HUGS AND KISSES

19 1 0
                                    

•••XOXO•••

JENNIFER X JUNHUI

"HOYY!! Ano ba?!"

"What?" Mahinahong anito.

Para namang sinilaban ang inis ko sa kanya. Pumikit ako ng marahan habang nakakuyom ang kamao ko. Giatay maning tawhana! Pisti!! Animal!!

"Ganyan ka ba talaga?!" Halos sigaw kong sabi dito samantalang ito ay nakapamulsa lang sa harap ko at parang inosente pang nakatingin sa'kin. Parang walang alam sa ginawa kani-kanina lang!

"What now, baby? Are you hungry or you are on your period?"

"Tang'na mo, Jun! Ang manhid mo!" Dinuro-duro ko sya sa dibdib habang masama ang tingin dito. He held my hand and pulled me closer to him. He's now hugging me! Biglang uminit ang pisngi ko at nag-uunahan sa pagtibok ang lahat ng ugat ko sa puso! Pistiii! 

"Hmmm, Jennifer baby..." 

Ito naaa! Punyeta! Parang bigla-bigla lamang nalihis yung galit ko dahil sa pinang-gagawa niya! 

"Sino ba yung kasama mo kanina?" mahinang tanong ko dito dahil parang sasabog na yata si heart sa sobrang kilig habang nakahilig sa dibdib nito.

"Baby, I just helped her with those books. Nothing else."

Humalukipkip ako, "nagseselos ako.."

"Please, don't. You shouldn't, baby" pinaharap niya ako dito at tiningnan ng malalim. Ayan na naman yang titig nyang para akong nilulutang sa alapaap. Ang gwapo niya kaya! "You know how much I love you, right, baby?"

Mas lalong uminit ang pisngi ko at wala sa sariling napatango dito sabay iwas ng tingin. Eeeyyy! Ba't ba ang dali kong kiligin!! 

Rinig ko ang mahina nitong tawa kasunod ng marahang halik nito sa noo ko.

•••

"JUN!!" Pabagsak kong pinalo ang kamay sa table niya. Nasa classroom kami nila at nagbabasa ito ng ewan ko kung ano. Nagtaas ito ng tingin sa'kin habang nasa gitna ng labi nito ang pen na hawak. Napalunok naman ako. Letchee! Bakit ba angwapo niyaaa! "Ano yung narinig ko kanina, ha?!!" Pilit kong pinatapang ang boses.

"What is it, baby?"

"Sumama ka sa ibang babae nung break time niyo!" Nakapameywang ako sa harap nito.

He sighed at umayos ng upo, "baby, I just---" hahawakan sana nito ang mga kamay ko pero tinabig ko iyon.

"Pumunta ako sa cafeteria kanina kaya kitang-kita ng dalawang mata kooo!! Wag mong gamitin yang 'I just helped her' mo sa'kin ngayon! Ano na naman ang rason mo ngayon? Ha? Na tinulungan mo yung babaeng yun para kumain?! Leche, Jun!" Pinalo ko ng malakas ang desk niya. Masakit ahh! Yaan na, galit ako!

Nakapalibot na sa'min yung mga kaklase nito at pawang nagbubulong-bulongan. Masamang tingin ang pinupukol ko dito habang ito ay nakayuko. Tingnan mo ito! Hindi makatingin kasi totoo! Bigla-bigla ay pumasok ang babaeng kasama nito kanina lang sa cafeteria at deritsong pumunta sa harap ni Jun at hindi man lang lumingon sa'kin. Tumaas ang kilay ko at masamang tiningnan ang babae. Bumaling ako kay Jun na tatawang pinagmamasdan ako. Aba! At natutuwa pa talaga itong makitang nagpupuyos na ako sa galit! Masasapak ko na talaga ito!

"Uyy, Jun! Ipapasa na daw natin kay Ms. Agnes yung Philosophy Theory natin. Excited na daw kasi si ma'am na mabasa yung explanation ng theory eh." 

Napalingon ako ulit sa babae. Anong sinasabi niya? Tumingin naman ito sa'kin, bumaling kay Jun at nag-aalangang ngumiti sa'kin. 

