Trisha's POV
Nasa tapat na kami ng library. Nag-uunahan ang kabog ng aking dibdib grabe ang aking kaba. Pipihitin na sana ni Jarell ang doorknob ng library ng biglang may pumalo sa ulo niya. Dahil sa lakas ay nawalan siya ng malay.
"Sino ka?!" sigaw ni Crizell, walang mababakas na kaba sa pagsigaw niya.
"Makikilala niyo rin ako mamaya." Nakamaskara siya kaya 'di namin siya mamukhaan pero sigurado akong lalaki siya, base sa tindig ng katawan. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa amin kaya umatras naman kami. Napatingin naman ako sa walang malay na si Jarell. Naisahan kasi eh.
Dahil sa bilis nang pangyayari ang tanging narinig ko na lang ay ang sigaw ni Crizell hanggang sa mawalan na rin ako ng malay dahil sa lakas ng palo sa aking batok.
Third's Person POV
Hila-hila niya sa uniporme ang tatlong bata papunta sa library, sa library kung saan namatay si Aiden— ang kapatid ni Jarell. Binuksan naman nito ang pinto at agad tinapon ang mga walang malay na katawan ng estudyante. Napangisi siya ng makita ang maamong mukha ni Trisha.
"Manang-mana ka talaga sa iyong tatay," sambit nito habang hinihimas ang pisngi.
"Trisha, Jarell, Crizell!" sigaw ng babaeng nag-ngangalang Xandra, tatakbo sana ito palapit sa tatlo ngunit agad siyang tinutukan ng baril.
"Manahimik ka dyan kung ayaw mong tuluyan ko ang nanay mo!" banta nito at dahil sa takot ay umupo na lang sa sahig si Xandra at lumapit sa kaniyang ina na puro sugat sa katawan.
"Ano ba kasing kailangan mo?!" muling sigaw ni Xandra pero hindi siya pinansin ng lalaki bagkus ay umupo lang ito at inalis ang maskara kaya agad na nagsitindigan ang balahibo ng babae.
"D-dean?" hindi makapaniwalang wika nito. Alam naman niyang maaring ang dean talaga ang killer pero hindi lang talaga siya makapaniwala.
"Sabi ko na nga ba!" Napalingon silang dalawa dahil sa boses na iyon. Nag-galing ito kay Jarell.
"Mabuti naman gising ka na, Clinton."
"Ano bang kailangan mo huh?!" muling sigaw ni Xandra dahilan para magising si Crizell. Hinimas-himas niya muna ang kaniyang batok saka tinignan ang buong paligid. Hindi niya pa nakikita ang dean kaya naguguluhan pa siya at ng mapadapo ang tingin niya kay Trisha ay agad siyang lumapit sa kaniyang kaibigan.
"Trisha," paggising niya sa kanyang kaibigan ngunit hindi ito nagigising. Napalingon siya sa lalaking naka-upo sa silya.
"Ikaw pala ang—" Tatakbo sana ito papunta sa dean ngunit pinigilan siya ng kaniyang pinsan kaya wala itong nagawa.
"Ba't mo ba ginagawa ito?" tanong ni Crizell at dahil dun ay nainis ang dean.
"Paulit ulit kayo. O, sige hindi naman kayo kasali dito pero dahil mga nangingialam kayo ay sumabit kayo sa aking plano," naguluhan ang apat dahil sa sinambit ni Morrow ang dean.
"Huh, kung hindi kami sino?!"
"'Yang prinsesang natutulog," tukoy niya kay Trisha. Nangunot ang noo ni Jarell at masamang tingin ang ipinukol sa dean.
"Anong balak mo sa kanya?"
"Wala ka na ro'n, Clinton."
"Anong bang ginawa sa 'yo ng kaibigan ko?"
"Wala," parang nang-aasar na wika nito.
"Wala?" pag-uulit ni mrs. Joyce na ngayon ay nakangisi, hindi naman ito maintindihan ng kaniyang anak.
"May alam ka ba dito, ma?" Umiling lang ito.
"Hmm." Sabay-sabay napalingon ang lima dahil sa ungol na iyon.
"Ang sakit, anong nangyari?" sambit nito habang hinihimas-himas ang kanyang ulo.
"Trisha, mabuti naman nagising ka na." Niyakap ito ni Crizell at gano'n din naman ang ginagawa ni Trisha.
*****
VOTE and COMMENT!❤
BINABASA MO ANG
Montville Academy (COMPLETED)
Детектив / ТриллерIsang paaralan na kung sa labas mo titignan ay simple lamang pero pag ikaw ay nakapasok marami palang nangyayaring kababalaghan. Maraming nangyayaring hindi maintindihan ngunit dahil lamang sa napakamaliit na dahilan. Ang babaeng nagngangalang Tris...