
————————————
Hello guyss! Comment naman kayo diyaaaan hahaha! Love ya ;)
BINABASA MO ANG
KUYA | Han Seungwoo
Teen Fiction"Kuya, nahulog!...... Ang puso ko sayo" - Soleigh Park [ X1 series #1 ] [ Han Seungwoo ] Credits to: @seungwooed for the cover 💕