ONE HEART, ONE LOVE

68 1 0
                                    

•••ONE HEART, ONE LOVE•••

IANA X SUNGCHEOL

How did it started, my love?
Nagising na lang akong mahal na kita..
Mahal kita pero hindi pwede... Diba?

"BREWED coffee please," I said without looking at the waitress.

"Coming, Sir!"

I tapped my ear. Sobrang tinis ng boses nito. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. I'm cramming. May research papers pa akong tinatapos, Journal entries,  three books sypnosis, incoming quarterly reports and those exams determining improvement. Sobrang dami halos wala na akong tulog. I almost blew myself off. And I'm here para lamayan ang mga paper works ko. Incoming fifth year na ako. Isa nalang at ga-graduate na.

Subsob lang sa laptop kaya hindi ko namalayan ang paglapit ng waitress. Nilagay niya ang coffee sa gilid malapit sa mga tambak na coupon bond.

Nabuhay ang inis sa'kin, bakit d'yan nilagay e kung matapunan yung mga papel uulit na naman ako?!

Nagtaas ako ng tingin dito. Imbis na bulyawan ito ay parang napipi akong nakatingin lang dito. Nakangiti sya sa'kin habang may dalang tray. She's wearing pink apron with those rose designs all over and a pink ribbon clipped on her short hair. 

Hindi ako makahuma ng sasabihin. Hindi ko na rin mahagilap ang mga salitang ibubulyaw ko sana kanina sa kanya. She's looked so sweet and lovely with her smile and too cute with those stuff she wore. Hindi sya maganda, pero merong iba sa kanya na hinahatak ang atensyon ko, hinihila ang mga mata ko.

"Sir, here's your brewed coffee! Dinalhan rin kita ng cake Sir, red velvet po yan! Baka po kasi sa sobrang busy nyo hindi na kayo kumakain. Ako gumawa niyan! Enjoy po kayo, Sir!" She sweetly said to me and turned away. Hindi parin ako naka-imik kahit naka-alis na ito. Yung akala kong matinis na boses ay parang naging iba ang dating para sa'kin. Bagay sa kanya ang boses nya.

Cute.

Napangiti ako ng wala sa sarili pero agad ring sinaway ng aking utak. Taena! 

I shrugged and continued on what I'm doing. Some what, I found myself taking glances at her from time to time then babalik sa ginagawa. She's on the counter doing hell-I-care with those coupon bond.

Not like any other Café, maliit lang ito. Nasa likod ng academy kaya malapit lang. Isa lang din ang attendant and it's 24/7. Mas favorable ito para sa'kin lalo na kapag hell week o hell month ko.

But as far as I know, hindi ko pa nakikita ang mukha nya sa tagal ko nang bumibisita dito. Maybe she's a new employee here.

•••

It's already 10 PM. Pagpasok pa lang ng den ay sinalubong agad ako ng nakangiting mukha ng cute na babaeng ito. Gumaan ang pakiramdam ko. Parang lahat yata ng pagod ay nawala nalang bigla pero tinanguan ko lang ito.

"Good evening, Sir!"

"What's your name?" I cleared my throat. Natulala kasi ito sa'kin. Baka iniisip nito interesado ako sa kanya. Psh. "I've been a star customer here so I just want to know," rason ko at umiwas ng tingin dito. Teka bakit ba ako nagpapaliwanag?! Hayy!

Ngumiti ito dahilan ng pagkawala ng mata nito, "ako po si Iana, Sir. Bago lang po ako dito kaya hindi nyo po ako kilala. Tawagin nyo lang po akong Aya, yun po ang tawag sa'kin ni ate Mabel at Sir Joseph."

I just nod and shrugged then walked towards my seat. Iana. Aya. It gave me little smile. Hmm, suits her well. She followed my suit and watched me putting my things on the table. Hindi ko ito pinansin pero nakikita ko sya sa peripheral vision ko. She's too vibrantly naive.

"Pangalawang gabi nyo na po ito, Sir, no? Ang dami nyo po sigurong activities. Ako rin naman po, ginagawa ko po yung projects at activity papers dito para naman hindi masayang yung oras ko. Nagtatrabaho tapos ginagawa ko pa ang assignments ko, at least save po ako sa oras. Nagpapaalam naman po ako kay Sir Joseph at okay lang naman daw po sa kanya. Mabuti nga daw iyon, pampatay narin daw ng oras at antok. Second year college pa lang po kasi ako sa kurso ko bilang Media journalist. Mahirap po talaga ang mag-aral lalo na pag nagtatrabaho ka pa. Pero okay lang di ba po---"

"I want coffee," ani ko at ini-on ang laptop. "At saka wag mo kong pinu-po po. I'm just 22," 

"Ahh..eheheh.. sige po--- ayy! Coming, Sir!"

Natawa ako. Ang daldal nya. Halos ikwento na nya lahat ng nasa isip niya at baka kung saan-saan pa makarating ang kwento niya. I found it adorably cute.

Not long after, she came back with a cup of coffee and a slice of cake. This time, iba na naman ang kulay. 

"Sir, it's blueberry cake. Ako parin gumawa niyan," proud nitong sabi.

I smiled at her, "call me Coups." I said and tasted the cake. Just like the last time, it tastes great. I nodded at her approvingly for her cake.

She smiled even wider, "enjoy, Sir Coups!"

•••

Every night after school, kusa na akong dumederitso sa den. Mas naging close kami, o tamang sabihing feeling close ako sa kanya at si Aya naman ay hindi mawalan ng sasabihin. Masaya syang kasama. Nagkakabiruan at  nagkukwentuhan kami for the whole night. Kahit pa tapos na ang hell days ko ay bumabalik-balik parin ako doon. Kunwa ay busy parin sa school kahit ang gusto ko lang ay makausap at makita sya. Minsan, I offered help for her assignments or activity papers. Minsan hinahatid ko na sya sa bahay nila. Masaya akong kasama sya. Alam ko may feelings na ako sa kanya. At sure ako na hulog na hulog na ako sa kanya.

"Iana, if I court you will you say yes? Will you allow me?" I'm looking at her sincerely, full of love.

With those rounded eyes, she looked at me unbelievably and a sweet smile creeped on her bubbly face, "liligawan mo ako? Talaga?!"

I smiled at her reaction and felt light headed, does it mean she likes me? Parang gusto kong tumalon sa tuwa! "Will you accept me?"

"Wag ka nang manligaw, sasagutin naman kita agad eh!" And then she blushed realizing what she said. Yumuko pa ito habang takip ang bibig ng dalawang kamay.

I laughed and held her closer. I hugged her tight. I'm so happy. My heart beats fast that I could ever imagine. We were very happy but it shouldn't be. Dahil may responsibilidad na ako. Sa isiping iyon mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Umaasang mamemorya ko ang pagkatao niya. Pero hindi na siguro iyon kailangan dahil alam kong hindi ko na sya makakalimutan, nakaukit na sya sa puso ko. Sya lang. I kissed her temple longingly, I know this would be the last.

I love you.. Iana..

AFTER SOME days, hindi na ako bumalik sa den. Hindi ko na sinasagot ang mga tawag niya. Hindi na ako nagpapakita sa kanya. Masakit. Sobrang sakit. Parang ayaw ko nang mabuhay. Nawalan na ako ng ganang mabuhay. Halos hindi na ako kumakain. Pero ayoko siyang saktan at patuloy na sasaktan dahil nagsinungaling lang ako sa kanya. I had a girlfriend. Yes, I had. Means ex ko na dapat sya. Pero nabuntis ko siya. Ako ang ama. At kahit pa dinudurog ang puso ko dahil iniwan ko ang taong mahal ko, wala akong magagawa. Ikakasal na ako sa ex ko at ayokong mas lalong masaktan siya dahil sa'kin. Kahit hinang-hina ay pumapasok pa rin ako sa klase. Dahil para kay Iana kahit anong mangyari mas mahalaga ang makapagtapos ng pag-aaral. Gagawin ko ito para kay Iana, ang babaeng mahal ko at sa magiging anak ko sa magiging asawa ko.

Sana... Sana mapatawad mo ako, Iana, mahal ko. In this lifetime, we had a right love in a wrong time. I promise in my next life, I will gonna be alright. Good bye, my love..

@flngwrtrroselee 🥀

@flngwrtrroselee 🥀

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SEVENTEEN ENCOUNTERSWhere stories live. Discover now