53rd

117 5 1
                                    

Am I bad person?

I feel really bad for Giannis. He doesn’t deserve to feel unloved. But I let him feel that, … for choosing Ixxen.

Tama ba na namili ako? Dapat ba hindi ko nalang binigyang pansin ang lahat ng ‘to?

Vivienne! Please help me! Hindi ko alam kung anong dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Hindi naman kasi dapat ako ‘yong nalilito sa mga bagay na ‘to eh. This is not my role here, Viv. This is supposed to be you.

If only you’re here, you can handle this like a pro.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ilang luha ang tumulo mula rito na agad ko ring pinawi.

I’ve never been to this situation. Si Vivienne lang kasi ang ligawin sa amin. Kapag magkasama kami, ako ‘yong tahimik, mabait, hindi makabasag pinggan, at siya naman itong magaling makisalamuha, madaling lapitan, makulit, at kung ano ano pang ikapapansin ng ibang tao sa kaniya. Pero kahit kailan ay hindi ako nainggit. Dahil kahit kailan ay hindi niya ako nakalimutan kahit pa napakaraming tao ang may gusto sa kaniya ay hindi niya ako iniwan.

“stay here Vivienne!” pigil ko rito sa kagustuhan niyang lumabas ng dorm kung saan kami pinatuloy pagkatapos ng nangyaring gulo kahapon.

Ayaw ko ng lumabas ng silid na ito dahil sa lahat ng nasaksihan ko kahapon. How can everything of this be possible? Gusto kong paniwalain ang sarili ko na masamng panaginip lang ang lahat pero hindi. Hindi ko magawa dahil malinaw sa aking mga mata, malinaw sa aking pandinig ang lahat ng kaguluhang nangyari kahapon lang.

Napag-alaman ko na bigla bigla nalang nangyayari ang kaguluhang tulad ng nangyari kahapon. Bigla biglang lumalabas ang mga gwardya sa Amaranth building para kumuha ng mga estudyante at dinadala sila sa Amaranth building. Ang ilan ay matatagpuan nalang na wala ng buhay pagdating ng umaga. Wala sa mga estudyante ang nakakaalam ng kung anong nangyayari kahit na ang SC. Ang lahat ng impormasyong nalaman ko ay galing kay Bryon.

“ Vienna, we can’t just stay here” iling nito kasabay ng muli niyang pag lapit at hinawakan ang kamay ko

“Viv, didn’t you saw what happened yesterday? Everything’s a mess. I will get us out of here” matapang kong sambit rito

Sa pagkakataong ito ay pansin ko ay pagkabaliktan namin ni Vivienne. Madalas pag may kaguluhan ay mag mumukmook lang ito sa isang sulok pero ngayon, matapang siya at siya pa itong hindi natatakot na lumabas kami.
“how can we get out of here if we’ll lock ourselves in this room? Vienna, we need to do something before another wave of war will come” pangungumbinsi nito na mariin kong ikinatango.

Tama siya. Kailangan naming gumalaw. Hindi kami mabubuhay sa pagtatago lang.

“never leave my side” bulong ko rito bago nito buksan ang pinto ng dorm.

Pagkabukas nito ay isang babae ang nag tila nag aabanag sa aming pag labas na ikinagulat ko.

Who is she?

Napatingin ako kay Vivienne at ngumiti naman ito sa akin na nag sasabing okay lang ang lahat.

“she’s Ariia” pagpapakilala nito “I met her yesterday. She’s with no one when she entered this Academy. Not like us na dalawa tayo” she shrugged.

Napatango lang ako rito at tinignan si Ariia. Sinusubukan ko siyang basahin pero wala akong ibang makita sa kaniya kundi takot. Tulad ko at tulad ni Vivienne, takot rin siya sa mga nangyayari sa amin ngayon.

Lumipas ang ilang lingoo at pinanindigan naming tatlo na hindi kami maghihiwahiwalay kahit ano man ang mangyari.

Isang gabi ay napagplanuhan naming tumakas. Sumabay sa mga truck na siyang malayang nakakalabas pasok ng Academy tuwing weekends.

Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon