59th

143 8 2
                                    

"Her body wasn't able to handle all the pain. She got weaker and weaker until she didn't handle everything anymore. Vivienne died months ago. " mapait na pagkekwento ko kay Paypay habang nakaupo kami sa natumbang kahoy malapit sa dagat.

Andito kami ngayon sa isang bonfire area pero hindi namin sinindihan ang mga naipong kahoy sa aming harapan at hinayaan lang na lamunin kami ng dilim.

Patuloy lang sa pag hagulhol si Paypay habang ako ay patuloy lang rin sa pag luha habang inaalala ang lahat.

This is the place where the three of us usually play. Pinapayagan kami sa paglalaro sa tabing dagat pero hindi kami pinapayagang maligo sa dagat ng kami kami lang. Naaalala ko pa noon, si Vivienne ang laging namimilit kay Paypay na lumapit pa kami sa tubig samantalang si Paypay naman ay agad na lalapit sa akin para magpatulong na pigilan si Vivienne sa gusto niyang gawin.

"Sh*t! Hindi ko manlang kayo nakasama ng mas matagal! Hindi ko manlang nalaman sa wala na pala si Vivienne!" Malalas na pag iyak nito.

Kanina pa siya umiiyak. Simula nang nasa balkonahe kami kung saan sinabi ko na ako si Vienna at wala na si Vivienne. Nakakapagalala na dahil paniguradong sasakit ang ulo nito pag hindi pa siya tumigil sa kakaiyak niya.

"T-tama na yan, Paypay. Mapapagod ka lang sa kakaiyak mo" pag papatahan ko sa kaniya pero hindi parin siya tumitigil.

"Hoy, Pamaypay, tumigil ka na nga. Hindi na mababalik ng luha mo ang pinsan ko. At isa pa, tama si Vienna, pinapagod mo lang ang sarili mo" sabat na ng katabi kong si Ranz. Kasama namin siya ngayon dahil hindi ako pinayagan ni Mom at Dad na lumabas ng kami lang ni Paypay dahil medyo dumidilim na kanina ng magpaalam kaming puounta kami dito sa tabing dagat.

"Che! Tumigil ka nga. At hindi pamaypay ang pangalan ko!" Irap nito kay Ranz sabay pahid ng luha niyang pinipigil niya na sa pag tulo.

At kahit kanina pa siya umiiyak ay hindi natirigil nito ang pakikipagbangayan niya sa pinsan ko. Tsk. Aso't pusa talaga.

"Whatever! Ayusin mo na nga yang itsura mo, pamaypay. Bumalik na tayo sa bahay, ang lamig na ng hangin" sambit ni Ranz kasabay ng kaniyang pag tayo na sinundan ko naman kasabay ng pag abot ko ng kamay kay Paypay para tulungan siyang tumayo. Tinanggap nito ang kamay ko at ng makatayo ay isinukbit niyo ang kaniyang braso sa braso ko para sabay kaming mag lakad.

We used to do this. The three of us. But now, it's just me and Paypay.

Inabutan naming nagkekwentuhan parin sina mom, tita, tito, at mga kaibigan nila kabilang na ang mga magulang ni Paypay. Sa kabilang side ay ang mga tito na nagiinuman habang nagkakantahan samantalang sa kabilang side naman ay ang malalakas na pagtatawanan ng mga tita. Just a simple gathering. 

I miss seeing everyone happy. If only Vivienne is here to see this, she will be so happy.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Paypay sa akin ng marinig niya ang malalim kong pag hinga habang nakatingin sa lahat habang naglalakad kami papasok sa gate.

"Of course" ngiti ko sa kaniya na ikinatango niya nalang kasabay ng matamlay niyang ngiti sa akin.

"O, andito na palay silang tatlo, uuwi na rin kami ate Vina" sambit ng isang medyo matabang babae na nasa edad 40. Siya ang nanay ni Paypay na isa rin sa mga nag alaga sa amin ni Vivienne noon.

Naaalala ko pa. Pumupunta kami noon sa bahay nina Paypay tuwing tanghali para mag laro, pero madalas ay doon kami natutulog ng tanghali. Ang mga magulang ni Paypay ang isa sa mga nag alaga sa amin ni Vivienne.

"Vienna, uuwi na kami. Maaga nalang akong pupunta dito bukas" sambit ni Paypay sa akin tsaka yumakap ng mahigpit.

Can I sleep alone tonight? With everything that happened today?

Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon