15

734 42 1
                                    

Jarell's POV

Isang oras na akong naghihintay sa pagdating ni Trisha pero wala pa rin siya. Nag-aalala na ako dahil baka napahamak na 'yon. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Crizell, ang aking pinsan.

"Oh? Insan bakit?" sagot niya sa kabilang linya.

"Nakita mo na si Trisha?" tanong ko habang palakad lakad. Asan na ba 'yon?!

"Hindi, bakit?"

"Wala pa siya, hindi ba siya tumawag sa 'yo?" kinakabahan na ako. Lagot talaga sa 'kin 'yong babae na 'yon pinag-aalala ako at dahil sa kanya hindi ako makapasok sa class ko.

"Eh, hindi siya tumawag sa 'kin. Baka naman tinamad pumasok."

"Impossible, edi sana nagsabi siya sa 'yo, tawagan mo nga"

"Sige, sige." Tinigil ko na ang tawag.

Baka talaga kung ano na nangyari. Nilibot ko na ang buong campus pero wala talaga siya.

"Hey." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lexi. Tumango lang ako at naglakad ulit.

"Ba't hindi ka mapakali?" tanong niya saka kumamot sa ulo.

"Wala."

"Bakit nga baka matulungan kita." Napatingin kaagad ako kay Lexi. Minsan lang kasi mag-alok 'yan, once in a blue moon.

"Nakita mo ba si Trisha?"

"T-Trisha?"

"Yeah, si Trisha nakita mo ba?"

"H-hindi, bakit?" Bakit ba nauutal ka? Pagamot ka nang dila.

"Wala ka namang maitutulong, sige na hahanapin ko pa siya." Naglakad ulit ako pero hinawakan niya ako sa braso kaya automatic akong napahinto sa paglalakad. Nilingon ko naman ito.

"Huwag mo na siyang hanapin. samahan mo na lang ako." Sumama kaagad ang timpla ng mukha ko.

"Ikaw na lang mag-isa, sige na." Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at sinagot ang tawag.

"Hindi niya sinasagot."

"Bumaba ka nga hanapin natin siya."

"Sige, wait mo ko diyan." Nilagay ko na ulit sa bulsa ko 'yong phone ko at nilingon si Lexi na nakataas ang isang kilay. Problema nito?

"Ba't mo ba gustong hanapin ang isang 'yon?!" naiirita niyang tanong. 

"Gusto ko lang bakit?" Bakit ko nga ba siya hinahanap? Basta nag-aalala ako.

"Insan, tara na." Hindi ko napansin ang paglapit ni Crizell. Tumango ako at nagpauna ng maglakad palabas ng campus.

"Asan kayo 'yon?" nakakunot noong monologue ni Crizell saka nagkamot sa ulo.

"Puntahan natin siya sa bahay nila," suhestiyon ni Crizell. Naglakad na lang kami dahil sabi ni Crizell walking distance lang naman daw ang bahay nila Trisha. Hindi naman kami nahirapang pumasok sa subdivision nila dahil nakapasok na rin naman si Crizell dito.

Naglalakad-lakad kami nang bigla kaming nakarinig nang sirena galing sa sasakyan ng police. Nangunot ang aking noo, palabas na ng subdivision ang mga kotse nito. Anong nangyare?

"Bilisan natin." Tumakbo na si Crizell patungo sa direksyon ng bahay nila Trisha sumunod naman ako. Tumigil kami sa isang bahay, may ilang police na naglalakad-lakad dito sa labas.

"Ba't may mga police?" tanong ni Crizell. Nagkibit balikat ako at nagderederetso papasok sa bahay ngunit pinipigilan kami ng isang police women.

"Bawal kayong pumasok."

"Kilala namin ang nakatira dito. Mga kaibigan niya kami " ani Crizell. Ako naman ay hindi na mapakali, 'pag kami hindi pinapasok ng mga police na ito. Malilintikan sila.

"Bawal—"

"Papasukin mo na lang kami!"

"Mga bata bawal nga." Hindi ako nagpapigil. Kaya wala ng nagawa ang mga police. Pagkapasok ko pa lang ay isang hagulgol na ang aking narinig kaya agad akong kinabahan.

Napatingin ako sa likod ng lalaking nakatayo, parang kilala ko ito.

"Miles?" naisatinig ni Crizell kaya napalingon ito sa amin. Umurong ito at agad naming nasilayan ang humikbing si Trisha. Agad namang tumakbo si Crizell patungo sa bestfriend niya at niyakap. Lumapit naman ako kay Miles.

"Anong nangyari?" Tumingin muna si Miles kay Trisha na umiiyak, pero tulala lang. Ano bang nangyari sa kaniya.

"Bestfriend anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Crizell. Nangunot naman ang aking noo ng makita ang mga galos sa kaniyang binti at braso. Punit punit din ang kaniyang uniporme. 

"Muntik siyang marape ng apat na lalaki." Naikoyum ko ang aking palad. "Mabuti nakita ko siya, pero agad ding nakatakas ang mga lalaki," pagpapatuloy niya sa kaniyang sinasabi. Trisha.

"Binaboy nila ako," humikbing sabi ni Trisha. Umupo naman ako para magpantay kami.

"Binaboy nila ako," paulit-ulit niyang ani. Pinunasan ko ang luha niya sa mata gamit ang aking hinlalaki. Naiinis ako sa sarili ko wala manlang akong nagawa para mailigtas siya. Useless na naman ako!

"Bestfriend," humikbi ding wika ni Crizell, niyakap niya ito pero hindi ito tinugunan ng yakap ni Trisha sapagkat tulala lang ito at tanging takot lang ang mababasa sa kaniyang mata. Muling humikbi si Trisha pero ngayon ay yumakap na ito kay Crizell.

"Crizell, binaboy nila ako." Kitang kita sa kaniyang kamay ang panginginig.

"Sorry, bestfriend 'di kita natulungan, sorry."

"Crizell," tanging nasambit ni Trisha. Napalingon sa 'kin si Trisha kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay na nanginginig.

"Miles, salamat."

"Sige, mauuna na ako." Tumango ako at tumango rin siya. May lumapit namang babaeng police sa amin kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi na namin nahuli ang apat na lalaki?" Nag-init kaagad ang ulo ko. Anong klase silang police?!

"Ba't hindi niyo nahuli, mga walang kwenta!" naiinis kong sigaw. Hindi naman nakasalita ang babaeng police.

"Pero itong bracelet na ito ay naiwan ng isa sa mga lalaki." Pinakita niya sa amin ang isang bracelet na merong ahas na design. Kinuha ko ito at tinitigan.

"Monroe," naisatinig ko pero hindi naman narinig ng mga kasama ko. Anong kinalaman ng mga Monroe dito? Simbolo ng pamilya nila Lexi ang ahas na nakadesinyo sa bracelet at nasisiguro kong parehas na parehas ito sa binigay na bracelet nila sa aking ama.

"Maiwan ko na muna kayo." Iniwan na kami ng police. 

"Insan, parang nakita ko na ang simbolong 'yan, 'di ba ganiyan din ang bracelet ni tito?" Tumango ako kaya napakunot ang kaniyang noo. Anong kinalaman nila rito?

*****
VOTE and COMMENT!❤

Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon