EVA
"KUMUSTA NA KAYO, MGA ANAK?" TANONG NI MAMA FE. Kasalukuyan kaming nasa bahay nito dahil may sasabihin daw itong importante sa amin.
"Okay lang naman kami, Ma," sagot ni Amor para sa aming dalawa tsaka ako binigyan ng mabilis na halik sa pisngi.
Nabigla naman ako sa ginawa nito at naramdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko. Kahit naman tatlong araw kaming nagkulong para kumpletuhin ang mating season namin, iba pa rin talaga ang epektong binibigay sa akin ni Amor. Para itong redhorse, lakas ng tama!
"Nakikita ko nga, anak," natatawa namang sabi ni Mama kay Amor. "Ikaw lang nakakagawa nyan kay Ev, alam mo ba."
"I know, Ma," proud namang sagot ni Amor.
"Wow ha. Ang hambog, ha," sabi ko, as I pinch her nose. "Tsaka Ma and 'Nak na talaga. Ang sweet naman."
"Nakuuu... ang anak ko. Nagseselos. Eh magiging anak ko na naman talaga 'tong si Amor ah. Bakit? Hindi mo ba sya papakasalan?" mataray na sabi ng nanay ko.
Masamang napatingin sa akin si Amor.
"Mama naman. Okay lang nga," sabi ko at bumaling kay Amor. "Okay lang yun, mahal. Tawagin mo ng mama ang mama ko. Walang problema yun. Pamilya na naman tayo, eh," nakangiting wika ko sa nakasimangot na si Amor.
"Wag na wag kang magtatangkang mambabae, Ev. Papatayin ko talaga lahat ng mai-involve sa'yo," mariin namang sabi nito.
Napakamot ako sa batok at tumingin ng masama sa Mama ko. Pahamak ka, Ma!
"Mahal naman. Wala na akong kawala sa'yo, 'di ba. Mate tayo tsaka destiny slash meant to be na tayo. Tsaka mahal na mahal kita, alam mo naman yun," pang-aalong pinaupo ko ito sa kandungan ko.
Umupo naman ito pero nakasimangot pa rin. "Talaga?"
"Opo. Mahal na mahal kita. Ikaw lang talaga." Hinalik-halikan ko ito sa mukha. Tumawa naman ito ng mahina sa ginagawa ko.
"O sya tama na yan love birds, mamaya na naman ang honeymoon," nakangiti na ring sabi ni Mama.
"Honeymoon daw," pilyang bulong ko kay Amor.
Pinalo naman nya ang braso ko ng mahina at bumulong sa tenga ko.
"Later, love. Humanda ka sa akin," napakagat labing sabi nito. Ahh... hindi ko alam na may pagkapilya rin pala ang mahal ko. Alam kong nagniningning ang mga mata kong tumango't napakagat labing nakatingin dito.
"Hoy, mga bata. Respeto sa young adult dito na side. Hello? Nandito ako. Mamaya na yan," interrupt naman ni Mama. Natatawang naghiwalay kami sa isa't isa. Hayyy, malas naman.
"Syanga pala, Ma. Ba't andami yata ng nakahain na pagkain ngayon? May birthday ba?" narinig kong tanong ni Amor. Sumilip kasi ito sa dining room.
"Wala, anak. Pero may mga bisita tayong mga kapitbahay kaya maraming pagkain," nakangiting saad nito. Nagtatanong ang mga matang nagkatinginan kami ni Amor.
Before pa kami nakapagtanong ulit, pumasok na ang napaka-sexy'ng si Amber wearing her jumper short shorts, white tank top at silver heels.
"Good evening, Ma," ngiting bati nito sa Mama ko at humalik sa pisngi nito.
"Good evening din, Amber," ganting bati ng mama ko.
"Ma?!" taas kilay na sabi ni Amor. Uh-oh anong binabalak ni Amber?
Hindi pinansin ni Amber ang pagtataray ni Amor. Si Mama naman ay lumabas muna dahil may nag-doorbell. Eh, bakit si Amber pumasok lang? Hala.
BINABASA MO ANG
Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirl
VampirosKAPITBAHAY "Amber... Chikinini," pigil ko sa kanya pero mali ata pagkakaintindi nito. Mas diniinan pa nito ang paghalik at sinipsip ang leeg ko. Fuck! Ang slow naman ng babaeng ito. Ah oo nga pala, medyo may problema si Amber pagdating sa comprehens...