Kay's POV
Andito na kami ni Curtis sa Restaurant nagkwentuhan kame about sa family nya, sa School, sa team nila. Alam pala niya yung highschool days namin ni Jeffrey dahil nakkwento daw ako ni Jeffrey madalas sa kateam nya.
"Curtiisss!"
Nandito na sila Jeffrey at Steph at yung ibang ka team at girlfriends nila. Hindi ko alam ang gagawin ko kung bakit anlakas nang kabog ng dibdib ko. Wala, wala nakong nararamdaman sakanya. Para sakin wala lang sya.
Tumunghay ako at nakita ko siyang nakatingin sakin grabe ang titig nya pwedeng makatunaw ng tao. Nginitian ko sya ng pilit.
"Anong order nyo?"
Tanong nung coach nila at lumapit naman sakin si Curtis na halos pwede na kaming magpalit ng mukha. Kahit hindi ako nakatingin kay Jeffrey kita kong masama ang tingin nya saming dalawa ni Curtis.
"Alam ko na ang gusto mo "
Wika ni Jeffrey na abot tenga na sabi sakin. Siguro'y alam nya ang gusto ko sa Menu.
"Ano? Hahaha."
"Tinapa Flakes Pasta?"
Pano nya nalaman? Napangiti nalang ako. Napatingin ako kay Jeffrey halatang sobrang sama ng tingin nya sakin.
"Brad! Di mo ba kame ipapakilala sa kasama mo?"
"Oo nga! Ang ganda eh!"
"Bawal magdamot ng chicks!"
Napatawa nalang ako sa sinasabi ng kateam ni Curtis kita kong mas sumama ang Awra ng mukha ni Jeffrey.
"She's Kay Aballos. Transferee sya sa school."
Biglang nanlaki ang mata ng kateam ni Curtis at Napatingin kay Jeffrey. Na kkwento nga pala ako ni Jeffrey sa Ka team nya.
"As in Kay na Kay ni Jeffrey?"
Tanong nung isa sa ka team nya. Napatingin ako kay Curtis tumango nalang siya at napatingin ako kay Jeffrey na namumula na at mukhang nagagalit na. Is he Jealous? Akala ko ba Girlfriend nya si Steph?
"Ah, Coach gusto sanang sumali ni Kay sa Swimming Team."
Pagiiba nang usapan ni Curtis, na kwento ko nga pala kay Curtis na gusto kong sumali sa Swimming Team.
"Oh, sige. Magiging ka team mo si Steph"
Wutthe. Ka team ko pa yan? I hope it would be great team.
"Here's your orders!."
Sabi naman nung waiter at ibinigay na yung mga orders namen. Tahimik kameng kumakain. Tanging ingay lang nang kutsara at tinidor ang umiingay.
Natapos ang pagkain namin. Grabe solve ako dun ansarap. Sira diet ko neto aba! Hahaha.
"Hatid na kita."
Offer naman ni Curtis sakin.
Nakita kong ansama nang tingin samin ni Curtis.
"Okay."
"Ako na maghahatid sakanya."
Wika ni Jeffrey kay Curtis.
Uh oh! I smell war.
.
-----------------------------------------------------------------
Please Vote and Comment! IloveyouGalsandGuys!
FAFA CURTIS ON THE SIDE

BINABASA MO ANG
Tutor Kong Strict
RomanceAlam mo yung feeling na nag inlove ka sa Super Strict na SSC President? Sobrang strict,sunget, gwapo nga sobrang suplado naman. Will he love me like i Love him? All Rights Reserved 2014