•••BEYOND THE REASON WHY•••
STARR X WONWOO
Dumidilim ang kalangitan. Uulan na yata. Maraming tao ngayon ang nag-aabang ng pampasaherong Jeep at kasama na ako roon.
Maya-maya ay biglang bumuhos ang ulan, dahil nasa unahan ako ay nahagip ako ng ambon at nabasa. Hindi ko nalang pinansin kahit pa ang lamig, wala akong payong at pauwi rin na naman ako. Hindi nagtagal ay may Jeep na pumarada, agad akong sumakay dahil unahan ito. Traffic pa naman at sobrang dami ng tao. Mahirapan pa akong makauwi.
Siksikan at tulakan, iyan ang mga eksena sa pang-araw-araw kapag pauwi na ako. Dahil nasanay na ay sumiksik nalang ako sa katabi kahit basa ako. Bahala sya. Tsaka ang bango niya at ang init kasi ng katawan niya kaya mas nagsusumiksik ako dito. Nang mapuno ang Jeep ay agad itong pinaharurot ni manong driver.
"Syeettt, ang ginaw naman..." Mahina kong reklamo sabay yakap sa sarili at umusog pa sa katabi. Dama ko na ang matigas nitong katawan sa braso ko. Ang init rin nito kaya mas komportable akong nakadantay dito.
Yung kaharap kong mga estudyante ay ngumingiti at nangingisay sa kilig habang nakatingin sa katabi ko. Pansin kong ang iba ring pasahero mapa-lalaki man ay sumusulyap din sa aking katabi. Dala ng kuryosidad ay nagtaas ako ng tingin dito.
Nahigit ko ang hininga at napako ang tingin sa mukha nya habang nakanganga. Oosyett! Shufo bes! Thin soft lips, long lashes, dominant jaw and an icy chinky eyes. Bigla syang tumingin sa'kin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at ramdam ang init na bumalot sa buong mukha ko! May ganitong gwapo ba talagang sumasakay ng Jeep? Natay, animal! Ang swerte ko at ako ang katabi niya!
May ngiti sa mukhang naisip kong humilig pa ako sa kanya. Kinikilig naman ako dahil parang wala lang ito. Chance na to!! Usog at hilig pa. Hahahah! Ang dikit ko na sa kanya!
"Tsk. Freak." Rinig kong sabi nya.
"Hehehe.." Imbes na mahiya ay nagtaas ako ng tingin sa kanya na may malawak na ngiti. Tumingin sya sa'kin kaya kinindatan ko sya. Umismid sya, nagtaas ng kilay at binawi ang tingin. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Kahit yata umuulan ay parang hindi ko na ramdam ang lamig.
Ganun lang ang posisyon namin. Kapag pumapara si manong at madidikit ako sa katabi ko ay mas lalo pa akong dumidikit dito. Kapag naman napapalayo ako ay umuusog ako pabalik dito. Hindi naman sya lumilingon pa sa'kin at parang wala lang pero nakahilig lang ako sa kanya. Nagpapasalamat rin ako dahil napakasiksik at nakatulong iyon para magkadikit kami. Ang mga kaharap ko naman ay hindi maipinta ang mukha ng nilagay ko ang ulo sa balikat ng katabi. Hahaha! Mainggit kayo bijj kasi maganda ako! Maganda ako!
Kalaunan ay pumara ito at bumaba. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bumaba din at sumunod dito. Tingin ko ay malapit lang dito yung barangay namin kaya maglalakad nalang ako pauwi. Malakas parin ang ulan. Nakasunod lang ako sa kanya. Naka-hoodie at may payong na sya, samantalang ako ay naka-uniporme at basang-basa na sa ulan. Ramdam ko na ang sobrang lamig pero hindi ko alam bakit sunod ng sunod parin ako sa kanya. Tumigil sya kaya lumapit ako at tumabi sa kanya. Natatabingan ng payong ang mukha nito.
"Aren't you going to stop?" Hindi sya lumingon sa'kin.
"Ha? E---ewan..."
He turned to me and looked at me intently. Parang nahiya naman ako at napayuko. Ang gwapo talaga! Yung puso ko nag-circus, yung utak ko nagshort-circuit! "What's your reason?"
Huminga ako ng malalim habang nakayakap sa sarili, ang lamig na kasi. "Hindi ko alam, ewan..."
He sighed heavily at naramdaman ko nalang ang braso nitong pumulupot sa'kin at hinila ako patungo sa kanya. Nadikit ako sa katawan niya. Bumalatay ang hiya at kaba sa'kin. Ang dikit namin sa isa't-isa! Ngayon pa talaga ako nahiya samantalang kanina lang ay para akong sawa kung makahilig dito! Nagsimula syang maglakad at inaakay ako. Naka-akbay parin ito. Parang nakayakap na sa'kin. Hindi naman matigil ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito. Ewan ko pero masaya ako. Isinantabi ko na ang hiya at yumakap na rin sa bewang nito. Aba! Naka-akbay ito kaya ako rin! Hahaha!
Hindi nagtagal ay tumigil kami sa harap ng isang bahay. Hindi lang basta bahay dahil bahay namin ito! Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita!
"Starr..." tumingin ito sakin. "Go inside, I'll see you tomorrow" anito at pinapasok ako ng gate namin.
"Paano mo---"
"Not like you, mine were beyond the reason why." He smiled. Syeettt! Ngumiti sya! "Now, go inside and I'll be here tomorrow. I want to know your reason. And please, don't tell me you don't know."
Mouth agaped, I just watched him turned away.
@flngwrtrroselee 🥀
YOU ARE READING
SEVENTEEN ENCOUNTERS
Подростковая литератураThis is SEVENTEEN fan-made fiction stories for each members. FICTION. MERELY IMAGINATION. THIS STORY WAS ONLY DECIDED TO BE POSTED BY AUGUST 5, 2019. SEE EACH MEMBER'S STORY. ENJOY 😘 -flngwrtrroselee 🖤