Kabanata 11 : Pakikipagtalo

9K 248 6
                                    

AMOR

NASA TABI LANG AKO NI EV AT PINAGMAMASDAN SYA HABANG NATUTULOG. Napaka-peaceful nitong tignan sa sitwasyon nya ngayon.

Wag kayong mag-alala, okay lang naman sya. Pagkatapos akong tawagan ni Lloyd, ginamit ko ang vamp speed ko papunta kina Joma. Hindi ko man alam kung saan ang bahay nila, ginamit ko ang pang-amoy ko para ma-track si Ev. Nakarating ako dun ng less than 3 minutes galing sa ibayong residensya ng mga Manuel. Hindi ko alam na kaya ko pala maging ganun kabilis. May mabuti rin na naidulot ang pagkahilo ni Ev dahil may nadiskubre na naman ako sa ability ko.

Hinaplos ko ang pisngi nito. Three hours na syang natutulog. Baka nga napagod talaga ito. Galing pa sya ng praktis tapos ang dami pa nyang nalaman sa araw na 'to. Na-o-over fatigue rin pala ang mga serena. Napabuntong hininga ako.

Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Dinampian ko muna ng halik ang pisngi ni Ev at dahan-dahang umalis sa tabi nito para 'di ito madisturbo. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang nagsalita ito.

"A-amor?" tawag nito.

Napabalik ako agad sa tabi nito pero nakita kong nakapikit pa rin pala sya. Tulog pa sya? Nananaginip lang siguro.

Pero biglang hinawakan nya ang mga kamay ko na nakapatong sa kama nito. Ngumiti ako. Gising na pala ito.

"Saan ka pupunta?" tanong nya at nakatitig na sa akin. Napakaganda pa rin nito kahit bagong gising.

"Sa baba, mahal. Nauuhaw kasi ako. Pero dahil gising ka na, never mind na lang," nakangiting sabi ko dito at hinalikan ito sa noo. Nakita ko namang napapikit ito at ngumiti ng malungkot sa akin.

"Bakit, mahal?" tanong ko dito na may bakas ng pag-aalala. "May masakit ba sa'yo? Pahinga ka na lang muna. Hayaan mo, hindi kita aabalahin. Gusto mo umuwi na ako para hindi kita madisturbo. Ano, mahal?"

Natawa ito ng mahina pero malungkot pa rin ang brown eyes na nakatingin sa akin.

"Wala. Okay na ako," sabi nito at umupo sa kama. "Am, I think... I think we need to talk," sinabi nitong nakayuko. Kinakabahan man sa winawari nito, tumango ako ng tumingin ito sa akin.

"Pero after you eat na lang, Ev. Hindi ka pa naghahapunan. Okay?" sabi ko at tumango ito ng walang emosyon. Kinakabahan talaga ako sa ginagawi nya but I shrug it off muna. Tumayo ako at before ako lumabas, "Kukuha lang ako ng pagkain mo," sabi ko at tumango lang uli ito without looking at me.

Napabuntong hininga ako ng malalim bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto nito.

Ilang sandali lang ay bumalik na ako sa kwarto nito. Nakaupo lang ito at nanonood ng cartoons. Hindi ako masyadong mahilig sa cartoons kaya hindi ko alam ang pinanonood nito. Pinagmasdan ko muna ito bago pinatong sa kama nito ang pagkain.

"Kain ka na. Sigurado akong gutom ka na."

"Salamat," sabi nito na 'di tumitingin sa akin at kinuha ang tray.

Pinagmasdan ko lang sya habang kumakain.

Katahimikan...

Ang tunog ng kutsara't tinidor lang ang maririnig sa loob ng kwarto na yun. Nang  parang natigilan ito sa pagsubo. Napataas naman ang isang kilay ko.

"Ah, eh, sinong nagbihis sa akin?" tanong nitong namumula ang mga pisngi. Naka-pajamas na kasi ito.

"Mommy mo. Tinawagan ko sya pagkatapos mong mahimatay kina Joma," para naman itong na-relief sa narinig. "Don't worry, Ev. Hindi naman ako magte-take advantage sa'yo. Hindi ko ugaling mamilit sa taong ayaw din sa akin," sabi kong medyo inis na rin. Nakakainis kasi. Kanina pa nya ako ini-ignore. Eh, samantalang ako kanina, para na akong mamamatay sa pag-aalala dito. "Kukuha muna ako ng tubig mo." At tumalikod na dito.

Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon