Isang paaralan na kung sa labas mo titignan ay simple lamang pero pag ikaw ay nakapasok marami palang nangyayaring kababalaghan.
Maraming nangyayaring hindi maintindihan ngunit dahil lamang sa napakamaliit na dahilan.
Ang babaeng nagngangalang Tris...
Napuno nang tawanan ang buong dining room dahil sa mga sinasabi ni tito. Panay joke kasi si tito kaya tawa kami nang tawa.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sa amin si tita at tito dahil may aasikasuhin daw sila, hindi naman nila sinasabi kung saan sila pupunta alangan namang magtanong pa ako.
"Gusto mo na bang makita ang class picture?" tanong sa 'kin ni Jarell, napakamot naman ako sa aking ulo. Nakalimutan ko na ang tunay na dahilan kaya ako pumunta rito. Tito naman kasi eh.
"Sige." Tumango naman siya at nauna ng maglakad. Nang mapansin kong wala si Crizell ay agad akong napahinto sa paglalakad at napansin naman ito ni Jarell.
"Bakit?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Si Crizell, asan pala?" Tinuro niya ang kwarto sa second floor at nakita ko doon si Crizell na kumakaway sa amin. Paano siya nakapunta doon ng hindi ko manlang napansin?
Umakyat na kami papunta sa kwarto kung nasaan si Crizell.
"Paano ka nakapunta rito ng hindi ko—"
"Chekret," nakangiting sambit nito. Napailing na lang ako.
"Pstt, ito 'yong class picture." Excuse me hindi kami aso. Napairap naman ako sa kawalan at agad ding pumasok sa loob ng kwarto.
"Patingin nga." Binigay naman niya sa 'kin ang picture. Tinignan kong mabuti ang picture at saka ko lang naalala na hindi ko alam ang mukha ni Aiden. Nakhihiya nagmamarunong ata ako eh.
"Asan si Aiden dito?" nahihiya kong tanong. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Crizell kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito oh." Sabay turo niya sa babaeng mahaba ang buhok, maputi at hindi siya halatang dalaga dahil ang cute cute niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang cute niya kapatid mo ba talaga siya?" natatawa kong tanong kay Jarell kaya pinagkunutan niya ako ng noo. Nagtatanong lang eh.
"Oo, bakit?" naguguluhan niyang tanong. Tumingin ako sa mukha niya na parang kinakabisado ang bawat parte.
"'Di mo kamukha, baka naman ampon ka lang, huh?" Sinubukan kong mag joke pero si Crizell lang ang natawa. Napatingin naman ako kay Jarell na masama ang tingin sa 'kin kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay na parang sumusuko.
"Tsk, nang-aasar ka pa akala mo naman kung sinong maganda panget naman," bulong niya kaya agad akong napatingin sa kaniya.
"Hoy, hoy, makapanget ka diyan. Sino kaya laging nakasimangot sa ating tatlo?" Parang laging niyang dala ang problema sa mundo. 'Di ba siya nabibigatan? Uso ngumiti.
"Porket nakasimangot panget na, ba't ikaw laging nakangiti maganda ba?" Napairap na lang. Masisiraan lang ako pag pinatulan ko pa ang baliw na ito.
Binalik ko na lang ulit ang aking atensyon sa class picture at agad ding may nahagip ang gilid ng aking mata. Namumukhaan ko tong dalawa na ito eh. Sasn ba 'yon? Saan? Saan?
"Ayon," bigla kong sabi kaya nagulat si Crizell.
"Ano bang nangyari sa 'yo?"
"Si Charlotte at Mia toh 'di ba?" Agad namang tumingin ang magpinsan sa dalawang babae na tinuro ko.
"Yup, sila nga," tatango-tangong sagot ni Jarell kaya agad akong napaisip. Magkaklase sila so siguradong may alam sila tungkol sa nangyari kay Aiden. Agad nangunot ang noo ko ng may pumasok na idea sa aking isipan.
"Paano kung may alam sila tungkol sa nangyari kay Aiden?" tanong ko sa kanila habang nakatingin pa rin sa class picture.
"Eh, ano naman?" tanong ni Crizell.
"Maaring ang dahilan kaya sila pinatay dahil may alam sila kung sino ang pumatay kay Aiden." At ang dahilan na sinulat ng killer ay hindi totoo, 'yon lang ang kaniyang sinulat para hindi na maghinala ang ibang estudyante.
Whoa! Grabe, ang sakit sa ulo pero mas masakit kapag walang ulo.
"Ano sa tingin mo, sungit?" pagtukoy ko kay Jarell.
"Baka tama ka, panget." Aba't meron din si sungit.