25

783 33 15
                                    

Trisha's POV

Kagaya kanina sipa diyan, sipa doon, sapak doon sapak diyan. Mas mahirap ngayon dahil malalaki talaga ang katawan nito at 'yong iba may dala ring mga tubo. So ngayon paatras ako nang paatras dahil may tatlong lalaki na naglalakad palapit sa 'kin. Mabuti may hawak akong tubo kahit papaano'y may laban ako.

"Aray!" sigaw ng una kong hampasin sa ulo. Hindi pa ako natapos dahil pinalo ko ulit ang ulo nito hanggang sa mawalan ng buhay. Sorry papa ayoko man pero kailangan.

"Argh!" daing ko ng maisahan ako nitong nasa harapan ako, madaya dalawa sila tapos ako mag-isa lang maduga. Hahampasin sana ulit ako ng nasa harapan ko pero may biglang pumalo sa kaniyang kamay dahilan para mabitawan niya ang tubo kaya ang hinarap ko naman ay ang aking nasa likuran. Patay ka sa 'kin. Just easy like that limang palo patay.

"Salamat." Tumango naman siya at tinulungan ang kaniyang pinsan. Kaya na nila 'yan. May ililigtas pa kasi ako. Tumakbo ako palapit kila mama ng akalain kong walang nagbabantay dito, 'yon pala mga nakatago lang kaya agad ako nitong nahuli at hinawakan patalikod ang aking braso.

"Akala mo, huh?" Tsk, madaya nagtago kayo eh.

"Huwag niyong sasaktan kapatid ko malilintikan kayo sa 'kin!" sigaw ni ate habang nagwawala. Gusto ko sanang matawa dahil sa itsura ni ate parang tigre, kaso huwag na baka samain ako.

"Ang tatapang talaga ng anak mo, Jenny."

"Itigil mo na 'to William. Pwede ba!" sigaw naman ni mama pero hindi ito pinakinggan ni William bagkus ay lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang pisngi ko pero iniwas ko ito kaya nakatanggap ako ng sampal galing sa baklang to.

"Trisha!" Jarell. Lumingon ako sa kanya at bakas sa kaniyang mukha ang takot at kaba para sa 'kin. Bakit ganiyan ka? Ngayon ko lang napagtanto pwede na nila akong iwan dito pero ito sila at sinasamahan ako sa laban ko. Bakit?

"Umalis na kayo rito!" Pwede na silang umalis dahil tumba na lahat ng kalaban at itong kasama ni William ay tatlo na lang pang-apat siya.

"Sasamahan ka namin." Naglakad siya palapit sa amin pero natigilan din kaagad ng biglang itapat ni William ang baril sa akin.

"Bakit?" naluluha kong tanong. Ba't ba ako lumuluha?

"Kasi—" hindi natuloy ni Jarell ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang sumugod si ate at pinalo ng tubo sa batok si William kaya ngayon ay walang malay. Ang bilis naman, walang kupas ang ate ko.

"Bibitawan mo ang kapatid ko oh susunod ka sa mga taong 'to." Sabay turo niya sa mga nakahilatang lalaki.

"Edi, gawin mo."

"Sabi mo eh." At ayon wala na agad ang lalaking may hawak sa 'kin. Hindi lang basta wala, wala ng buhay. Sinunod naman ni ate ang dalawa at kagaya nitong isa ganoong kabilis pinatay ng ate ko ang dalawang lalaki.

"Walang kupas," papuri ni Xandra kay ate. So they know each other?

"Ganoon ka rin, Xandra." Inalis na ni ate ang nakatali kay mama kaya agad akong yumakap dito.

"Mama, sorry."

"Shh, ako dapat magsorry sa 'yo." Tumayo na kami dahil narinig na namin ang sirena ng sasakyan ng pulis. Naglakad na kami palayo sa lugar na ito.

"Jenny!"

"Trisha!"sabay ng sigaw niya ay ang pagputok ng baril. Nakayakap siya sa 'kin habang may namumuo namang luha sa aking mata. Nanginginig ako at naluluha.

"Jarell, ba't mo ginawa yun?!" naiinis kong tanong. Ba't niya ginawa 'yon, sinalo niya ang bala na sa akin dapat tatama. Nakayakap siya sa 'kin habang pababa kami nang pababa.

"Jarell uyy—" Nilapat niya ang kaniyang labi sa aking labi kaya napaluha lalo ako. 

Ilang minuto pa ay humiwalay na siya sa halik at nginitian ako.

"B-ba't k-ko ginawa 'yon dahil ma-mahal kita, T-Trisha. W-worth it n-naman eh d-dahil p-para sa 'yo." Kahit nahihirapan ay tinuloy niya ang kaniyang sinasabi.

"Please t-tell me m-mahal mo rin a-ako 'd-di ba?" Oo, oo, mahal ko na siya. Hindi ko alam kung paano basta ang alam ko lang ayoko siyang mawala sa kin. 

"Oo mahal—"

"Jarell!"sigaw ko ng pumikit na siya. Please huwag naman. Hindi ko kaya. Hanggang sa mawalan na rin ako ng malay.

"Jarell."

---------------THE END---------------


SALAMAT DAHIL NAKA-ABOT KAYO HANGGANG DITO. LOVEU.


Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon