This is SEVENTEEN fan-made fiction stories for each members.
FICTION.
MERELY IMAGINATION.
THIS STORY WAS ONLY DECIDED TO BE POSTED BY AUGUST 5, 2019.
SEE EACH MEMBER'S STORY.
ENJOY 😘
-flngwrtrroselee 🖤
Masaya at nakangiting pinagmamasdan ko si Matt habang kumakanta ito para sa buong mundo. Nasa VIP seat ako at kaharap sya.
Bokalista ito ng banda at ito ang kauna-unahang malaking event nila. They were scouted and now they are rocking it. I'm so happy for him.
Tumingin ito sa'kin at kinindatan ako. Tumili naman ang audience sa likod ko. Kahit hilig nitong gawin iyon noong mga bata pa kami ay kinikilig parin ako.
Matt was my first love and my only love. Natigil ako sa pagsabay ng kanta nito ng mag-vibrate ang phone ko.
Tumatawag si Joshua, my boyfriend since we were college. Sinagot ko lang naman sya dahil nagka-girlfriend si Matt noon. And I don't know why I can't break up with him. He's starting on being annoying. All these years I know I just loved him as my friend and my partner in crimes. We had likes in common.
Hinayaan ko ang tawag hanggang maputol na ito. Maya-maya pa'y nag text ito.
'Babe, nasaan ka na? Magsisimula na ang awarding. Kanina lang wala ka sa event ' -- Joshua
Huminga ako ng malalim dahil sa inis. 'I am on an important meeting, call you later' --- Azalea
'Hmm, sige babe. Mas importante iyan keysa sa event kaya okay lang hindi ka pumunta. May play back naman. Take care, babe. I love you'--- Joshua
Hindi ko na iyon pinansin. Binalik ko ulit ang phone sa bag at tumingin sa harap sabay sigaw ng pangalan ni Matt. Ngumiti ito kaya mas lumapad ang ngiti ko.
•••
Habang pumipila si Joshua sa Bubble Tea Station ay hindi magkamaliw ang mga teenagers sa pagtingin dito. Parang kinukuryente sa kilig ang mga ito.
Napairap ako. Superstar sya kaya sikat at pinapantasya ng lahat.
Naghihintay lang ako sa table namin ng biglang nag-text si Matt. Sumilay ang ngiti ko habang binabasa iyon. Alam kong friends lang ang turing ni Matt sa'kin, but I know there's more.
"Babe, sinong ka-text mo?" si Joshua. Nakabalik na pala ito. Umupo ito sa katabing upuan.
"Wala. Kaibigan ko sa firm," ani ko dito at binalik ang phone sa bag.
Tumango lang ito at ngumiti. Nakatitig lang ito sa'kin kaya napapaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam bakit nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing gagawin nito iyon, na parang ako lang ang nakikita nito. Nakaka-conscious ang paraan ng pagtitig nito. Nagulat ako ng sinubuan ako nito ng salad at mas nagulat ako ng walang kiming ngumanga lang ako at kinain iyon.
"It's messy, but I love it" anitong tatawa-tawang habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. "I love you," anitong matamis ang ngiti at nagniningning ang mga matang nakatingin sa'kin.
"Awww, ang sweet" rinig ko sa mga teenagers na malapit samin.
Napayuko ako.
•••
'I feel so lucky When you say that you love me Cause I know I'm not worthy Everytime you always forgive me Never hold it against me'
Pagpasok ng apartment ay nalanghap ko agad ang amoy ng buong bahay.
"Babe, dumating ka na" nakangiting sumalubong sa'kin si Joshua habang suot ang apron at hinalikan ang pisngi ko, na nagpa-iwas sa'kin dito.
Napairap ako, hindi ba obvious na dumating ako?
Hahawakan niya sana ang mga kamay ko pero agad kong binawi iyon. Kunot noo ko lang syang tinitigan habang nakahawak ng mahigpit sa bag.
Nagulat ito pero ngumiti naman kalaunan, "nagluto ako. Gusto mo bang kumain? Paborito mo iyon," anito at tumingin sa mga mata ko.
Walang ganang tiningnan ko lang sya, "tumigil ka na."
He stepped closer to me and cupped my face. "Babe, hindi ka ba gutom? Tara samahan mo kong kuma---"
Tinabig ko sya at lumayo, "tumigil ka na! Hiniwalayan na kita diba? Bakit nandito ka parin?"
Ngumiti ito ng mapakla at napa-iling. Napayuko ako.
"Azalea, nung nakipagbreak ka hindi ako pumayag, hindi ba?" Mahinahong ani Joshua habang may ngiting hindi abot sa mga mata nito. Lumapit sya sa'kin kaya napa-atras ako. "Nung niligawan kita sinagot mo ako, desisyon nating dalawa na maging tayo kaya dapat desisyon rin nating dalawa kapag nagbreak tayo. At hindi ako pumapayag makipaghiwalay sayo. Mahal kita alam mo iyon,"
Napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala, "kung hindi ka aalis, ako ang aalis." Matigas kong sabi dito at iniwas ang tingin. Nag-aamba ang mga luha kong tutulo ano mang oras. Pinagmasdan ko sya.
Bumalatay ang sakit sa mata at mukha nito pero nakangiti parin, para syang maiiyak. Napa-iwas ako ng tingin at nilagpasan sya. There was pain in the depths of his eyes. He's pained. He's hurt. Why can't he let me go?
Nang makapasok sa kwarto ay pumatak ang mga luha kong pinipigil na kumawala sa harap niya sabay ng panghihina ng tuhod kaya napa-upo ako. Tikom ang bibig at pigil na bumalahaw ng iyak. Hindi ko sya makuhang iwanan na nag-iisa dito. Hindi ko alam kong bakit pero hindi ako umalis. Gustong-gusto ko na syang iwan at gawin ang bagay na noon ko pa gusto, ang sumama kay Matt at ipakita ditong mahal ko ito noon pa. But somehow I can't have the courage to step out of our home. I can't left him, alone. Kahit anong dikta ng utak ko'y hindi ko makuhang mag-impake at layasan si Joshua.
Bakit?! Why can't he understand that it's better for him to leave me alone! I can't give the love that he wants! Naaawa na ako sa kanya. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya! I know he knows everything. I know he knew that I loved Matt all along.
Nakahiga at patuloy lang akong tahimik na lumuluha nang maramdaman ko ang paghiga nito sa kama sa likod ko. Hindi ako gumalaw at piniling pumikit habang nakayakap ito sa'kin at hinahalikan ang buhok ko. Hanggang sa lamunin ng antok ay hinayaan ko lang itong nakayakap sa'kin ng mahigpit na parang ayaw akong bitawan.
"I love you, babe.. I know I have space in your heart, even if it's too insane I'll fight for you even it hurts me so much.." I felt his tears on my shoulder..
'I hide things and say things I can't take back I push you away, why do I do that Impatient, but you're patient with me I'm surprised you haven't left me yet'
@flngwrtrroselee 🥀
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.