Kabanata 14 : Hinahanap-hanap kita

9.6K 239 11
                                    

AMOR

"DAHIL SA NG LAHAT NG NAKALAP NA EBIDENSYA AT MGA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT PANG BUHAYIN ANG HYRID VAMP NA SI IRIS AMOR MANUEL, SYA AY OPISYAL NG PINAPALAYA SA KAMAY NG SUPREME ARCH. Wala ng myembro ng SA ang maaring gumambala at mang-threat kay Amor sapagkat malinis na ang records nya mula sa SA. I, Dimitri Parrielle y Manuel, as the master of Supreme Arch, releasing Iris Amor Manuel and can live freely as a normal vamp." Naiiyak akong napangiti ng malapad sa sinabi ni Dimitri. Tinignan ko ang pamilya ko sa aking likuran. Nakaupo at nakikinig rin sila sa paglilitis ko.

Nasa court room kami ngayon ng Supreme Arch.

Masayang nag-thumbs up sa akin si Uncle Jared. Emotional namang parang naiiyak na nakangiti si Lloyd na kino-comfort ni Anton. Na-convert na pala si Anton at impressive masyado ang pag-take nito ng mating season, dahil 5 days lang ang process na ginawa nila. Nag-fist bump naman sina Jon, Joma, at Miko. Samantalang malapad din na nakangiti sina Note at Clef sa akin.

Masayang masaya ako dahil pumunta sila dito all the way sa Italy para lang i-save ako. Inaalala ko naman si Ev pero dahil nanghihina pa daw ito kasi nararamdaman rin pala nya ang pagiging weak ko physically, kaya 'di ito pwedeng sumama. Tsaka ayaw ko rin syang sumama dito kasi baka maraming 'di magandang mangyari at madamay pa ito. Hindi ko kakayanin yun.

Nakita ko namang sumimangot si Carmen pero 'di ko na lang pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Basta ako, buhay ako. Magkikita na ulit kami ni Ev!

Sa isiping pa lang yun, excited na akong umuwi. It's been 15 days since the capture. Natagalan rin ng mga ilang araw ang paglilitis ko dahil oppose nang oppose si Carmen but when my family came at sinabi ang about sa prophecy and them as the living proof na totoo nga yun, wala ng nagawa si Carmen but to let out a sigh of defeat.

Parang ang sarap bumelat sa oras na yun. Ang sarap nya tuksuhin at tusukin ang dalawang mata. Oops!

"You're free, baby sis," sabi naman ni Dimitri na yumakap na sa akin.

"Salamat, kuya." Ganting yakap ko dito.

Nalaman na ng SA ang connection ko kay Dimitri. Nung una, ginamit pa ng council ang relationship status namin ni Dimitri laban sa akin dahil magiging biased daw si Dimitri sa magiging desisyon nito. But as days passed by, the truth has just been revealed on it's own. Si Dimitri ay nasa posisyon pa rin nito dahil isa naman talaga itong magaling at matalinong leader.

Happy na ang lahat. I just wish na katapusan na 'to ng paghihirap namin pero I know na malabo yun. It's just the beginning. I heard from the council na ang grupo ni Luigi ay gumagawa na ng paraan para magapi ang supernaturals. The next target was the key, the chosen one. Walang iba kundi si Eva. That is why, kailangan na naming makauwi at matapos na namin ang proseso ng mating para ma-fulfill na nito ang pagiging chosen one nito at iligtas ang mundo, hindi lang ng supernaturals but mundo rin ng tao.

"I'll visit you at Marion if magkaka-time ako," sabi nito nang kumalas na ako sa pagkakayakap dito. Tumango lang ako at ngumiti. "And hopefully, I'll meet your chosen one," tudyo nya sa akin.

I smiled and say, "Of course, kuya."

Carmen heard our conversation at nakabusangot itong nag-walk out.

Lumapit na ang pamilya ko sa akin. They hug me one by one. Including the EH, ang sweet ng mga ito. Na-appreciate ko talaga ang effort nila sa paghahanap nila sa akin.

"Thank you, guys," wika ko.

"Kung 'di lang para kay Ev at kaligtasan ng mundo, Amor, 'di ako sasama dito. Nakakapagod kaya," maktol ni Miko.

He earned a smack on the head from Anton. "Magtigil ka ngang bruho ka. Wala ka namang ibang ginawa kundi ang mangulit ah."

Napanguso naman si Miko na napakamot sa ulo. Napatawa na lang kaming lahat. Kahit kailan talaga, Miko will always be Miko.

Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon