-Soleigh
"Class dismissed" anunsyo ng last subject teacher namin kaya naman niligpit ko na ang mga gamit ko
"Leigh! sabay sabay na tayong umuwi ah" tawag sa akin ni blythe
" di ako makakasabay ngayon eh, may kikitain kasi ako ngayon, may pag-uusapan lang. pasensya na" sagot ko naman
"sige mukhang mahalaga ata yan. Basta Ingat ha. See you tomorrow" sagot din ni Rhyle
"Sige guys, una na ko ah" pagpapaalam ko sa kanila at sinukbit na ang bag ko at nauna nang umalis
Dumiretso na ako sa X1 Cafe kung saan kami magkikita ni Seungwoo
Pagdating ko naman dun, nakita ko agad siyang naka pwesto sa bandang dulo, di din naman kasi gaanong kadami ang tumatambay dito.
Napatayo naman siya nung nakita niya ako kaya agad naman akong lumapit sa kanya
"Salamat sa pagpunta baby girl" nakangiti niyang sabi
"Di yan ang pangalan ko" sagot ko namana at agad umupo sa harap niya
"Anong gusto mong kainin or inumin?" Tanong niya
"Wag na, di din naman ako magtatagal dito eh" cold kong sagot pero di niya yun pinansin at agad tumayo
"Sige ako nalang bahala" sabi niya at umalis papuntang counter para umorder
Hinayaan ko nalang kasi sa totoo lang gutom din naman ako eh. Sorry pero may Pride din naman kasi ako.
Di nagtagal bumalik na siya na may dala dalang dalawang large na Milktea and Pizza.
"Uhh, kain na muna tayo L-Leigh" sabi niya agad pagka upo niya, ba't naman nautal sa pangalan ko kuya?
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo nalang agad para makauwi na ako at baka magabihan pa ako" pagtataray ko pa din
Huminga siya ng malalim "Okay, before I start sana hayaan mo muna akong magsalita hanggang sa matapos ako, just give your opinion after I explain myself, please" sabi niya kaya tumango nalang ako
"Soleigh" umpisa niya at hinawakan ang kamay ko
"Alam kong galit ka sa akin ngayon, No galit na galit ka sa akin, Sorry baby girl sorry kung nasaktan ka sa nakita mo sa rooftop" paghingi niya ng tawad, magsasalita na sana ako pero pinatahimik niya din ako agad dahil di pa siya tapos kaya nakinig nalang ako
"Hindi ko alam na mangyayari yun Soleigh, di ko alam na sinundan pala ako ni Ara sa rooftop, bago pa man mangyari yung nakita mo, kinausap ko siya na layuan na ako kasi may mahal na ako, nakiusap akong tigilan niya na ako pero siya itong nagpupumilit na isiksik yung sarili niya sa akin at sinasabing siya nalang ang mahalin ko pero pilit ko din siyang inilalayo hanggang sa nagulat nalang ako nang halikan niya ako" pagpapaliwanag niya
"Pero bakit mo hinayaang halikan ka niya Seungwoo?" Di ko na napigilan at sumabat na ko
"Nagulat din ako nun Leigh, di ko inaasahang gagawin niya yun pero Promise di ko ginusto yun at agad ko siyang tinulak palayo sa akin kaso huli na ang lahat at nakita mo na kaya Sorry Soleigh, sorry talaga" malungkot niyang sabi
"To be very honest Seungwoo, sobrang nasaktan ako nun. I just cried my heart out until I realized na bakit naman kita iiyakan eh wala naman akong karapatan kasi di naman tayo in the first place" sagot ko
"And di mo naman kailangang mag sorry kasi you can always do what you want kasi single ka naman at di kita boyfriend para mag sorry ka ng ganyan. I was hurt, yes pero okay na ako Seungwoo" pagpapatuloy ko
Tumingin siya sa akin ng diretso at bumuntong hininga
"May karapatan ka Leigh, kasi sa una palang sayong sayo na ako" seryoso niyang sambit
Napakagat naman ako sa pang ibabang labi ko. Kinilig ako pucha yan.
"Kaya please, bigyan mo ako ng isang chance para patunayan ang sarili ko sayo. I wanna prove myself to you" pagpapatuloy niya
Tinitigan ko siya ng matagal at bumuntong hininga din
"Sige, if that's what you want pagbibigyan kita" sagot ko at ngumiti na ikinaaliwalas naman ng kanyang mukha. Marupok 101
"So that means payag ka nang ligawan kita?" Masaya niyang sambit
"Ba't napunta sa ligaw ang usapan?" Gulat kong tanong sakanya
"Eh ganun na din yun, giving me a chance is also giving me the permission to court you" pagpapaliwanag niya
Nginitian ko naman siya "bahala ka, sabi mo eh" pagsuko ko, marupok ako eh at bigla naman niyang hinalikan ang mga kamay ko
"Thank you baby girl! Sobrang saya ko ngayon!" Naka ngiti niyang sabi
"At syempre sobrang na miss din kita" dagdag niya pa
"Ako din na miss din kita" wala sa sarili kong sagot
Natigilan naman ako kaya umiwas ako ng tingin! Ayan masyado kang pahalata Soleigh.
"Anong sabi mo baby girl? Pakiulit nga di ko kasi narinig eh" pang-aasar niya sa akin
"Wala!" Sagot ko at kinuha ang milktea sa harapan ko at uminom
"Sige naaaaa, ulitin mo naaaa" pagpapa-cute niya pa
"Noooooo" sagot ko at kumain ng pizza
Ganito lang kami, nagkukulitan hanggang sa sumuko siya.
I'm so happy kasi balik na ulit kami sa dati. Sana tuloy tuloy na to.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napahaba! Hahahaha! Comment naman kayo guyssss! Hehehe!
BINABASA MO ANG
KUYA | Han Seungwoo
Teen Fiction"Kuya, nahulog!...... Ang puso ko sayo" - Soleigh Park [ X1 series #1 ] [ Han Seungwoo ] Credits to: @seungwooed for the cover 💕