16

754 44 0
                                        

Crizell's POV

"Bestfriend, tara na kain na tayo," pag-aya ko kay Trisha. Hindi naman ito sumagot at hindi pa rin pumupunta rito. Dito muna ako pansamantala dahil na rin nag-aalala ako sa kalagayan ng aking kaibigan. Naaawa pa rin ako sa kanya dahil alam kong hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari nang isang araw.

Naisipan ko na lang na pumunta sa sala para yayain na siyang kumain, hindi kasi siya kumakain ng maayos laging isang subo lang tapos okay na.

"Trisha, masamang pag-hintayin ang pagkain, tara na," nakangiti kong sambit. Tumingin lang siya sa 'kin at wala ka talagang mababasang emosyon sa kaniyang mukha. Pero kung sa mata mo titignan ay makikita doon ang lungkot at takot.

"Tara na." Hinila ko ang kanyang kamay pero marahas niya itong hinila pabalik. Hindi na ako nagulat dun dahil alam ko namang natatakot lang siya.

"Trisha, tara na." Tumingin ulit siya sa 'kin at inilingan ako.

"Hindi ako nagugutom at gusto ko ng matulog," cold niyang sabi. Trisha naman eh nag-aalala ako sa 'yo.

"Trisha, please. Kumain ka kahit kunti lang."

"Ayoko!" Ang kinagulat ko ay ang bigla niyang pagtayo at naglakad na ito papunta sa hagdan para makapunta sa kaniyang kwarto. Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa dining. Inilagay ko nalang sa ref ang pagkain at ang natira ay ang aking kakainin.

Sumubo ako ng pagkain at walang ganang nginuya iyon. Biglang nagvibrate ang aking phone kaya biglang nanglaki ang aking mata, syempre nagulat ako. Sinagot ko naman ang aking pinsan.

"Hmm?"

"Kamusta siya?"

"As usual hindi kumakain ng maayos." Sana talaga bumalik na ang dating Trisha,how I miss my bestfriend. Narinig ko sa kabilang linya ang kaniyang pagbuntong hininga.

"Mamaya pupunta ako dyan." Good mukhang siya lang ang makakapilit kay Trisha.

"Sige."

"Sige, sige." Siya na ang pumutol ng tawag.

Agad akong napatayo nang may marinig akong kalampag sa taas. Anong nangyari? Tumakbo ako para mapabilis ang pagpunta sa kwarto ni Trisha. Kumatok ako ng ilang ulit ngunit walang sumasagot at hindi niya rin ako pinagbubuksan.

"Trisha!" kinakabahan kong tawag habang kumakatok pa rin.

"Ano ba Trisha sumagot ka!" Hindi pa rin siya sumasagot pero may muli na namang kumalampag at alam kong may nabasag na. Kapag 'di niya ito binuksan, mapipilitan akong sipain ang pinto niya.

1. 2. 3, nagkibit balikat na lang ako at sinipa ng napakalakas ang pinto. Agad akong pumasok para tignan ang nangyari sa kwarto niya.

"Trisha?!"

"Crizell, halika." Tumakbo kaagad ako patungo sa cr at nadatnan ko siyang may tinititigan sa bath tub.

"Ano bayan-" automatikong napatigil ako sa pagsasalita ng may makita akong papel sa bath tub. Wala itong tubig kaya hindi basa ang papel. Anyway kinuha ko ito at binuklat.

Takbo, takbo kung may tataguan pa kayo!

Sigurado akong ang killer ang may pakana nito. Siguradong nasa tabi-tabi lang siya. Kailangan naming mag-ingat, lalo't na't may pinaghihinalaan na kami kung sino ang killer na walang awa kung pumatay.

"Crizell, kung umuwi ka na kaya baka mapahamak ka pa." Bigla akong napangiti, mabuti naman bumalik na siya sa dati. Ang dating Trisha na maalahanin.

"Ngayon pa kung kailan pare-parehas na tayong wanted. Nope, hindi kita iiwan," nakangiti kong sambit. Ngumiti naman siya sa 'kin. Napakaswerte ko ng maging kaibigan ko siya at hindi lang basta kaibigan matalik na kaibigan pa. Siya lang ang naging kaibigan ko, ewan ko ba kung bakit ayaw ng iba sa 'kin.

"Salamat."

"For what?" nakakunot noo kong tanong. Lumabas na kami ng banyo at umupo sa edge ng kama.

"Basta salamat."

"'Yong narinig kong kalampag saan 'yon?" Tinignan ko ang bawat sulok. Wala namang nasira kaya ano iyong narinig ko?

"Wala iyon at saka yung narinig mong nabasag ay isa lamang 'yong pekeng tunog." What? The heck kinabahan kaya ako dahil sa pekeng tunog na iyon. Sira talaga siya.

"Akala ko kung ano na."

"Haha, tara na nagugutom na ako." Tignan mo 'to ayaw pa kasing kumain kanina tapos ngayon kakain din pala.

*****
VOTE and COMMENT!❤





Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon