Kabanata 8 : Ang Pamilya

12.6K 282 9
                                    

AMOR

TALO NA AKO SA PUSTAHAN NAMIN NI NOTE PERO OKAY LANG. At least okay na kami ng Eva ko.

Ang sarap ng labi nya. Parang ayaw ko ng kumalas pero marami pa kaming dapat i-clear before kami mag-proceed sa next level. Nagsisimula pa naman ng lumikot ang mga kamay nito. Ang bilis talaga ng babaeng 'to!

"Hmm... Ev," putol ko sa halik habang naghahabol ng hangin.

"Hmm... no," disagree nito, pulling my head closer to hers. Pinatong ko kanang kamay sa bibig nya at tinulak ito ng mahina.

"Ahhh," himutok nito na parang bata.

"Behave ka nga, Evangeline," sabi kong nagpipigil matawa.

Ngumuso ito at umayos ng upo. Hindi na sya tumingin sa akin. Aba! Sya pa ang may ganang magalit. Sya nga itong atat na atat eh.

"Ikaw ha. Ang bilis mo talaga. Wag mo akong itulad sa mga babae mo na nadadaan lang sa charm mo," sabi ko na umayos na din ng upo.

Para naman itong natauhan at lumapit itong niyakap ako patagilid habang ang mukha nito'y sobrang lapit sa mukha ko. Nakikiliti tuloy ako sa hangin na lumalabas sa ilong nito.

"Hindi naman sa ganun, mahal." Mahal? Cute! Pinigilan kong wag bumigay agad. Baka kasi akalain nitong easy to get din ako. I pulled a serious face, looking straight at the door.

"Ibahin mo ako, Ev. Tsaka kahit sinabi ko na mahal kita, hindi ko pa rin isusuko ang Bataan ng wala ka man lang kahirap-hirap," sabi kong hindi tumitingin dito.

Malapad itong napangiti at hinalikan ako sa pisngi. 'Di ba sabi ko hindi ko muna isusuko ang Bataan, eh ba't parang ang saya nito?

"Masaya ako at wala pa palang nakakagalaw sa'yo," anitong nakangiti pa rin. Ahh... kaya pala masaya ang bruha dahil nalaman nyang virgin pa ako.

"Dapat lang dahil ako 'di ako masaya sa mga pambabae mo," mariin kong sabi na tumingin dito.

Nagkaroon naman ng guilty look sa mukha nito at niyakap ako ng mas mahigpit. Haayy, sa simpleng yakap lang nito ay para ng natutunaw ang pagdaramdam ko.

"Sorry na po. Promise po, hindi na ako titingin sa ibang babae dahil nandito na po ang mahal ko. Hindi po kita ipagpapalit kahit kanino," sabi nito.

"Promise na naman, Ev? Ipakita mo kaya with your actions. Hmp." Ayan, natuluyan nang uminit ang ulo ko.

"Sorry na, please," naiiyak na sabi nito. Iyakin talaga 'tong isang 'to. "Nagsisisi na ako, Amor. Pwede bang huwag na tayong mag-away? Please, huwag ka ng magalit sa akin." At umiyak na nga ito ng mahina.

Dito naman ako parang naalarma at humarap na sa kanya. Nakayakap pa rin ito sa akin. Hinawakan ko ang magandang mukha nito at pinaharap sa akin.

"Shush. Sorry, Ev. Tama na, wag ka ng umiyak," I said with a soft voice at pinahid ng mga hinlalaki ko ang mga luha nito. Umiyak tuloy. Hindi ko naman sinasadya at hindi ko intensyon na paiyakin ito. Na-carried away lang ako. "Opo. Hindi na kita aawayin. Basta control yourself ha? Hindi pa talaga kasi ako ready."

Ngumiti na ito at tumango. Ngumiti na rin ako at niyakap ito. "Mahal na mahal kita, Amor," sabi nito na nakasiksik ang mukha sa leeg ko.

"I love you too, Ev. Sobra," pabulong kong sabi but enough for her to hear me.

She giggled at hinalikan ang leeg ko. Ang touchy talaga nito. I smack her slightly on her arm baka kasi saan na naman umabot ang halik nito. Tahimik lang kaming magkayap, smelling the scent of one another. How I miss her so much. I can live like this forever.

Supernatural Series 1 (KAPITBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon