"HUWAG KANG MAG-ALALA," pagsisiguro ng anim na taong batang babae sa kausap na isa ring anim na taong gulang na batang babaeng serena.
Nasa tabing dagat sila sa malalaking batuhan na 'di kalayuan sa bahay ng batang tao. Doon sila nagkakilala ng batang serena at naging matalik na magkaibigan ng walang sinumang nakakaalam.
Hagod-hagod ng batang tao ang likod ng batang serena dahil ayaw nitong tumigil sa kaiiyak.
"Babalik naman kami kaagad sabi nila mommy. Sandali lang kami dun sa states. May importanteng lakad lang kasi sila doon," malungkot na sabi ng batang tao.
"B-bakit ngayon pa? W-wala ng makikinig sa akin. W-wala na a-akong matatakbuhan kapag pinagagalitan ako nila Ina," sabi ng batang serena sa pagitan ng pag-iyak.
"Sandali lang naman kami doon, Ev. Tsaka magpapagamot na rin daw ako doon. Magiging malakas na ako. Hindi na ako hihikain. Ayaw mo nun, makakapaglaro na tayo ng matagal," sabi ng batang tao na pinipilit maging masaya ang tono.
"Okay. Sige. B-basta babalik ka agad, ha? Mami-miss kita," wika ng batang serena na umiiyak pa rin.
"Shush. Tama na, please. Makakabalik ako dito ng 'di mo namamalayan. Magkakasama tayo ulit tapos maglalaro hanggang magsawa ka dahil gagaling na ako," nanghihinang sabi ng batang tao. Pinupunasan nito ang mga luha ng batang serena sa papamagitan ng maliliit na mga kamay.
Tumango lang ang batang serena pero patuloy pa rin sa pag-iyak.
Sa murang edad, hindi maipaliwanag ni Eva kung bakit napaka-espesyal ng batang tao sa kanya. Siguro dahil tinanggap sya nito kahit na serena sya.
Walang takot na kinaibigan siya nito kahit pa alam nitong 'di sya tao. Ang tapang nga nito, 'di ba?
Sa isang taon, simula nang magkita sila sa malalaking batuhan sa tabi ng dagat, naging matalik silang magkaibigan at laging palihim na nagkikita.
Mabait ang batang tao, si Amor, makikita mo na kung anong ginanda niya sa panlabas na anyo, ganun din kaganda ang panloob nito. Napaka-espesyal din para sa kanya ang batang serena na hindi naman mapaliwanag ng murang isipan nito. Ang alam lang nya, masayang-masaya sya pag magkasama sila at sobrang lungkot naman kung nagkakahiwalay na sila pagdating ng hapon.
At ngayon, aalis si Amor. Parang dinudurog ang puso ng batang serena habang nakatingin sa mala-anghel na mukha ng batang tao.
May sakit kasi si Amor. Hindi nya rin sinabi sa batang serena kung ano pero 'di sya pwedeng mapagod ng sobra dahil madali siyang manghina. Kaya 'di sila nakakapaglaro ng matagal, kahit mag-swimming man lang ay 'di pwede. Tsaka 'di rin pwede yung takbuhan kasi nga walang paa si Eva. Serena nga ito, remember?
Pero kung ang pag-alis nito ang paraan para gumaling si Amor, dapat maging masaya na rin ang batang serena para sa batang tao. Yan ang rason na itinanim ng batang serena sa isipan.
"Ngiti ka na. Ayoko namang umalis na ganito ang kalagayan natin. Sige na, ngiti na," sabi ng batang si Amor na para na ring iiyak na nakahawak sa magkabilang pisngi ni Eva.
Pero sa halip na ngumiti ang batang serena, niyakap nya ng mahigpit si Amor.
"Maghihintay ako sa'yo, Amor. Kahit abutin pa ako ng ilang taon. Basta wag mong kakalimutan, mahal kita. Mahal na mahal," sabi ng batang serena. Napaiyak na rin ang batang tao. Sa totoo lang, hindi nya rin alam kung kailan sila babalik, kung hanggang kailan ang aabutin ang pagpapagamot nya.
Hindi alam ng batang tao kung bakit may iba siyang nararamdaman sa batang serena. Noong una nyang nakita ito, nag-freak out ang batang tao. Kakaiba kasi ito. May buntot na pareho sa isang isda!
BINABASA MO ANG
Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirl
VampireKAPITBAHAY "Amber... Chikinini," pigil ko sa kanya pero mali ata pagkakaintindi nito. Mas diniinan pa nito ang paghalik at sinipsip ang leeg ko. Fuck! Ang slow naman ng babaeng ito. Ah oo nga pala, medyo may problema si Amber pagdating sa comprehens...