Buwan lang ang lumipas ng huli kitang makita, pero pakiramdam ko sobrang tagal na. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang ilang buwan na wala ka sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ako nakaligtas sa mga araw na wala ka para tulungan akong palipasin ang isang araw. Nagawa kong mabuhay ng ilang buwan ng wala ka, pero sobrang dami kong nagawang mali. Pakiramdam ko tuloy mali rin na ako ang nakatayo dito ngayon habang nakatingin sa malamig mong lapida kung saan nakaukit ang buong pangalan mo.I'm here, Vivienne.
Muling pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang tumatakbo ang napakaraming bagay sa utak ko. Mga bagay patungkol sa kakambal kong hindi ko parin gaano matanggap na kahit kailan ay hindi ko na makikita at makakasama pa.
Andito ako ngayon sa puntod ni Vivienne. Maaga kaming umalis ng Zambales, hindi ko na nga rin nagawang mag paalam ng personal kina Paypay at Raikko dahil sa sobrang aga ng pag alis namin.
Dumiretso kami nina Mom at Dad dito sa sementeryo pero hindi rin nag tagal sina Mom at Dad dito dahil hindi kayang tagalan ni Mom na tignan ang pangalan ng mahal niyang anak sa isang marmol na nakabaon sa lupa.
Hay nako. Kamusta naman kaya itong kakambal kong ito? Sana masaya ka. Pero, alam kong mas magiging masaya ka kapag nakita mong andito kami lahat para sayo.
Inilabas ko ang cellphone ko para sana itext ang isa sakanila Ariia para tawagin dito pero...
"Viennaaaa. " Isang boses na hindi ko na kailangang lingunin para malaman kung sino ang narinig kong tumawag sa akin mula sa aking likuran.
Masaya akong lumingon rito at tulad ng inaasahan, nakita ko ang mabilis na lakad ni Kierra palapit sa akin. "Oh, andito na pala kayo, tatawagin ko palang sana kayo eh" sagot ko rito kasabay ng pag angat ko ng kaunti sa hawak kong cellphone.
"Bakit hindi mo manlang sinabing umuwi ka pala ulit?" Tanong ni Brynn sa akin pagkalapit niya.
"Ayokong istorbohin iyong bakasyon niyo sa Baler eh, tsaka kakabalik ko lang rin naman dito sa city, galing kami nina mom sa province" Sambit ko sa mga to na tila medyo nagulat dahil alam ko ang tungkol sa pag punta nila sa Baler.
"Nakakamiss si Vivienne" napalingon ako sa boses sa aking gilid. Nakatingin si Zayd ng diretso sa pangalan ni Vivienne habang puno ng lungkot ang kaniyang mga mata.
"I know" Pinilit kong ngumiti. Alam kong ayaw ni Vivienne na makita kaming kumpleto nga na nandito pero malungkot naman lahat.
Natahimik ang lahat habang pinapakiramdaman ang isa't isa.
"If only I can bring back time, by all means, i will. At kapag mauulit ang lahat, hinding hindi ko haayaang masaktan ng kahit sino ang kapatid ko" Hindi ko rin napigilang itago pa ang ayaw kong makita sa mga mukha nila. Ang lungkot, panghihinayang, at luha.
"Look what your friend's father did. He took lives, he took peoples love ones, pano mo nagagawang makipag tulungan parin kay Xeya?" Napaangat ang tingin ko kay Asche ng sabihin niya iyan. Nakatingin siya ng diretso sa lapida ni Vivienne habang lahat kami ay nakatingin na sa kaniya. I know what he exactly wanted to say... but I need more informations to understand what je really meant.
"W-what are you talking about?" Agad na tanong ko rito.
"We knew that Xeya is the daughter of Jun Almonte, siya ang may gawa ng lahat ng kaguluhan na nag tuturo kay Ariia bilang may gawa. " Si Bryon naman ang nag salita. Hindi ito makatingin sa akin habang sinasabi niya iyan.
"Nasabi rin nito na hindi siya ang nag iisang nagpapanggap sa grupong ito. Someone here is pretending and no one knows who it is" Muli namang naalis ang tingin ko kay Bryon at nabaling kay Travis.
BINABASA MO ANG
Other Version | SKYA Book 3 [COMPLETED(editing)]
ChickLitShe was that person because of you. But now that you're gone, it felt like she disappeared with you. You defined her as her, she defined you as you. But you're not here anymore which made her ask who she'll be without you. How can she define hersel...