EVA
NAWALA BIGLA ANG ANTOK KO. Siya nga ba talaga 'yun? Hindi ako makapaniwala!
The entire time sa klase ay para akong binging walang naririnig. Nakatuon lang lahat ng atensyon ko sa itim ang buhok na magandang dilag, na dalawang upuan lamang ang layo mula sa kinauupuan ko.
'Hindi ako pwedeng magkamali. Si Amor nga ito. Ang babaeng pinakamamahal ko. Pero may kakaiba sa Aura nya ngayon.' Kausap ko sa sarili.
"Miss Damian? Answer my previous question." Siniko ako ni Anton.
Magpoprotesta pa sana ako nang inginuso nito ang direksyon ng teacher. Salubong na ang dalawang kilay nito. Patay! Nahalata na ako ni Mrs. Bernardo. Nakatingin na ang lahat ng kaklase ko sa akin including Amor. Yay!
"P-pardon, ma'am?" tanong ko na tumayo na rin. Lagot. Hindi pa naman ako masyadong magaling sa Physics.
"What is velocity and its formula?" taas kilay pa ring tanong ng teacher.
Yay! Hindi ko alam 'to. Sandali, si Joma! Kaso nasa likod ko ito. Omg, mapapahiya pa ako sa harapan ni Amor. Grrr. Napatingin ako sa wristwatch ko. Malapit na ang bell! Alam ko na! Na-imagine kong parang may light bulb na sumindi sa taas ng aking ulo sa panahong yun.
"As most of us know and the redundant meaning of velocity that has not change ever since the world began..." Eh, sa ito lang ang kaya kong gawin.
Nakahalata naman ang mga kaklase ko kaya nagtawanan lang sila ng mahina. Ang mga so-called-friends ko naman ay napalakas ang tawa. Hindi ko na rin napigilang mapangiti na naudlot din dahil nakatingin ang may pinakamagandang ocean blue eyes sa akin. Nakataas ang isang kilay nito. "So..." Tingin ulit ako sa wristwatch ko.
5 seconds.
4...
3...
2...
1... Kringgggggg!
"Okay, class. Dismissed," sabi na lang ni Mrs. Bernardo. With the look 'you're lucky this time' sa akin.
Nag-high five kami ni Jon. Hindi ko na napigilang matawa. Napailing-iling na lamang si Joma sa ginawa ko, si Miko naman bumunghalit ng tawa at si Anton naman ay nakatawang tinapik ako sa balikat.
Pagtingin ko sa direksyon ni Amor, wala na ito. Kinuha ko ang bag ko at agad na sinundan ito. Pero wala akong nakitang Amor nang nasa hallway na ako. Ang bilis naman nyang nawala. Disappointed kong bulong.
"Hoy miss, ba't ka ba nagmamadali?" tanong ni Miko. Nakasunod na pala ang mga ito sa likod ko.
"Sinusundan nya yung new student," ani Miko.
"Ang ganda nya, ano?" parang nagde-daydream na sabi ni Jon.
Oh no! She's mine! Naka-balled fists na litanya ko sa isip ko.
"Uip. Balato mo na yun kay Ev, Jon. Tignan mo oh, patay ka na sana ngayon sa death glare nya," tuksong tawa ni Miko.
"Hindi..." mariin na sabi ni Jon. Parang gusto ko syang suntukin sa oras na yun. "Kung magagaya lang sya sa lahat ng babae na na-involve sa'yo, sorry Ev, pero di ko sya ibibigay sa'yo."
What? Of all people, si Jon pa! Ang mabait na si Jon. Natamaan talaga ata ito kay Amor. Oh no.
Hindi na lang ako nagsalita at nag-walk out na lang papuntang cafeteria. Seryoso si Jon. Ngayon ko lang sya nakitang nagkaganito pero sorry sya, akin lang si Amor.
Nasa cafeteria na nga kami at nagla-lunch. Nandoon din sa 'di kalayuan si Amor. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang masaya itong nakikipagtawanan sa grupo nila Lloyd. Kaya pala familiar, kasi may Manuel din sa school na 'to.
BINABASA MO ANG
Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirl
VampireKAPITBAHAY "Amber... Chikinini," pigil ko sa kanya pero mali ata pagkakaintindi nito. Mas diniinan pa nito ang paghalik at sinipsip ang leeg ko. Fuck! Ang slow naman ng babaeng ito. Ah oo nga pala, medyo may problema si Amber pagdating sa comprehens...