Kabanata 12 : Ang mga Bisita

11.6K 249 22
                                    

EVA

"OKAY, RED. OO, SINABI NYA SA AKIN. OKAY. OKAY. PLEASE. SIGE, BYE. LOVE YOU, TOO."

Naalimpungatan ako sa boses ni mama. Napahawak naman ako sa kumakalam na sikmura ko. Ugh! Gutom na ako. Umungol ako at napansin nitong nagising na ako.

"Hi, anak. O, I brought you food. I know gutom ka na. Kain ka na muna," sabi nitong lumapit na sa akin hawak ang tray ng pagkain at cellphone nito. Umupo ako at nag-aalalang tumingin dito.

"Ay, anak. Wag kang mag-alala. Hindi na kita gagamitan ng spell basta wag ka lang maging stubborn, okay? Kain na," nakangiting sabi nito ay binigay sa akin ang tray. Tumalima naman ako. Eh baka mag-chant na naman ito ng spell, eh. Nakakatakot kaya. Baka gawin nya akong palaka. Yay!

Tahimik lang akong kumain. Nagnanakaw ng tingin sa witch kong ina.

"Uhm, nak. Tumawag nga pala si Jared. Sabi nya, hmm... sabi nya confirm na nakuha ng Supreme Arch si Amor pero hindi pa nila nahahanap. Magaling magtago ang Supreme Arch, hindi sila makapasok sa portal. Pero.. Pero don't worry, 'nak. Nangako si Jared na iuuwi nya si Amor dito with flesh and blood. I mean flesh lang pala, wala nga pala silang blood. Ayy ano ba, never mind. Uhm, ahh t-tsaka may malaki tayong problema, 'nak." Nakatingin lang ako kay mama at hindi pa din nagsasalita. Poker face ang expression ko.

"Kailangan mo munang bumalik sa Serenity dahil baka idadamay ka ng mga taga-Supreme Arch kapag nalaman nilang nagkaroon pa ng mate ang dini-despise nilang Hybrid Vamp." Bakas ng pag-aalala ang boses nito.

"No. Hindi ako aalis," mahina ngunit mariin na sabi ko. Tsaka ako bumalik sa pagkain.

"Evangeline! Don't be stubborn again!" galit na sabi nito.

"It's my life, ma. Ako ang magdedesisyon sa para sarili ko," sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko pinapansin ang galit nito. Babalik si Amor. Babalikan nya ako. At gusto ko pag bumalik sya, hindi na sya pupunta o maghahanap pa dahil nandito lang ako.

"Anak naman ilang be----"

"Ma! It's my decision and it's final!" I shouted with authority in my voice. Natigilan naman ito at hindi nakapagsalita ng matagal. "And don't you dare use your spells on me! Or else, hindi nyo na ako makikita. I mean it!" sabi kong nakatingin sa mga mata nito.

Napabuga naman ito ng hangin. Alam nyang nagsasabi ako ng totoo. Minsan lang kasi akong magtaas ng boses dahil all the time, puro biro ang ginagawa ko kay mama.

"Okay, anak. Just so you know, nandito lang ako. Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong masama," sabi nito.

Hindi ako nagsalita. Tahimik na pinatong ko sa aking tabi ang aking pinagkainan. Tsaka ako nahiga ulit at tumalikod sa direksyon nito.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga nya at ingay ng mga kubyertos tsaka ingay ng pinto. Tahimik na naman ang kwarto ko.

Doon na nagsimulang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit kung kailan masaya na ang lahat tsaka naman magkakaganito? Tsaka feeling inutil ako masyado dahil mahinang-mahina pa rin ako. Pero sabi nga ni mama nang magtanong ako bakit ganito ang pakiramdam ko, epekto daw 'to ng mating process namin ni Amor.

Kapag nagme-mate daw kasi, nagbi-build ng kakaibang koneksyon ang mag-mate. Physically, mentally, at emotionally. Magiging isa kayo. Pati ang iniisip ng isa't isa'y maririnig at mababasa nyo.

Sa kaso namin ni Amor, physical pa lang ang na-build na koneksyon namin dahil hindi pa kami tapos sa mating process. Na-delay kasi may laro ako kinabukasan. Pumayag naman si Amor dahil alam nito kung gaano kaimportante sa akin ang laro na yun. Aabutin kasi ang mating process ng 3 days o sosobra pa. Depende sa strength ng nagme-mate.

Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon