11

823 48 4
                                    

Trisha's POV

Lumabas na kaming tatlo sa old library, nagpaalam na muna ako sa kanila sa pupunta ako sa rooftop.

Grabe, mababaliw na ako! Ano bang klaseng university ito? Bakit kasi may namamatat at nang papatay?

Aiden Clinton. Pumasok na naman sa isip ko ang pangalan ng babae na namatay or should I say pinatay. Pa-akyat na sana ako sa second floor ng makita ko ang dean, naglalakad palapit sa akin. Hindi pa ito matanda pero hindi maipagkakait na gwapo siya noong kabataan niya.

"Good morning po, dean," pagbati ko ng tumigil siya sa aking harapan. Tumango lang siya at tinitigan ako, 'yong tingin na may pagnanasa. Agad akong kinilabutan.

"May problema po ba, dean?" kinakabahan kong tanong, namamawis ang palad ko. 

"Wala, Ms. Moretz." Naglakad na ulit ito palayo sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. Grabe kinabahan ako do'n. Lumingon ulit ako sa dean na ngayon ay nakatitig pala sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin at tinuloy na ang pag-akyat.

Nasa rooftop na ako kaya agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Umupo ako sa bench at tumingin sa himpapawid, mabuti pa ang bughaw na langit napaka-payapa, ang mga ibon na malalayang nagsisiliparan. Ang ganda.

"Bestfriend." Napabalikwas ako ng upo ng may nagsalita sa aking tabi.

"Crizell," pagtawag ko habang nakatingin pa rin sa bughaw na langit, sana ganiyan nalang kapayapa ang university na ito.

"May problema ka ba?" Napalunok ako, sila ba? Siya kaya? Kung sila bakit? Bakit sila pa? Bakit siya pa?

Taena! Nakababaliw!

"Clinton ang apelyido ni Jarell, 'di ba?" tanong ko at tumingin na sa kaniya agad na nangunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Sino si Aiden Clinton?" Napalunok ito dahil sa tanong ko. Sana talaga mali ang nasa isip ko. Ayokong tanggapin na sila ang killer.

"Kapatid ko siya."  Hindi na ako nagulat nang may nagsalita sa aking likuran dahil alam ko namang naandon siya sa likuran namin.

"Ikaw ba ang—" Hindi niya ako pinatapos magsalita bagkus sumabat na siya.

"Pinaghihinalaan mo ako?" Umiling ako nang umiling. Hindi ko na talaga alam.

"Hindi, ewan ko," naguguluhan kong sabi, naglakad siya papunta sa aking harapan at umupo para magpantay kami. Tinitigan niya ako sa mata, hindi ko kayang makipagtitigan kaya ako na ang unang umiwas.

"Paniniwalaan mo ba pag sinabi kong hindi ako ang killer?" Nagkibit balikat ako at tumingin sa kaniya na nakatitig pa rin sa akin. Bumuntong hininga naman ito.

"Nakausap ko kanina sila mrs. Joyce at alam ko na sa kanila mo nalaman ang tungkol sa aking kapatid," malungkot niyang sabi.

"Sino ba kasi ang killer na 'yon?" tanong ni Crizell, hindi ko siya tinignan. Parehas kami ng tanong sino ba kasi ang killer?!

"Paano kung si dean ang killer?" Hindi ko alam pero bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salita na iyon.

"Parehas tayo ng pinaghihinalaan Trisha."

"May class picture ba si Aiden bago siya mawala?"

"Oo, meron bakit?"

"Gusto ko sanang tignan."

"Edi mamayang uwian pumunta ka na lang sa bahay," aya ni Crizell kaya napangiti naman ako.

"Sure."

*****
VOTE and COMMENT!💙

Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon