MAN'S ZONE

14 1 0
                                    

•••MAN'S ZONE•••

IRISH X THE8

"Aray!!" Tiningnan ko ang lata ng sardinas na gumulong hindi kalayuan sa'kin na kakatama lang sa balikat ko. Takte! Muntikan na sa ulo ko yun, ah! Hindi naman sya masakit, sadyang may mga sayad lang talaga ang sumipa ng lata sa'kin.

Marahas akong lumingon sa pinanggalingan niyon. Hindi ako nagkakamali! Yung putangnang asong ulupong na tambay na naman sa barangay namin ang nangti-trip sa'kin! Ngingisi lang ito habang prenting nakapamulsa at taas noong nakatayo! Para akong sinakluban ng apoy sa galit dito. Tumatawa naman ang mga kasama nitong syang nagsipa ng lata sa'kin. 

"Hihina nyo naman," komento ng bugok na aso habang nakatingin lang sa'kin. Inaamin kong sobrang gwapo niya, parang hindi nga ito taga-squaters area sa postura at kutis nito, lalo na at kung tumingin siya ay parang hinuhukay ang kaluluwa ko pero dahil sa pinang-gagawa niya ay nagmumukha itong aso sa paningin ko!

"Sorree, Fin" kamot ang batok na ani Ed, isa sa tropa ni The8 o mas kilalang Infinite o Fin. Mukha silang mga asong patiwakal at palaboy-laboy. Mga kulang sa aruga kaya kung sino-sino na lang ang pinagti-tripan. Hindi ko alam kung mga hoodlum ba ang mga ito. Wala akong pake.

"Pakyu ka!" Asar na sigaw ko dito.

Ngumisi naman ito na syang mas kinainis ko, "same to you, tomboy!" Kahit na naiinis at galit ako dito pero hindi ko maiwasang mamula kapag ngumisi ito, ano pa kaya kung ngumiti ito.

"Luhhh!! Ambabastos nyo, ahh!" Hirit ni Ed. Sinapak naman ito ni The8.

•••

"Syeeettt!" 

Bumulagta ako sa tubig ulan sa kalsada. May nylon na nakaharang sa daraanan ko kaya deritsong subsob ako sa kalsada, parang bitag na nilaan lang para sa'kin. Naka-uniporme ako kaya kitang-kita ang mantsa ng putik sa damit. Patay ako kay Mama nito!

Rinig ko ang maingay na tawa ng kasamahan ni The8. Sino pa ba ang gagawa nito sa'kin? Sila lang naman ang mga tambay ditong parang may personal na galit sa'kin! 

Prenteng naka-upo lang si The8 sa hindi kalayuang hagdanan at nakamasid lang sa nangyayari sa'kin. Pistiii atay!! Yawa!! Malapit na talagang maubos ang kandila ko dito! 

Taas-noo akong tumayo at pinagpag ang basang bahagi ng uniporme ko. Hindi ko ininda ang ilang gasgas at mga munting sugat sa aking katawan. Pinulot ang bag at ang ilang gamit kong natapon. Hindi ako nagsalita o sumigaw sa mga ito. Blankong tingin ang ipinukol ko kay The8. May araw ka rin sa'kin, punyeta ka!

•••

"Ale! Pabili po!"

"Anong iyo, hija?"

"Bigas nga po, limang kilo lang po!" 

Agad kong kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang sako ng harina para pagsidlan ng bigas. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa daan kaya naka-ready na ako baka pagalitan pa ako ni Mama kapag may nangyari sa bigas.

Hindi ako nagkakamali. Naka-abang sa'kin ang mga asong nakangisi. Isa na doon ang kinikilala kong kapatid. Kapatid sa ina. Alam kong ayaw niya sa'kin pero sumali pa talaga siya sa mga asong ito para lang saktan ako? Ang pinagtataka ko ay hindi ko nakikita ang mga mata at mukhang dapat ay nandito dahil iyon lang naman ang may pakana ng lahat. Ano ang nangyayari?

•••

NAGISING ako dahil sa ingay ng sigawan na halatang nag-aaway ang mga ito. Madilim. Hindi ako makagalaw. Nakagapos ako sa isang poste at may piring ang mga mata ko. Nasaan ako?

"Wala ito sa usapan, Jason!" Si The8. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Dahil ba binanggit nito ang pangalan ng kinilala kong kuya-- si kuya Jason na kinikilala kong kapatid, o dahil kasama si The8 sa gumawa nito sa'kin. Sumakit yung dibdib ko, hindi ko mapigilan ang pag-init ng mga mata at pagdaloy ng luha ko. Ayaw kong makalikha ng anumang ingay dahil baka kung anong gawin nila sa'kin.

SEVENTEEN ENCOUNTERSWhere stories live. Discover now