Trisha's POV
Pagkakuha ko ng bag sa aking upuan ay nakipag-unahan akong lumabas ng room. Ayaw ko pang mamatay noh. Sayang ang aking lahi.
"Trisha/Trisha." Napalingon ako sa dalawang tao na sumigaw ng aking pangalan at sabay pa talaga sila.
"Oh?"nakakunot noo kong tanong sa kanilang dalawa.
"Tambay muna tayo rito," aya ni Crizell kaya agad akong umiling. Nako Crizell, kung alam mo lang na kapag nagtagal ka pa sa impyernong ito ay maaari kang mamatay.
"Ano ka ba umuwi ka na nga?!" naiiritang sabi naman ni Jarell kay Crizell. So, they know each other huh?
"Alam mo pinsan ang sungit mo, saka kilala mo ba siya?" Sabay turo ni Crizell sa 'kin halos dumikit nga 'yong daliri niya sa aking hinaharap.
"Oo."
"Anyway, ba't ayaw niyong tumambay dito?" naguguluhang tanong niya sa aming dalawa. At ng walang sumagot sa tanong niya ay bigla siyang ngumiti na parang may kalokohang naisip.
"Mag de-date kayo noh?" nang-aasar niyang tanong na kinabigla ko gano'n din naman si Jarell. Aba, siraulong ito. Ako makikipag-date?
"Tsk, bahala nga kayo dyan," sabi ko at nagpauna ng bumaba. Habang pababa ako ay muli kong tinignan ang aking wrist watch. 6:55 the heck 5 minutes na lang.
Nagmamadali akong naglakad pababa at ng mapansin kong hindi nakasunod sa 'kin 'yong dalawa ay bigla akong kinabahan. Ba't ba hindi pa sila bumaba alam naman ng lalaking 'yon na 7:00 umaatake ang killer. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala pa rin talaga sila. Alangan namang hayaan ko sila. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa building at umakyat, pakiramdam ko may sumusunod sa akin.
Pag-akyat ko sa floor ay wala na akong nakitang ibang tao, wala na ring nakabukas na ilaw kaya madilim.
"Jarell?!" sigaw ko kaya umugong ito.
"Crizell?!"
"Bwesit! Natatakot na talaga ako."
"Asan ba kayo?!" naiinis kong sigaw saka naglakad sa corridor, nakatatakot at napakadilim. Kapag nahanap ko talaga sila malalagot sa 'kin 'yong dalawa 'yon. Paakyat na sana ako ng may marinig akong tunog ng kutsilyo na dahan dahang pinapadulas sa hawakan ng hagdan. Kagaya lang n'ong kahapon. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at lumayo sa hagdan pero nasisigurado kong makikita ko kung sino ang taong bababa.
Agad akong napatili ng may bumagsak na ulo sa hagdan, ulo ng babae at kung hindi ako nagkakamali isa siya sa mga teacher namin.
"Trisha." Dahil sa aking nakita ay hindi ko na namalayan na napakalapit na ng killer sa 'kin. Para akong napako sa aking kinatatayuan, naninigas ang sarili at hindi alam kung aalis ba ako o mananatili sa harap ng killer.
"S-sino ka?" kinakabahang tanong ko. Kahit nakamask siya ay alam kong nakangisi ito. Ganoon naman 'di ba sa lahat ng movie, laging naka-smirk ang kalaban!
"Ba't pa ako magpapakilala kung mamatay ka na rin naman?" Saka siya tumawa, tawa na siguradong kikilabutan ka. Ayoko pang mamatay.
"S-sa tingin mo mamatakot ako sa 'yo?" Saan ko nga ba nakukuha ang lakas ng loob ko para sagutin pa ang killer na ito. The hell, Trisha. Hindi ka takot, eh halos maihi ka nga!
"Hindi ka nga ba natatakot?" Saka niya nilapit sa aking pisngi ang kutsilyo na may dugong tumutulo.
"Ba't mo ba ginagawa ito?" nanginginig na tanong ko habang naluluha. Kailangan kong ipakita sa demonyong ito na hindi ako natatakot! Malakas ako.
"Papaaaaa!"
"Masyado kang matanong." Paano ba ako makakaalis? Sisipain ko ba siya? Susuntukin o baka pwede namang duraan ko na lang?
"Magpaalam ka na mrs. Moretz." Katapusan ko na ba? Ayoko pa! Kasi naman, ba't pa ba ako bumalik sa building na iyon! Kasalanan ng magpinsan ito! Huhuhu.
Itinaas na niya ang kutsilyo.
"Ahhhh."
*****
VOTE and COMMENT! :>
BINABASA MO ANG
Montville Academy (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang paaralan na kung sa labas mo titignan ay simple lamang pero pag ikaw ay nakapasok marami palang nangyayaring kababalaghan. Maraming nangyayaring hindi maintindihan ngunit dahil lamang sa napakamaliit na dahilan. Ang babaeng nagngangalang Tris...