3

1.2K 91 63
                                    

Trisha's POV

Pagkalabas ko ng gate ay lumingon uli ako sa bahay namin na walang kabuhay buhay, walang kulay, walang ligaya, wala na ang dating saya ng magkakasama pa kami. Nawala ang daddy ko dahil sa mommy ko, she left me, ang ate ko naman ay sumama sa wala kong kwentang nanay. Kung hindi lang nawala si daddy edi sana kumpleto at masaya pa kami pero wala eh, edi sana hindi ako galit sa dalawang babaeng mahahalaga sa aking buhay. BUT'S THAT LIFE. Umiling nalang ako at naglakad na palayo sa bahay.

Nang makarating na ako sa university ay agad naagaw ng atensyon ko ang mga nagkukumpulang tao malapit sa hagdan ng building namin. Dahil d'on naman ako dadaan ay makikita ko kung anong meron.

"Bakit sila pinatay?"
"Hindi ko alam pero sabi dahil gusto daw nitong dalawang babae na makaalis na sa school"
"Siguro narinig ng killer ang usapan nila kaya ganun"
"Oo kaya mag-ingat tayo sa mga words na nalabas sa bibig na natin"

Kinilabutan ako dahil sa mga naririnig kong usapan habang palapit ako sa nagkukumpulang tao. Killer? Patay?  What kind of school ba ang napasukan ko?

Nang tuluyan na akong makalapit sa nagkukumpulang estudyante ay agad akong napatakip ng ilong dahil sa mabahong amoy. Sinikap kong makipagsiksikan para makita ang kanilang tinitignan. Nang makita ko na ang pinagtitinginan nila ay napatakip ako sa aking bibig dahil parang masusuka ako, tinitigan ko ng maayos ang dalawang babae at agad ko itong nakilala, sila 'yong nag-uusap sa cafeteria na gusto raw nilang makaalis dito sa school na ito.

"Tumawag na kaya kayo ng teacher," sabi ko pero nilingon lang nila ako at inilingan.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong sabay tingin sa dalawang babae na walang awang pinatay, 'yong isa may hiwa sa leeg at 'yong isa naman parang tinarak sa noo ang kutsilyo at ang iba pa nilang katawan ay may hiwa-hiwa rin. Grabe namang school ito.

Kunti-kunti ng nagsisi-alisan ang mga estudyante hanggang sa ako na lang ang matira at ang ibang estudyante na medyo malayo sa'kin. Hindi ako makapaniwalang may mangyayaring ganito sa loob ng paaralan na ito at wala manlang balak na asikasuhin ng mga teacher.

"Kung hindi kita hinila baka isa kana sa kanila." Napatalon ako sa gulat at napahawak sa aking dibdib kaya masama kong tinignan ang lalaking ewan ko kung saan sumulpot. Kabute lang ang peg?

"Bakit wala manlang teacher na umaasikaso dito?" Nakakunot noo kong tanong.

"Ayaw nilang madamay." Nagkibit balikat siya at lumapit sa isang bangkay at may kinuha sa bulsa nito. Tumayo siya at lumapit ulit sa'kin. May hawak na siyang papel na may sulat na ang kulay ng tinta ay pula.

RIP Mia and Charlotte..... Umasa pa kasi kayong makakalabas kayo rito.

'Yan 'yong nakasulat sa papel na kaagad nagpatindig ng aking balahibo. Sino kaya ang gumawa nito? I think I need to find out who's the killer! The curiosity drive my own body system!

"Kapag nakapasok ka wala ka ng lalabasan," sabi niya at iniwan ako dali-dali naman akong umakyat ng hagdan namin kahit nanginginig ang buo kong katawan dahil dinaan ko ang kanilang katawan.

Tulala akong naglalakad dito sa corridor dahil breaktime, iilan lang ang mga estudyante na bumaba dahil karamihan ay nalulungkot dahil sa nangyari kila Mia at Charlotte, ang daming tanong sa isip ko pero wala manlang sagot. Ano? Bakit? puro ganiyan ang tanong ko, mababaliw ako kapag wala akong nakitang sagot.

