Ang Nakaraan...
AMOR
"GISING NA SYA, FLAME!" MASAYANG BULALAS KO HABANG NAKATINGIN DITO NG BUONG PAGMAMAHAL. "Call mama. Call all of them!" utos ko dito, never averting my eyes to the love of my life.
Tumalima naman ito dahil narinig kong bumukas at sara ang pintuan ng lab.
Then her eyes bore to mine. But her gaze was something I don't want to see. I read nothing. Parang hindi ito masayang makita ako.
Then I heard her say, "Sino ka? Nasaan ako?"
WTF! Coma noon, amnesia ngayon? Tae naman!
+++
Present Time...
Para akong lantang gulay na napaupo sa bakanteng silya sa tabi ng kama ni Ev. Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to?
Pagkatapos nyang ma-coma ng tatlong araw, ito na naman at hindi nya ako, kami, nakikilala. Totoo ba 'to? Grabe ang paglalaro ng tadhana sa amin.
Ilang beses akong napalunok at napakurap para pigilan ang luhang nagbabantang lumabas sa mga mata ko.
Ev was just staring at me plainly. Ako nama'y hindi alam kung anong isasagot dito.
Nahiling kong sana'y panaginip lang ang lahat ng ito. I even pinch my arm para magising sa katotohanang hindi ito isang panaginip. But then I realized, this is real. Totoo ang lahat ng 'to.
Why? Bakit nangyayari ito? Bakit?
Napayukong nasabunot ko ang mga kamay sa aking maitim na buhok. Probably, Ev will think I'm a crazy stranger na frustratingly sinasabunot ang sariling buhok.
Then I heard giggles. There's no other person in the room except me and her. Dahan-dahan akong napatingin sa gawi nito at nakita ang nagpipigil ng tawa na si Ev. But she can't contain it and she burst out laughing.
"Mahal..." she said, still giggling. "Your reaction... Oh god... It was priceless."
She's just playing? Oh gosh. Muntik na akong magwala, yun pala'y pinaglalaruan nya lang ako?
Jaw dropped akong nakatingin dito but when I realized na joke lang pala nya lahat yun, hindi ko napigilang ilabas ang galit ko.
"Walanghiya ka! Pinaglalaruan mo lang pala ako!" sabi ko at sinakal ito. So, childish? Eh iniinis nya ako. Walanghiyang babaeng 'to!
"A-a-amor. T-te-teka lang. S-sandali. Di-di ako makahi-hinga," pigil nito sa dalawang kamay kong nasa leeg nito. Ewan ko pero talagang nagalit ako sa ginawa nya sa akin. I didn't realize what I was doing when someone called my name at hinila ako palayo kay Ev. Harshly.
"What do you think you're doing? Papatayin mo ba sya?!" galit na hila ni Flame sa akin palayo kay Ev.
Bigla naman akong natauhan.
"It's fine, best. Kasalanan ko kasi," guilty na sabi ni Ev.
I was so embarrased. Napayuko ako and I know namumula ako. I felt their stares on me. Anong ginawa ko? Bakit ko nagawa yun? That was so killer of me. I hate myself!
"Sinasakal ka nya! Shit lang, Amor. Papatayin talaga kita," galit si Flame but I know she doesn't mean it.
Before pa ako matunaw sa hiya at lamunin ng lupa na pinangarap kong sana'y nangyari na lang dahil sa guiltiness na nararamdaman ko, nagtatakbo akong nag-walk out sa kwarto na yun.
"Amor. Mahal!" narinig kong tawag ni Ev but I didn't budge to look back. So much I wanted to go back and crush her in my arms with a passionate kiss and a loving hug but I'm too embarrased to get back. Too embarrased.
BINABASA MO ANG
Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirl
VampireKAPITBAHAY "Amber... Chikinini," pigil ko sa kanya pero mali ata pagkakaintindi nito. Mas diniinan pa nito ang paghalik at sinipsip ang leeg ko. Fuck! Ang slow naman ng babaeng ito. Ah oo nga pala, medyo may problema si Amber pagdating sa comprehens...