"Mamaya nalang, nag-uusap pa pala kayo ng girlfriend mo.." anito at lumabas ng room nila. Nakasunod lang ako ng tingin sa babae. Parang ayaw kong tignan si Jun!

Hindi ako nakahuma ng hawakan nito ako sa braso at hinila kaya deritsong napa-upo ako sa harapan nito. Natayyy! Maraming kaklase ang nakatingin sa'min kaya tatayo na sana ako pero hinigpitan nito ang yakap sa beywang ko. Nasa balikat ko ang baba nito at ramdam ko ang hininga nito sa leeg ko. 

Ajujujuju! Nagsisimula na namang maging mahalay si Jun! Mas lalong sumidhi ang tibok ng puso ko at hinaluan ng kaba at excitement. Really? Na-e-excite talaga ako?! 

"Baby, you concluded it wrong.. again" bulong nito. At dahil malapit sa'kin ang mukha niya ay ramdam ko ang hininga nitong tumatama sa tenga't leeg ko. Tumindig ang balahibo ko sa batok! Jun, parang awa mo na!! 

"S---sorry.." napayuko ako. Nakatingin na sa'min lahat ng kaklase niya! May iba pang sumipol at sumuway sa'min sabay sabing 'get a room!' Nakakahiya!!

"When I told you 'I love you, Jen' it means my heart already belongs to you. I'll be faithful to you. You are my world and my life. Even if there are much better, prettier and sexier still my love to you won't wither away because you are all of me." Puno ng damdaming sambit nito sa'kin.

Napalingon ako dito. Nakikita ko sa mga mata niya ang kislap at saya. Kinuha nito ang kamay ko at nilagay sa bandang dibdib nito. Ang lakas ng tibok niyon parang mas higit pa sa'kin. Paano sya naging komportable habang sobrang lakas ng tibok ng puso nito.

"Feel that, baby? Only you can do that to me.. only you can make me love you that much.. ever." I let my hand still on his heart, it feels so right underneath my touch. Feels so wonderful.

I touched his face with my other hand. How did I ever deserve this man? How did I deserve this kind of love from him? "Gusto ka yata nung babae.."

"So?" He snorted.

"Anong 'so' ka d'yan?! Syempre may gusto yun sayo kaya---"

"Baby, you don't get me. Did I just told you that there's only you? Only one and that's you, Jen. I doubt if you really understand English--"

Pinalo ko ito sa braso. Tumawa naman ito at ginagap ang kamay ko. 

"Loko ka," nakalabing ani ko at tumingin sa mata nito.

He groaned and looked down on my lips, "so please, trust me.."

I smiled and nodded at him, "sorry.."

"I need proof that you are really apologizing.." he got those wicked grin on his face.

"Ano naman yun?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"I need three kiss from you---" pinalo ko ito. Ano daw?! "Four, baby.." pinandilatan ko ito. 

"Umayos ka!" Dinutdot ko ito sa dibdib.

"I'm serious.. if you won't then let's just stay away from each other---" mas nilakasan ko ang pagpalo sa braso nito. "Five kiss.."

Lumiit ang mga matang tiningnan ko ito. Namimihasa na yata ang tukmol na ito!! 

He shrugged then tatayo na sana ng pigilan ko ito. Animal ning lakiha! Ugghh!! 

Nakangisi naman itong umayos ulit ng upo habang naka-kandong parin ako dito. 

"Ayusin mo ko, Jun! Lagot ka talaga sa'kin!" Ani ko at hinalikan ng mabilis ang pisngi nito ng limang beses.

Rinig ko naman ang lakas ng hiyaw ng kaklase niya sa paligid. Natay! Nandito pa pala tong audience namin?

"Oppss! You shouldn't kissed me on my cheeks only. You can kiss me on my forehead, eyes, left cheek, right cheek and my lips.." he smirked.

Huwat?! 

Gusto ko syang hambalusin dahil wala akong magawa! Kasalanan ko naman kung bakit kami nag-away! Huhuhu! Tang'na mo, Jun! Masamang tingin ang pinukol ko dito habang aliw na aliw ito sa pinang-gagawa sa'kin.

@flngwrtrroselee 🥀

@flngwrtrroselee 🥀

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SEVENTEEN ENCOUNTERSWhere stories live. Discover now