Napalingon ako sa isang room kung saan ang karamihan nilang estudyante ay tulala o kaya naman malungkot, may takot at kaba rin na nababasa sa kanilang mga malulungkot na mata. Siguro eto ang room nung dalawa kaya ganyan sila. Pero nakakapagtaka lang nung kanina kasi pumasok ako sa room at parang normal day lang parang walang nangyari, napakachill ng mga teacher namin, wala ba talaga silang pakialam o ayaw nilang makialam kahit gusto talaga nila. 'Di ba responsibilidad ng mga teacher ang estudyante 'pag nandito sa loob ng university pero dito kakaiba ang gusto lang nila magturo at huwag makialam kahit magkaabusan na ng students dahil lahat ng ito ay patay na.

Hindi ko talaga mapigilang mainis sa school na ito, dahil kung may killer nga talaga at walang awa ito kung pumatay baka hindi pa nangangalahati ang school year patay na ako. Napabuntong hininga ako at bumaba didiretso ako sa library baka may mahanap akong sagot sa mga tanong ko.

Malapit na ako sa library ng makita kong tumatakbo si Xandra, takot na takot kaya sinalubong ko siya at hinawakan ang dalawa niyang braso, nanglalaki ang mata niya ng titigan niya ako at agad na napaluha.

"Thank god," nanghihina niyang sabi saka hinaplos ang kanyang dibdib, tinignan ko ang buo niyang katawan at agad na nangunot ang noo ko ng makitang may bakat siya ng sapatos sa uniform base sa magkakabakat nito ay sinipa siya.

"May sumipa ba sayo?" Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya pero imbes na sagutin ako ay tinitigan niya lang ako at umalis na sa harapan ko. Napakaweird talaga ng babae na iyon. Nangunot talaga ng ayos ang noo ko ng maisip ko na baka kilala ni Xandra kung sinong killer. Napabuntong hininga ako at tinuloy na ang paglalakad papuntang library pero bago ako makapasok naramdaman kong may nakamasid sa'kin kaya nilingon ko ang buong paligid, walang students na pakalat kalat dito sa parte ng school na ito karamihan kasi ay na andoon lang sa garden o kaya sa cafeteria.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng library, naglakad na ako papunta sa mga libro at iilan lang ang mga students na naandito, mga lima at 'yong isa ay tulog doon sa sulok, ang librarian naman ay nakatitig sa akin pero walang emosyon. Hinanap ko ang libro na baka makatulong sa akin 'yong book na ang nakasulat ay tungkol sa mga history ng paaralan na ito.

Tignan mo nagkainteres tuloy ako sa history.

"Wala dito ang libro na hinahanap mo."

"Ay butiki," agad na sabi ko, dahan dahan kong nilingon 'yong lalaki, siya 'yong humila sa'kin kahapon palabas ng campus. Ngumisi siya at tinitigan ako.

"Pano mo naman nalaman na wala dito?" mataray kong tanong at nagcross-arms saka medyo sumandal sa shelf, nagkibit balikat siya at tumingin sa gawi ng librarian kaya gano'n din ang ginawa ko nakatingin pa rin sakin yung babae. Ano bang tinitingin-tingin niya?

"Minsan lang may students na naghanap ng libro sa mga shelf na ito karamihan kaya naandito ay para matulog or gusto ng peace."

"So?"

"Kaya ganiyan na lang magtaka ang babae na iyon." Tumaas ng bahagya ang labi ko at nilingon ulit ang librarian.

"Ano bang kataka-taka sa paghahanap ng libro?"

"Nothing." Nagcross-arms siya at nagkibit balikat. Tinalikuran ko na siya at lumapit ako sa librarian naramdaman ko naman na sumunod din siya sa'kin.

"Sa'n po ba nakalagay ang libro na tungkol sa school na ito?"

"Sabi na eh," bulong nung lalaki pero tinignan ko lang siya sa peripheral vision ko.

"Wala rito ang mga ganoong libro."

"Saan ko naman kaya makikita ang libro na iyon?" bulong ko sa sarili ko pero alam kong narinig ng dalawa iyon.

"Sa dean office ata."

"Ok." Tumango ako at lumabas na sa library.

"Ahhh," tili ko.

--------------------

VOTE, COMMENT, FOLLOW

Feel free to correct my grammar. Hindi ako magaling sa english :>

Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon