1

3.3K 139 79
                                    

Uunahan ko na kayo guys. Haha hindi pa ako tapos i-edit ang story na ito kaya asahan niyo ng may mga mali-mali kayong makikita. But's still enjoy reading :>

*****

Trisha's POV

Pagka-apak ko palang sa sahig ng room ko ay iba na kaagad ang aking naramdaman. Hindi excite kung hindi kakaiba. Lahat ng mga mata nila ay sa akin nakatingin parang pinag-aaralan ang kabuuan ko at sinusuri kung tao ba ako? Ang WEIRD ng mga students dito.

"Okay class siya ang bago ninyong kaklase, galing siya sa MNHS." Bumaling siya sa'kin at parang nagpapahiwatig na ako'y magpakilala sa nga bagong magiging kaklase.

"Trisha Anne Moretz," 'yon lang ang balak kong sabihin, nagtaka naman ang teacher namin pero nakarecover din.

"Umupo ka nalang sa tabi ni Xandra." Sabay turo niya sa babae na nasa likod, siya lang ang mag-isa doon para bang ilag ang mga estudyante na tumabi sa kan'ya. OA na kung OA pero anong meron sa paaralan na ito!?

"Hi," bati ko pero tinignan niya lang ako at tumingin ulit sa labas ng bintana. Nagkibit balikat na lang ako at umupo na sa katabi niyang upuan. Kagaya kanina ay mga nakatitig pa rin sa'kin lahat ng mga mata nila.

Nagsimula ng magturo ang teacher namin kaya napunta na lahat ng atensyon sa kan'ya, gustuhin ko mang makinig ay naboboring ako sa subject na history, kasi ayoko ng history dahil lagi namang pinag-aaralan dyan ay 'yong nakaraan 'di ba past is past, nasa present na nga tayo binabalikan pa ang nakaraan. Tsk.

"Good bye class." Saka lumabas ang teacher, so ngayon this is it breaktime na, ang pinaka-paborito ko. Inayos ko na muna ang notebook at ballpen ko saka lumabas ng room. Pero bago pa ako makatapak pababa ng hagdan ay naramdaman kong napapaihi ako kaya lumiko na muna ako at doon ko nakita ang female restroom. Hindi ko mapigilang mapahanga, parang cr ng mall
Napailing nalang ako at pumasok na sa cubicle, palabas na ako ng cubicle ng biglang namatay ang ilaw at ilang sandali ay bumukas ulit, tumaas lahat ng mga balahibo ko at nagmamadaling lumabas ng CR na iyon.

What the hell? Naitanong ko sa isip ko, napahawak ako sa aking dibdib na napakalakas ng kalabog, hindi naman ako masyadong matatakutin pero kanina grabe ang kaba at takot ko. Pinilit ko na lang kalimutan ang nangyare kahit alam kong sa loob loob ko ay may takot pa rin.

"Hi." Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot itong lalaking 'to. Sino ba 'to? Hindi ko siya kilala. Loko malamang kakapasok mo lang dito kaya hindi mo pa namumukhaan 'yan.

"Uh, hi sige pupunta na ako sa cafeteria." Naglakad na ako pero naramdaman kong sumunod siya sakin.

"Sabay na tayo." Hindi ko siya pinansin at naglagay na lang ng earphone sa tenga.

I always needed time on my own

I never thought I'd

Need you there when I cry

Biglang tumigil ang music at nawala ang dalawang earphone sa tenga ko. Napalingon ako sa kumuha ng earphone ko at sinamaan siya ng tingin.

"What's your problem?!" inis kong tanong sakan'ya. Medyo napaatras siya dahil sa gulat pero bumalik din sa dati niyang istura na nakangiti.

"I just want to say na mag-ingat ka." Ngumiti ulit siya saka iniwan akong medyo napanganga. Anong mag-ingat ako? Ano bang sinabi niya? Parang ang lalim ng ibigsabihin niya d'on. Ahhhh! Napaka-weird ng mga tao!

Biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya naglakad na ako papunta sa cafeteria. Pagpasok ko pa lang ay biglang tumahimik ang dating mukhang palengkeng cafeteria. Pero hindi ko na lang ito pinansin kahit pa pinagbubulungan na nila ako.

"Wala siyang alam tungkol sa school na ito?"

"Siguro dahil hindi naman siya lilipat dito kung alam niya"

"Kung pwede pang makaalis sa school na ito kukuhain ko ang oppurtunity na iyon"

"Me too"

Ano bang sinasabi nila? Nasa sa kanila kung gusto nilang umalis sa paaralang ito. Kakaibang students ano ba akala nila 'yong teacher ang may karapatan kung paalisin sila, huh hindi noh.

Tinignan ko pa sandali ang tatlong babae na nag-uusap saka ako pumunta na sa pila. Sandali lang ay ako na ang oorder.

"One cheese burger and orange juice," sabi ko habang nakatingala sa mga menu.

"65 Pesos." Ang mahal naman, 50 pesos ang burger, 15 pesos ang juice napakaginto naman nito. Anyway ayokong mag iskandalo na bakit ang mahal ng mga pagkain. Eh 'yong iba nga diyan hindi minahal.

Binigay ko na ang 100 pesos at sinuklian ako. Kinuha ko ang tray saka naghanap ng ma-uupuan.

Nang makakita ako ay pumunta na kaagad ako d'on, nasa dulo at para bang iwas na iwas nila na umupo doon. Ano bang problema dito? Sa room iwas na iwas nilang tabihan ang katabi ko na si Xandra at ngayon naman itong upuan ayaw din nilang upuan. Kumunot ang noo ko at para bang ang lalim ng iniisip.

"Bat siya umupo dyan?"

"Transferee siya"

Lahat na naman sila nakatingin sa'kin. Nakakairita na ha! Tumayo ako at nakapameywang na tumingin sakanila.

"Kanina niyo pa ako tinignan! What the hell is problem!?" Nagsi-iwasan naman sila ng tingin at ako naman ay bumalik na sa pagkakaupo ko.

-------------------

Ito ang una kong mystery story, itra-try ko kung kaya kong gumawa.

Anyway anong masasabi niyo sa chapter 1?

VOTE,COMMENT,FOLLOW

-

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Montville Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon