14

775 43 0
                                    

Trisha's POV

Kringggg kringggg.

"Arghh, inaantok pa 'ko," naiinis kong wika saka umupo at kinusot ang mata. Tumayo ako at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay agad akong lumabas ng bahay. Syempre wala naman akong kotse kaya lakad lang ang aking ginagawa para makapasok. Kinuha ko ang earphone ko sa aking bulsa at nakinig ng music.

I can be tough
I can be strong
But with you, it's not like that at all. There's a girl
That gives a shit
Behind this wall
You've just walked through it. And I remember, all those crazy things you said
You left them running through my head
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were hereAll those crazy things we did
Didn't think about it, just went with it
You're always there, you're everywhere
But right now I wish you were hereDamn, damn, damn,
What I'd do to have you
Here, here, here
I wish you were here
Damn, damn, damn
What I'd do to have you
Near, near, near
I wish you were here

Bigla namang namasa ang gilid ng aking mata dahil naaalala ko si daddy, biglang bumalik lahat ng mga masasayang alaala noong kumpleto pa kami. Naikuyom ko ang aking kamay at sinipa ang bato kaya tumalsik ito sa may puno. Agad kong pinunasan ang luha ko dahil parang may naaaninag akong tao sa likod nang puno.

"May tao ba diyan?" Ngunit wala namang sumasagot, baka namamalikmata lang ako.

Napatalon ako ng may biglang humawak sa aking bewang. Tinignan ko kung sino 'yon pero agad ding napakunot ang noo ng makitang hindi ko 'to kilala. Sino ang manyak na ito?

Tinulak ko siya kaya napangisi ito. Naglakad na lang ako ng mabilis dahil alam kong may balak itong lalaki na ito. Juice ko, lalo niya rin binilisan ang lakad niya kaya kunti na lang maabutan na niya ko. Tumakbo kaagad ako ng malapit na niya sana akong mahawakan.

"Huwag ka ng tumakbo, miss."

"Tsk, huwag mo nga akong sundan!" sigaw ko habang tumatakbo pa rin. Wala naman ako ritong mahihingian ng tulong dahil mga nakasarado ang bintana at pinto ng mga nakatira rito, parang ayaw madapuan ng sikat ng araw ang loob ng bahay nila.

Kagaya ko ay tumakbo rin siya pero ang mas kinagulat ko ay ang lalaking nasa harapan ko. Plano na talaga toh?!

Pupunta sana ako sa kanan pero may lalaki rin, iikot sana ako sa kaliwa pero kagaya rin ng nasa kanan may lalaki rin na nakangising nakatingin sa 'kin. Sino ba ang mga ito? Wala naman akong natatandaang pinagkakautangan ko!

"Sino kayo?!" malakas na sigaw ko. Nagbabakasakaling may makarinig pero bigo ako dahil wala manlang lumabas sa bahay ng mga kapitbahay ko. At ang mga bahay pa ay nasa kanan lang eh nasa kaliwa pa naman ako, tsk, tsk.'Pag minamalas ka nga naman, oh!

Lumapit sa 'kin ang isang lalaki kaya umatras ako nang umatras, kung sino man ang mga ito wala na akong pakialam basta kailangan ko ng pumasok dahil late na ako.

"Alam niyo late na ako eh, bye." Saka ako tumakbo ng mabilis and as usual tumakbo rin sila para masundan ako. Argh! nakatatakot sila ang papanget at mga mukhang adik. Sa hindi inaasahan naabutan ako nang isang lalaki at agad ako nitong itinulak dahilan para matumba ako at magasgasan ang aking kamay. Ang ayoko eh 'yong magagasgasan ang kahit anong parte ng katawan ko. Napabalik ako sa realidad ng may naramdaman akong kamay sa aking pisnge at agad ding napaatras ng makitang hinawakan ako ng isang lalaki.

"Sino ba kayo?!" Umatras ulit ako pero napatigil din ng maramdamang wala na akong maatrasan dahil nasa likod ko ang isa ding lalaki, 'yong pinakamalaking katawan sa apat. Napatingin ako sa aking wrist watch at agad nainis late na late na ako dahil sa mga pesteng ito, bwesit.

"Ano bang kailangan niyo?!"

"Ikaw." Saka sila nagtawanan. Tumaas ang isa kong kilay, joke na ba 'yon? Tatawa na ba ako, huh?

"Nakatatawa ba 'yon?!" naiirita kong tanong.

"Bakit, hindi ba?" Nang-aasar ka pang depungal ka.

"Sa tingin mo nakatatawa ang sinabi mo, panget." Dahil sa panget ay agad kong naalala si Jarell, hindi ko alam pero gusto kong siya ang tumulong sa 'kin. Biglang may tumunog kaya, nalingat ang atensyon nila sa akin. Kinuha ko naman ang tyansa na iyon para makatakbo. Pero mukhang may balat ata ako sa pwet dahil natapilok ako.

"Not so fast, baby." Arghh, lakas nito ah, lakas mang badtrip! Nakakainis na. Sinampal ko ito pero parang wala manlang sa kanya. Diniinan niya ang pagkakahawak niya sa aking braso na kunti na lang ay tumusok na ang kaniyang mga kuko. Itinayo niya ako ng maayos saka sinampal ng malakas dahilan para sumubsob ako sa kalsada.

"Masyado kang matapang kung pagbigyan mo na lang kami." Kunti-kunti siyang lumapit sa 'kin kaya atras naman ako nang atras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil pader na ang aking nasasandalan. Tuluyan na siyang nakalapit sa 'kin at agad hinaplos ang aking binti kaya pinalo ko ito, nakadidiri. Muli niya akong sinampal at nalalasahan ko ang dugo sa aking labi.

"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" pagmamakaawa ko pero sadyang malas ang araw ko ngayon, wala talagang nakaririnig sa 'kin. Wala na kasing tao dito at ang layo ng bahay ko.

Agad siyang lumapit sa akin at pinipilit halikan ang aking leeg, syempre ako si tanga nilalayo ito. Ang hina ko, ba't ko hinayaang babuyin nila ang katawan ko?!

"Tumigil na kayo!" pagmamakaawa ko pero parang wala silang naririnig, tinuloy ng lalaking nasa harap ko ang gusto niyang gawin at ako naman dahil sa nanghihina na rin wala na akong magawa. Nanginginig ako at napapaluha. Sinusubukan akong halikan nito sa labi pero iniwas ko ito kaya sinampal na naman niya ako. Manhid na ang aking pisngi.

"Tulong, parang awa niyo tumigil na kayo!" naluluha kong sigaw. Sinubukan ko ulit makawala pero lumapit sa akin ang isang lalaki at hinawakan ako. Nandidiri akong tumingin sa lalaking nasa harap ko at parang mas gusto ko pang mamatay keysa ipagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.

"Tama na, please!" Itinulak ako nito pahiga at agad siyang pumatong sa akin.

"Huwag, tama na!" sigaw ko pero tinuloy niya ang balak niyang pag-alis sa aking mga butones. Ayoko na, ayoko na! Umiling ako nang umiling at umiyak na lang. Wala na akong takas dito.

"Trisha!"

*****
VOTE and COMMENT!❤

Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon